Ibinahagi ni Hidilyn Diaz at ng soon-to-be husband niyang si coach Julius Naranjo na nagkaroon sila ng prenuptial agreement bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na wedding.
Mababasa sa artikulong ito:
- Soon-to-be husband ni Hidilyn Diaz nag-offer ng prenuptial agreement
- Hidilyn Diaz handang iwan ang career para kay coach Julius Naranjo
Soon-to-be husband ni Hidilyn Diaz nag-offer ng prenuptial agreement
Napatunayan daw ni Hidilyn Diaz na mahal talaga siya ng kaniyang soon-to-be husband na si coach Julius Naranjo. Ito ay matapos na mag-offer umano si Julius kay Hidilyn Diaz ng prenuptial agreement bago ang kanilang wedding.
Sa interview ni Karen Davila kina Hidilyn Diaz at sa kaniyang soon-to-be husband, nabanggit ng dalawa na hindi naman pera ang dahilan kung bakit sila magpapakasal.
Saad ni Julius Naranjo, “When we get married, it’s about loving each other. It’s not about the properties or any of that – it’s not about anything material.”
Agree naman si Hidilyn Diaz sa sinabi ng soon-to-be husband. Saad niya hindi naman daw materyal na bagay ang sentro ng kanilang relasyon at planong pagbuo ng pamilya.
Larawan mula sa Instagram account ni Hidilyn Diaz
“Para sa akin kasi it is just a piece of paper and what’s important is us. Si God nandiyan eh,” saad ni Hidilyn.
Parehong excited na nga sa nalalapit na wedding sina Hidilyn Diaz at Julius Naranjo.
Sabi pa ni Julius, tiyak siya na ang wedding nila ay magiging isa sa mga “best day” ng kaniyang buhay. Masaya rin siya na mayroon siyang “something to look forward to.”
Para naman kay Hidilyn Diaz, balewala ang lahat ng napanalunan niya bilang Olympics gold medalist kung wala ang soon-to-be husband.
Aniya, “Lahat ng napanalunan ko, lahat ng prices, kung wala naman akong kasama. Kasi kailangan ko ng kasama, kailangan ko ng kakampi, kailangan ko na mahalin ako kung sino ako, at siya ‘yon.”
Hidilyn handang iwan ang career para kay coach Julius
Sa interview ni Karen Davila kina Hidilyn Diaz at sa soon-to-be husband nitong si Julius Naranjo ay napag-usapan kung paano nagsimula ang romance sa pagitan nilang dalawa.
Nagkakilala raw sila noong athlete pa si Julius Naranjo at nagsimula daw ang romantic na pagtingin sa isa’t isa nang magsimula na nilang makilala ang isa’t isa.
Sabi ni Julius Naranjo, labis siyang na-attract kay Hidilyn Diaz dahil sa love at passion nito.
Kinilig pa si Karen Davila nang sabihin ni Hidilyn Diaz na siya ang unang nagtanong sa kaniyang soon-to-be husband kung gusto ba siya nito.
Larawan mula sa Instagram account ni Hidilyn Diaz
Pagkatapos daw ng laro nila noon sa Turkmenistan ay tinanong ni Hidilyn si Julius kung gusto siya ng coach. At ang naging sagot lang noon ni Julius ay gusto niya si Hidilyn bilang tao. Broken hearted daw kasi si Hidilyn noon kaya ayaw niyang mag-take advantage dito.
Humanap pa si coach Julius Naranjo ng tamang pagkakataon bago sabihin ang totoong nararamdaman sa weightlifter.
Kwento pa ni Hidilyn Diaz, napakaraming sinakripisyo ni Julius para sa kanilang relasyon.
“Sinurrender niya lahat ‘yong buhay niya sa Guam para tulungan ako. He’s the one kasi sinusuportahan niya ako sa sports na pinili ko, sa pangarap na akala ng iba imposible.”
Hindi naman daw nagsisisi si Julius sa mga sinakripisyo at naniniwala ito na, “with all the sacrifices, we could achieve something great.”
Gusto na rin naman daw ni Hidilyn Diaz at ng soon-to-be husband niya na magkaroon ng anak. Kaya lamang sa ngayon ay naghahanda pa sila sa Paris 2024 Olympics. Pagkatapos daw ng laro nila doon ay pwede nang magbuntis si Hidilyn.
Nang tanungin ni Karen Davila si Hidilyn Diaz kung handa rin bai tong isakripisyo ang career para kay Julius, agad na pag sang-ayon ang tugon ng atleta.
Aniya, “’Yong career kasi nanalo na ako ng gold e, then kung manalo ulit sa Paris, good. Pero ‘yong marriage kasi, kasa-kasama ko siya hanggang sa pagtanda eh. Mahirap maghanap ng ‘the one’ na makakaintindi sa’yo at ito na ‘yong masabi kong kailangan kong alagaan, kailangan kong bigyan ng halaga.”
Larawan mula sa Instagram account ni Hidilyn Diaz
Bahagyang nagulat din si Julius sa narinig mula sa fiancé. Na-in love nga raw kasi siya rito dahil sa pagiging passionate nito sa piniling karera.
“Her passion and her willingness to sacrifice everything even it’s our relationship – willing to sacrifice for the things she loves, for weightlifting and for the country.”
“That is something you wont find in a lot of people and I know that after a career maybe that same determination she’ll put more that into our relationship and hopefully our kids one day,” ani Julius.
Dagdag pa rito, plano raw manirahan ng dalawa sa Jala Jala, Rizal para mag-give back sa community ng weightlifting sa hometown ni Hidilyn Diaz. Bahagi ng kanilang plano na magkaroon ng weightlifting academy para sa mga batang atleta.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!