#StrongNanay: Celebrity mommies na tumutulong sa gitna ng COVID-19

Mga Pinay celebrity moms may kaniya-kaniyang paraan ng pagtulong sa mga apektado ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Celebrity mom in the Philippines COVID-19 pandemic relief efforts and donation campaign. Kilalanin kung sino-sino ang mga celebrity moms na ito.

Celebrity mom in the Philippines COVID-19 pandemic relief efforts and donation campaign

Hindi nga lang artista at pampamilya, pinatunayan ng ilang Pinoy celebrity moms na pagdating sa pagtulong sa kapwa at pagkakawang-gawa ay nangunguna rin sila. Ito ay sa pamamagitan ng mga relief efforts at donation drive na pinangunahan nila upang makatulong sa mga labis na naapektuhan ng kinakaharap natin ngayong COVID-19 pandemic.

Chesca Kramer

Katulong ang kaniyang asawa na si Doug Kramer ay namigay ng packed meals si Chesca Kramer sa mga frontliners sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital na lumalaban sa COVID-19 pandemic. Maliban sa packed meals ay namigay rin sila ng homemade protective masks, alcohol at gloves sa mga ito. Isang dasal rin ang inalay nila para sa kaligtasan ng lahat laban sa kumakalat sa sakit.

Dra. Vicki Belo

Nagpaabot rin ng tulong si Dra. Vicki Belo sa mga frontliners sa pamamagitan ng mga PPE o personalized protective equipment na ipinamigay niya. Ang mga nakatanggap ng mga donated PPE ng doktora ay mga health workers mula sa Research Institute for Tropical Medicine at ilan pang malalaking ospital sa Maynila.

Maliban rito ay nag-commit rin ang Belo Medical Group na mamimigay ng 1,000 healthy meals a day para sa mga frontliners mula sa 20+ na hospital at LGU’s sa Maynila sa buong quarantine period.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image screenshot from Dra. Vicki Belo’s Instagram account

Camille Prats, LJ Reyes, Iya Villania-Arellano, Chynna Ortaleza, at Chariz Solomon

Nagtulong-tulong naman ang mga celebrity moms na sina Iya Arellano, Camille Prats, LJ Reyes, Chynna Ortaleza, at Chariz Solomon na maikasa ang isang donation drive.

Ito ay tinawag nilang “Project: Alalay Kay Nanay” na naglalayong makatulong sa mga magulang na apektado ng ipinatutupad ng enhanced community quarantine. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng tulong pinansyal upang makabili ng mga pangangailangan ng kanilang mga anak. Partikular na ang mga baby needs na hindi naman kabilang sa mga relief goods na madalas na ipinamimigay.

“Since most relief goods are not baby-friendly and most moms and parents are on a daily wage salary basis, they need help to buy baby essentials.”

Ito ang pahayag ni Camille Pratts sa kaniyang Instagram account.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image screenshot from Camille Pratt’s Instagram account

Sarah Lahbati

Isang online fundraising campaign rin ang naisipang simulan ni Sarah Lahbati sa tulong ng kaniyang mister na si Richard Gutierrez.

Mula sa naipong donasyon ay nakapagpamigay ng pagkain sina Sarah sa mga naapektuhan ng ipinatutupad na enhanced community quarantine. Pati mga medical supplies sa ilang ospital sa Maynila tulad ng The Lung Center of the Philippines.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image screenshot from Sarah Lahbati’s Instagram account

Neri Naig

Pagkain rin ang ipinamigay ni Neri Naig sa mga medical personnel ng Tagaytay Medical Center.  Habang namigay rin siya ng pork tocino at chicken tocino sa 295 households ng kanilang barangay.

Maliban rito ay ibinahagi rin ni Neri na nagbigay siya ng food allowance sa mga empleyado niyang naapektuhan ng ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Marian Rivera

Pamimigay ng pagkain rin sa ating mga frontliners ang naisip na paraan ni Marian Rivera upang makatulong sa gitna ng COVID-19 pandemic. Ang kaniyang inihanda ay ang paborito niyang menudo recipe. Pinasalamatan naman ito ng mga frontliners mula sa Quezon City General Hospital. Ganoon rin ang spaghetti na na-enjoy ng mga frontliners mula sa UP NIH at National Center for Mental Health.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Karel Marquez

Callos naman ang ipinamigay ni Karel Marquez sa mga health workers sa ilang ospital sa Maynila. Ito ay ang kaniyang paraan umano upang pasalamatan at bigyang pugay ang ginagawa nilang sakripisyo ngayon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Solenn Heussaff

Tinulungan at sinuportahan naman ni Solenn Heussaff ang kampanya ng aktres na si Angel Locsin. Ito ay pagkalap ng pondo na ipinangtayo ng sanitation tent at sleeping quarter para sa ating mga frontliners.

Maliban rito ay nagpadala rin siya ng mga food packs mula sa iniendorsong chicken restaurant para sa health workers ng isang ospital.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image screenshot from Solen Heussaff’s Instagram account

Judy Ann Santos

DIY face shields naman ang naisipang ipamigay ni Judy Ann Santos sa mga frontliners na lumalaban sa COVID-19 pandemic.

Image screenshot from Judy Ann Santos Instagram account

Pokwang

Naghanda at namigay naman ng sandwiches at inumin ang komedyanteng si Pokwang para sa mga pulis at health workers na nakadestino sa kanilang lugar. Ito ang naiisip niyang paraan upang maipaabot ang kaniyang pasasalamat sa pagsisiguro ng kaligtasan nila.

“Sa mundong puno ng takot at pangamba, ngiti nila ang nais kong makita at mahawa hindi ang CORONA.”

Ito ang pahayag ni Pokwang sa kaniyang Instagram account.

Maliban nga sandwiches at inumin ay namigay rin si Pokwang ng kilo-kilong bigas sa komunidad nila.

Image screenshot from Pokwang’s Instagram account

Anne Curtis

Idinaan naman ng first time mom na si Anne Curtis ang kaniyang tulong sa pamamagitan ng pag-dodonate sa UNICEF Philippines. Habang sa pamamagitan naman ng kaniyang personal wish-granting foundation na Dream Machine ay nag-donate rin siya ng medical supplies at gloves sa Research Institute of Tropical Medicine, San Lazaro Hospital, Jose Rodriguez Memorial Hospital, at Lung Center of the Philippines.

Si Anne ay kasalukuyang nasa Australia. Kasama niya roon ang mister na si Erwan Heussaff at ang bagong silang nilang anak na si Dahlia Amélie.

 

Ina na nag-positibo sa COVID-19, napilitang iwanan ang mga anak