Kaya mo bang hulaan ang famous parents nila? 26 celebrity babies na ipinanganak nitong 2021

Ang mga cute babies na ito nagbigay umano ng kulay at pagbabago sa buhay ng mga sikat nilang mga magulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang mga celebrity babies na ipinanganak ngayong 2021.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Celebrity babies na ipinanganak ngayong taong 2021.
  • Birth story at pregnancy journey ng mga celebrities sa kanilang mga anak na ipinanganak ngayong taon.

Celebrity babies na ipinangak ngayong taong 2021

1. Baby Koa – January 18, 2021

Celebrity Babies 2021/ Koa Eigenmann Alipayo

Ang cute na baby boy na ito ay isa sa mga celebrity babies na ipinanganak nitong taong 2021. Siya ay si baby Koa na anak ng aktres na si Andi Eigenmann at surfer fiancée niyang si Philmar Alipayo. Isinilang si baby Koa noong January 18.

Kuwento ni Andi sa isa sa kaniyang Instagram post, ay kakaiba ang experience niya ng pagbubuntis kay baby Koa kumpara sa mga nauna niyang anak na si Ellie at Lilo.

Ito ay dahil ipinagbuntis niya ito at ipinganak sa panahon ng COVID-19 pandemic. Kung saan ayon sa aktres ay wala siyang maternity shoot at hindi siya nakapag-shopping ng mga gamit para paghandaan ang pagdating nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngayon si baby Koa ay mag-11 months old na. Tulad ng kaniyang mga kapatid na sina Ellie at Lilo ay love na love rin nito ang maglublob sa tubig dagat.

2. Baby Adaiah Denise – January 12, 2021

Nitong January 12, 2021 isinilang ang cute na baby na si Adaiah Denise. Siya ay anak ng singer na si Maricris Garcia at mister nitong si TJ Cruz.

Ayon kay Maricris ang pagdating ni baby Adaiah sa kaniyang buhay ay isang regalo at milagro mula sa Diyos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Baby Caleb Jiro – January 21, 2021

Celebrity Babies 2021/ CJ Lacson

Ang cute baby na ito ay pangalawang anak nila Pampi Lacson at sexy star na si Iwa Moto. Si baby CJ na kung tawagin ng kaniyang magulang ay isinilang noong January 21, 2021.

Ayon kay Iwa, ay hindi naging madali ang panganganak niya kay CJ. Pero very strong umano ang little warrior niya itinuturing niyang isang “beautiful blessing on the 21st day of the 21st year of the 21st century.” Ito ang nasabi ng aktres sa kaniyang Instagram account.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Baby Corky – January 31, 2021

Enero din ngayong taon isinilang ng aktres na si Nicole Donesa ang unang anak nila ng aktor at dancer na si Mark Herras. Ito ay pinangalan nilang Mark Fernando na may palayaw na Corky na mula sa pinagsamang pangalan ni Nicole at Mark. Ngayon si baby Corky ay 10-months old na at very cute ng tingnan sa kaniyang two little front teeth.

5. Baby Matias – March 3, 2021

Ang dalawang chinito baby na ito ay anak ng kilalang stylist si Liz Uy. Sila ay si Xavi at baby Matias. Si Xavy at baby Matias ay anak ni Liz sa businessman na si Raymond Racaza. Si Xavy ngayon ay 4 taong gulang na. Habang si Matias ay ipinanganak ni Liz nito lamang March 3, 2021.

6. Baby Illya – March 5, 2021

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Phoemela Baranda’s Instagram account

Si Baby Illya ay anak ng model-host na si Phoemela Baranda at partner niyang race car driver na si Jason Chuachuy. Siya ay ipinanganak ni Phoemela noong March 5, 2021 sa edad na 40-anyos.

Ayon kay Phoemela, ay maayos at very smooth ang panganganak niya kay Baby Illy sa kabila ng kaniyang edad. Pero pagbabahagi niya ay nahirapan siya na i-breastfeed ito noong una.

7. Baby Avianna Celeste – March 15, 2021

Image from Sophie Albert’s Instagram account

Marso nitong taon ng isilang ng aktres na si Sophie Albert ang baby girl nila ng aktor na si Vin Abrenica. Ito ay pinangalanan nilang si baby Avianna Celeste na ang birthday ay March 15.

Ayon sa pagbabahagi ni Sophie sa birth story ni baby Avianna o magiliw nilang tinatawag na si baby A, ito ay big baby ng isinilang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman ay kinailangang ma-cesarean si Sophie para maipanganak ito. Ito umano ay hindi inaasahan ni Sophie dahil gusto niya sanang manganak ng normal.

