TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Ina ni Carlos Yulo sa isyung winawaldas niya ang perang pinaghirapan ng anak: "Wala kaming ninakaw, wala kaming ginalaw na pera niya.”

3 min read
Ina ni Carlos Yulo sa isyung winawaldas niya ang perang pinaghirapan ng anak: "Wala kaming ninakaw, wala kaming ginalaw na pera niya.”

Ayon sa ina ni Carlos hindi pera ang naging dahilan ng sigalot sa pagitan nila ng kaniyang anak.

Carlos Yulo mother nagsalita na sa mga isyung binabato sa kaniya. Hirit ng ina ni Carlos hindi nila pineperahan ang anak.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Carlos Yulo mother nagsalita na isyung binabato sa kaniya.
  • Ina ni Carlos gusto lang ang mabuti para sa anak.
  • Tunay na dahilan ng sigalot sa pagitan ng mag-ina.

Carlos Yulo mother nagsalita na isyung binabato sa kaniya

carlos yulo mother angelica yulo

Nagbigay parangal sa bansa ang gymnast na si Carlos Yulo kamakailan lang. Si Carlos nasungkit ang dalawang gintong medalya sa sports na gymnastics sa nagdaang 2024 Paris Olympics. Kinilala rin si Carlos bilang kauna-unahang Pilipino na nakakuha ng dalawang gold sa Olympics. Ang naunang Pilipina naman ay ang weightlifter na si Hidilyn Diaz.

Ang mga Pilipino masaya sa karangalang hinatid ni Carlos sa bansa. Pero kaakibat nito ang mga isyu sa personal na buhay niya na naglabasan rin. Partikular na nga dito ang hindi pagbati ng ina ni Carlos na si Angelica Yulo sa pagkapanalo ng anak. Dito lumabas ang usapin na may sigalot sa pagitan ng mag-ina. Ang paratang kay Angelica ay ginawa nitong “cash cow” ang anak. Ang pera umano na para sa training nito ay ginalaw ni Angelica at ginamit para sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Ina ni Carlos gusto lang ang mabuti para sa anak

carlos yulo olympics

Larawan mula sa Facebook ni Carlos Yulo

Ang paratang na ito ukol sa ina ni Carlos ay mabilis na kumalat sa social media. Ito naman ay agad na sinagot ni Angelica Yulo. Pinabulaanan niya ang mga paratang laban sa kaniya. Kung meron nga man daw siyang nagalaw sa pera ng anak ay hindi naman ito kalakihan.

“Wala kaming ninakaw, wala kaming ginalaw na pera niya. Siguro meron portion na hindi man lang sabihin mong aaray yung bulsa niya.”

Ito ang sabi ng ina ni Carlos sa isang panayam.

Pagdating sa usaping pera, paliwanag pa ni Angelica ay laging para sa kabutihan at kinabukasan rin ng anak ang iniiisip niya.

“Ang sinasabi ko sa mga anak ko, every time may nakukuha, magkakaroon sila ng cash incentives, malaki o maliit, sinasabihan ko sila na bumili kayo yung merong maaalala ninyo. ‘Ay, galing ito sa Palarong Pambansa. Ay, galing ito sa ganito kong cash incentives. ”

Ito ang sabi pa ng ina in Carlos.

Hindi pera ang dahilan ng sigalot sa pagitan ng mag-ina

carlos yulo and girlfriend

Larawan mula sa Facebook ni Carlos Yulo

Pagpapatuloy pa niya, hindi sa pera nag-ugat ang hindi nila pagkakaintindihan ng anak. Ito ay dahil sa isang babae na nilalayo umano ang anak sa kanilang pamilya. Ang tinutukoy na babae ng ina ni Carlos ay ang girlfriend nitong Filipino-Australian vlogger na si Chloe Anjeleigh San Jose.

“Ang naging mitsa lang naman talaga ever since yung babae talaga. Oo, alam ko, gusto nilang magkasama. Gusto niyang makasama si Caloy, gusto rin siyang makasama ni Caloy. Pero siyempre, kasi pamilya kami. Kumbaga, parang matagal din namin siyang hindi nakasama. Because of pandemic, di ba?”

“So siyempre, kung siya gusto rin siyang makasama nung girl, how much more kami na pamilya niya na gusto rin siyang makasama? Even yung mga kapatid niya kasi talagang medyo nalulungkot lang kasi sobrang close silang magkakapatid.”

Ito ang sabi pa ng ina ni Carlos sa panayam.

 

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Ina ni Carlos Yulo sa isyung winawaldas niya ang perang pinaghirapan ng anak: "Wala kaming ninakaw, wala kaming ginalaw na pera niya.”
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko