Carlo Aquino at Charlie Dizon kasal na! Tingnan dito ang larawan ng kasal ng aktor at aktres na ikinagulat ng kanilang mga fans.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Carlo Aquino at Charlie Dizon ikinasal na.
- Relasyon ni Carlo at Charlie.
Carlo Aquino at Charlie Dizon kasal na
Larawan mula sa Instagram
Kasal na ang aktor na si Carlo Aquino at aktres na si Charlie Dizon. Ang kanilang kasal naganap itong June 9, 2024 sa isang private resort sa Silang, Cavite. Wala pang opisyal na pahayag ang dalawa sa kanilang naging kasal. Pero sa social media ay makikita na ang mga larawan ng kanilang naging kasal.
Makikita sa mga larawan na ilang celebrities ang present sa kanilang kasal. Ayon nga sa mga reports ang aktres na si Elisse Joson ang veil bearer, si Alexa Ilacad ang cord bearer at si Loisa Andalio ang candle bearer.
Present rin sa kasal sina Kaila Estrada, Belle Mariano at Sue Ramirez bilang bridesmaid nila Carlo at Charlie. Nandoon rin ang mag-asawang sina Jolina Magdangal at Mark Escueta. Nag-attend din sa kasal ni Carlo at Charlie, ang aktor na si KD Estrada.
Larawan mula sa Instagram
Ang principal sponsors naman ng bagong kasal ay binubuo ng ilang ABS-CBN executives. Tulad ng CEO and President na si Carlo Katigbak, COO for Broadcast na si Cory Vidanes at ABS-CBN Board of Directors member na si Charo Santos-Concio. Ninang rin sa kasal ang mga aktres na sina Vilma Santos-Recto at Maricel Soriano.
Higit sa lahat, ang mga magulang ni Charlie ay dumalo rin sa kasal niya. Base sa mga reports, ay nanggaling pa sa Amerika ang mga magulang ng aktres at umuwi lang ng Pilipinas para masaksihan at maihaitid sa altar ang aktres.
View this post on Instagram
Relasyon ni Carlo at Charlie
Larawan mula sa Facebook account ni Carlo Aquino
Ang pagpapakasal ni Carlo at Charlie ay ikinagulat ng marami. Lalo pa’t wala naman silang nai-anunsyong engagement. Pero magkaganoon man ay bumaha ng pagbati sa pag-iisang dibdib ng dalawa.
Matatandaang July 2023 ng kumpirmahin ni Carlo at Charlie na sila ay may relasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!