Nang maipanganak ay nakitaan ng tubig sa baga si baby A. Mababa rin umano ang oxygen levels nito kaya naman ito ay nag-stay muna sa NICU para ma-obserbahan. Pero umayos naman na ang lagay ni baby A at very healthy na siya ngayon.

8. Baby Lukas Judah – March 26, 2021

Image from Rachelle Ann Go’s Instagram account

Si baby Lukas Judah ay anak ng singer na si Rachelle Ann Go at mister niyang si Martin Spies. Siya ay ipinanganak sa Longdon, England kung saan naka-base ngayon si Rachelle na ipinagpapatuloy parin ang hilig niya sa pagkanta at pag-arte sa teatro.

9. Baby Sarina Oceania – March 27, 2021

Celebrity Babies 2021/ Sarina Ocenia Hilario

Sa bata niyang edad ay tinagurian ng “sample princess” si baby Sarina Ocenia. Dahil ang kaniyang ama ay walang iba kung hindi ang nakilalang sample king na si Jhong Hilario.

Ipinanganak si Baby Sarina noong March 27 ng long-time partner ni Jhong na si Maia Azores. Ang pangalan ni Sarina ay nangangahulugang Princess of the Ocean na naisip daw ipangalan ni Jhong sa anak dahil pareho silang mahilig sa dagat ng ina nito.

10. Baby Charlotte Arabella – April 5, 2021

Image from Georgina Wilson’s Instagram account

Ngayong 2021 rin isinilang ng model at host na si Georgina Wilson ang kaniyang baby girl na si Charlotte Arabella. Ito ay ang pangatlong anak nila ng businessman husband niyang si Arthur Burnand.

Ayon kay Georgina ay isinilang siya si baby Charlotte noong April 5, 2021 bagama’t ibinahagi niya ang balita halos isang buwan matapos siyang makapanganak.

Naging mailap din sa pagbibigay ng detalye si Georgina tungkol sa kaniyang pagbubuntis at isinapubliko ito halos tatlong buwan bago ang kaniyang expected due date.

Ang naunang mga anak ni Georgina na si Alfred Thor at Archie ay parehong mga lalaki. Si Alfred Thor ay dalawang taong gulang pa lang, habang si Archie ay limang taong gulang.

11. Baby Valentin – April 9, 2021

Celebrity Babies 2021/ Valentin Semblat

Ang poging baby boy na si Valentin ay anak ng model at aktres na si Isabelle Daza. Siya ay ipinanganak noong April 9 at pangalawang anak ni Isabelle at mister na si Adrien Semblat.

Tulad ng pinsan niyang si Georgina Wilson, ay pinili ni Isabelle na hindi agad isapubliko ang kaniyang sanggol. Ipinakita niya lang ang mukha nito noong 5 months old na si Valentin at 5 years na silang kasal ng mister na French businessman.

12. Baby Bia – April 28, 2021

Image from Zeinab Harake’s Instagram account

Marami rin ang natuwa sa pagdating sa mundo ng baby na si Bia. Siya ay ang anak ng vlogger na asi Zeinab Harake at rapper na si Skusta Clee.

Ipinanganak si baby Bia noong April 28. Bagama’t walang masyadong detalyeng ibinahagi si Zeinab at Skusta tungkol sa pagsilang kay baby Bia, pareho nilang sinabi na sa pagdating ng kanilang anak ay parehong nabago ang buhay nila.

BASAHIN:

LOOK: Dione Monsanto, buntis sa kaniyang unang baby!

Ipapa-checkup si baby? 6 questions na huwag kalimutang itanong sa kaniyang pedia

Here’s why you shouldn’t kiss a newborn Baby on the mouth

13. Baby Aura – April 2021

Ngayong taon din isinilang ang first baby ng aktres na si Alice Dixson. Sa edad na 51-anyos ay natupad din ang pangarap ni Alice na magkaaanak. I

to ay naging possible sa tulong ng surrogacy na kaniyang isinagawa sa ibang bansa. Ang baby ni Alice ay pinangalanan niyang si Aura na magpahanggang ngayon ay hindi niya ishineshare sa publiko ang mukha.

Hindi rin idinetalye ni Alice kung kailan ang eksaktong birthday ni Aura. Bagamat inanunsyo niya ang magandang balita noong April 2 na sinabi niyang katuparan ng pangarap at kahilingan niya.

14. Baby Felize – April 2021

Nabigla ngunit marami ang natuwa ng ipaalam ng dating PBB housemates na sina Elisse Joson at McCoy de Leon na sila ay may anak na.

Ito ay kanilang ginawa sa Pinoy Big Brother house na kung saan kinuha nilang ninong si Big Brother sa baby girl nilang pinangalanang si Felize McKenzie.

Ayon sa kuwento ni McCoy at Elisse, ay sa ibang bansa ipinanganak si Felize at pinili nilang itago na muna ang tungkol sa anak dahil sa takot at pag-aalala sa mga masasabi ng ibang tao sa kanila.

Pero ngayon very happy na silang ipakita sa mundo ang masayang pamilyang kanilang binuo. Nitong November 15, 2021 ay ibinahagi ni Elisse at McCoy na 7 months old na ang anak nilang si Felize.

15. Baby Izabella Ariana – May 2, 2021

Si baby Izabella Ariana ay anak nina Jopay Paguia at Joshua Zamora na parehong nakilala sa galing nila sa pagsasayaw. Siya ay ang pangalawa nilang anak. Ang kanilang panganay ay isa ring babae na apat na taong gulang na ngayon ay nagngangalang Isabelle Alessa.

16. Baby Alonso Eliam – July 2, 2021

July 2 2021, naman ipinanganak ni Joyce Pring ang first child nila ng aktor na si Juancho Trivino. Ito ay isang baby boy at pinangalanan nilang si Alonso Eliam.

Ayon kay Juancho ay nasaksihan niya ang naging panganganak ni Joyce sa kanilang anak. Ang tagpo daw na iyon ay bumago sa buhay niya.

Ayon naman kay Joyce, ang anxiety, frustration at iba pang negative feelings na gumugulo sa kaniya noong siya ay buntis ay agad na nawala ng makita niya for the first time ang kaniyang baby boy.

17. Baby Ziki – July 12, 2021

Image from Miriam Quiambao’s Instagram account

 

Ipinanganak ni Miriam Quiambao ang kaniyang second baby na pinangalanan nilang Ezekial Isaiah “Ziki” ng mister na si Ardy Roberto noong July 12, 2021.

Para kay Miriam at Ardy, ang pangalawa nilang anak na si baby Ziki ay isa ring miracle baby tulad ng panganay nilang si Elijah. Ito ay dahil ang naging pagbubuntis ni Miriam dito ay hindi nila inaasahan.

Dahil sa edad na 45 ay hindi na akalain ni Miriam na mabubuntis pa siya lalo pa’t siya ay nakakaranas ng kondisyon na APAS o Antiphospholipid Antibody Syndrome. Ito ang nagpahirap kay Miriam na magbuntis sa una nilang anak ni Ardy.

18. Baby Vittorio Isaac – August 3, 2021

Si baby Vittorio Isaac ay ang pang-limang anak nina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa. Ito ay isinilang ni Kristine noong August 3, 2021.

Sampung taon ng kasal sina Oyo at Kristine. Ang kanilang mga anak ay binubuo ng apat na lalaki at nag-iisang babae, Ito ay sina Kiel, 13, Ondrea Bliss, 9, Kaleb Hans, 6 at si Marvic Valentin,5.

19. Baby Iñigo Leon – September 2, 2021

September 2, 2021, Isinilang ni Kaye Abad ang pangalawa nilang anak ng mister na si Paul Jake Castillo. Ito ay isang lalaki na pinangalanan nila na si Baby Iñigo Leon.

Kuwento ni Kaye, “totally different experience” ang panganganak niya kay Baby Iñigo kumpara sa panganay niyang si Joaquin. Dahil maliban sa ngayon ay sa Cebu siya nanganak kay Iñigo at hindi sa Maynila tulad ng kay Joaquin ay mas nahirapan siya dito. Ito ay dahil halos dalawang araw siyang nag-labor at naghintay na maisilang ito.

20. Baby Miya Aya – September 1, 2021

Ang cute na baby girl na ito ay anak ng sexy actress na si Sam Pinto at basketball player na si Anthony Semerad. Siya ay ipinanganak noong September 1, 2021. Ito ay anim buwan matapos maikasal si Sam at Anthony.

Kuwento ni Sam ay hindi naging madali ang kaniyang naging pagbubuntis kay baby Miya. Siya ay nagkaroon ng hypertension habang buntis dahilan para siya ay makaranas ng pre-eclampsia.

Dahil sa kondisyon ay maliit daw si Baby Miya noong ito ay ipinagbubuntis. Kaya naman kinailangan niyang uminom ng special vitamins para mapalakas at masigurong magiging ligtas ito sa kaniyang sinapupunan.

21. Baby Osseah Lucille – September 23, 2021

Masayang ibinahagi ng bossa nova singer na si Sitti Navarro na ligtas niyang naipanganak ang second baby niya nitong September 23, 2021.

Ito ay pinangalanan nila ng mister na si Joey Ramirez na si Osseah Lucille. Si Osseah malusog na isinilang ni Sitti na may bigat na 5 lbs and 8 ounces at may APGAR score na 9.9.

Ang pagbubuntis ni Sitti kay baby Osseah ay naging sensitibo bunsod ng iniinda niyang kondisyon na APAS (Antiphospholipid Syndrome). Ito ay pinanganak niya via emergency CS na tulad rin ng panganay niyang si Isaiah Dañelle na 3 years old na ngayon.

22. Baby Alexander Sebastian – October 4, 2021

Image from Desiree del Valle’s Instagram account

October 4, 2021 ng ipanganak ng aktres na si Desiree del Valle ang panganay nila ng mister at aktor na si Boom Labrusca. Ito ay ibinahagi ni Desiree sa kaniyang Instagram account kalakip ang isang maikling video at mga larawan ng kaniyang panganganak.

Ilang taon rin ang hinintay ni Boom at Desiree bago sila mabiyayaan ng anak. Matapos ng halos na 11 years na magkarelasyon at 3 taon na married couple ay ipinagkaloob rin ng Diyos ang matagal na pinakahihintay nila.

Si Boom Labrusca ay ang ama na isa ring kilalang aktor sa ngayon na si Tony Labrusca.

23. Baby Madeline Elle – October 10, 2021

Image from Nikki Gil’s Instagram account

Dalawa na ang anak ng singer na si Nikki Gil. Ang kaniyang bunso at baby girl nga na pinangalanan nila ng mister na si BJ Albert na si Madeline Elle o Maddie ay kaniyang pinanganak nito lamang October 10, 2021.

Ayon kay Nikki, labis ang naging pag-aalala niya sa panganganak kay Maddie dahil sa nararanasan nating COVID-19 pandemic sa ngayon. Pero thankful siya na ligtas at healthy niya itong naisilang.

24. Baby Athena Rae – October 12, 2021

Image from Riva Quenery’s Instagram account

Si baby Athena Rae ay ang anak ng dancer, actress at vlogger na si Riva Quenery at long-time boyfriend nitong si Vern Ong. Hindi masyadong nagbahagi si Riva ng detalye ng kaniyang naging panganganak kay baby Athena.

Pero ikinuwento niya sa kaniyang vlog na naka-tatlo siyang pa-swab test at ilang beses siyang nagpabalik-balik sa ospital dahil hindi agad na bumuka ang cervix niya.

25. Baby Kaia Rose – October 13, 2021

Baby nina Rachel Peters at Migz Villafuerte

Oktubre din ngayong taon ng isilang ni Miss Universe Philippines 2017 na si Rachel Peters ang panganay nila ni CamSur Governor Migz Villafuerte. Ito ay pinangalan nilang si Kaia Rose.

Ayon kay Rachel Peters at Migz Villafuerte hindi umano naging madali ang kanilang journey sa pagbubuntis. Kinakailangang dumaan ni Rachel sa iba’t ibang blood test, check-ups at treatment upang mabalanse ang kanyang hormones na kinakailangan upang mag-dalangtao. Ang lahat ng ito ay sinabi ni Rachel na worth it ng maisilang niyang safe ang baby niiyang si Kaia nitong October 13, 2021.

26. Baby Harmony Saige – November 30, 2021

Larawan mula sa Instagram account ni Nadine Samonte

Isinilang ng dating aktes na si Nadine Samonte ang pangatlo nilang anak ng mister at businessman na si Richard Chua nito lamang November 30, 2021. Ito ay isang babae na pinangalanan nilang si Harmony Saige.

Sobrang saya at nagpapasalamat ang aktres na sa kabila ng kaniyang nararanasang kondisyon ay ligtas niyang naisilang ang pangatlo niyang anak. Si Nadine ay nakararanas ng sakit na PCOS at APAS.

“Grabe ang journey ng third ko pero we survived.”

Ito ang masayang sabi ni Nadine sa ligtas na panganganak sa kaniyang pangatlong baby sa kabila ng nararanasang sakit.

Ang mga nabanggit ay ilan sa mga celebrity babies na ipinanganak ngayong taon. Nahulaan niyo ba lahat? Sino ang pinakapaborito niyong celebrity baby na ipinanganak ngayong taon?

Congratulations ulit sa ating mga celebrity moms at dads nakita na ang kanilang baby ngayon. We hope na maging smooth ang inyong parenting journey.