X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Ina na nag-positibo sa COVID-19, napilitang iwanan ang mga anak

4 min read

Ina nag positibo sa COVID-19, napilitang iwanan ang kanyang mga anak sa bahay upang madala sa ospital.

Ina nag positibo sa COVID-19

ina-nag-positibo-sa-covid-19

Image from ABS-CBN News

Isang 31-anyos na babae sa Lapu-Lapu City, Cebu ang nag positibo sa COVID-19. Siya ay mayroong dalawang anak na 5 at 6 anyos. Ang ama ng mga bata ay nasa Taiwan at isang OFW.

Ayon sa kanya, mabigat sa loob niyang iwanan ang kanyang mga anak dahil ayaw ng mga kamag-anak nilang kupkupin sila. Ito ay dahil maari raw na carrier na ng sakit ang mga bata dahil na-expose sa kanya. Ngunit na-test na rin ang mga bata at cleared ito sa coronavirus.

Nagsabi naman ang mayor ng Lapu-Lapu City na si Mayor Junard Ahong Chan na sagot nila ang mga pangangailangan ng mga bata habang siya ay nasa ospital. Mabuti na lamang, isa sa mga tiyahin niya ang pumayag na patuluyin muna ang mga bata roon.

Cebu City

ina-nag-positibo-sa-covid-19

Image from CNN PH

Sa kasalukuyan, mayroong 32 na kaso ng COVID sa Lapu-Lapu City habang nasa 548 naman sa kabuuan ng Cebu. Ang karamihan ng mga positibong kaso ay nanggaling sa Barangay Labangon, sa isang sitio doon.

Ayon naman sa mga awtoridad, ita-transfer sila sa barangay isolation facility upang mapigil ang pagkalat ng virus. 9 na barangay workers naman ang nagpositibo rin sa sakit, ngunit lahat sila ay asymptomatic.

Nakasailalim ngayon sa Enhanced Community Quarantine ang Cebu dahil sa biglang pagtaaas din ng bilang ng mga kaso sa lugar. Matatandaan na noong unang pumutok ang balita tungkol sa COVID-19, isa ang Cebu sa mga nagkaroon ng unang suspected case nito.

Ano ang maaring gawin bilang magulang sa ganitong sitwasyon

ina-nag-positibo-sa-covid-19

Image from Freepik

Kung sa ganitong sitwasyon na walang maiiwan sa inyong mga anak, huwag na huwag piliting mag-stay sa bahay para samahan sila. Una sa lahat, delikado ito dahil mae-expose lamang ang iyong mga anak sa sakit. Huwag din magsinungaling sa mga doktor o kung sino man ang naka-assign para mag-check sa iyo.

Sa oras na may maramdaman, magself-quarantine kaagad at i-isolate ang sarili upang hindi mahawaan ang mga bata.

Para mapalagay ang iyong loob, makiusap na lamang sa mga kamag-anak at kung sila ay may pangamba, maaring sabihin na hindi na-expose ang mga bata sa sakit.

Bilang magulang, mahirap ang ganitong sitwasyon, ngunit isipin mo ang kapakanan ng iyong anak sakaling mahawa sila. Mas hindi maigi ang sitwasyon na ito, kaya kahit na mahirap ay sumunod na lamang.

Ilang pag-aaral din ang nagsasabing hindi nakabubuti para sa taong may COVID ang lubhang pag-aalala. Ibinababa kasi nito lalo ang immune system ng isang tao dahilan para hindi agad ito maka-recover.

Paano alagaan ang iyong anak kung magka-COVID siya?

1. I-self quarantine o isolate siya

Ang unang bagay na dapat mong gawin kung si baby ay nag-positibo sa COVID-19 ay ang i-isolate siya sa iba pang miyembro ng inyong pamilya. Ito ay upang hindi niya na maihawa ang virus sa iba. Hangga’t maari ay ihiwalay muna siya o kaya naman ay limitahan ang mga interactions sa kaniya.

2. Painumin siya ng gamot na may abiso ng doktor

Habang naka-isolate si baby ay dapat malunasan ng tama ang kaniyang sakit. Bagama’t sa ngayon ay wala pang natutuklasang gamot o lunas para dito. Ang tanging magagawa lang ay matulungan siyang maibsan ang sintomas ng COVID-19 na nagpapahirap sa kaniya. Tulad nalang ng lagnat na malulunasan sa pamamagitan ng pag-inom ng fever-reducing medications.

3. Agad na ipaalam sa doktor kung magpakita ng iba pang sintomas

Sa oras na magpakita na iba pang sintomas ng sakit ang isang bata o sanggol ay dapat na ipaalam ito agad sa iyong doktor. Tulad nalang ng pagiging iritable sa loob ng tatlong oras o higit pa. Mataas na lagnat na aabot sa 100.4ºF o higit pa para sa mga baby na 3 months old pababa. At lagnat na aabot sa 101. 5º F o higt pa para sa mga baby na 3 months old pataas.

Komplikado man ang sitwasyon kapag mayroon sa isang pamilya ang nagkaroon ng COVID-19, magiging mas madali ang pag-agap nito kung susundin ang mga precautionary measures na ito.

 

Source:

ABS-CBN News

Basahin:

Partner Stories
How to deal with stress during a crisis
How to deal with stress during a crisis
Boost your child’s day with a morning dose of yummy whole grains from his favourite cereals
Boost your child’s day with a morning dose of yummy whole grains from his favourite cereals
Are you at risk of overparenting your child?
Are you at risk of overparenting your child?
Inspired by a Mutual Awe of Nature, Aveda Announces Collaboration with 3.1 Phillip Lim for 2021 Holiday Collection
Inspired by a Mutual Awe of Nature, Aveda Announces Collaboration with 3.1 Phillip Lim for 2021 Holiday Collection

Kailangan bang i-disinfect o hugasan ang mga grocery at takeout para makaiwas sa COVID?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

mayie

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • Ina na nag-positibo sa COVID-19, napilitang iwanan ang mga anak
Share:
  • "Breathe, Dad. We need to hear you breathe." Daughter hears his dad die over the phone

    "Breathe, Dad. We need to hear you breathe." Daughter hears his dad die over the phone

  • Babaeng hindi lumabas ng bahay ng 3 linggo, nag-positibo sa COVID-19

    Babaeng hindi lumabas ng bahay ng 3 linggo, nag-positibo sa COVID-19

  • 10 things you should never say to your child

    10 things you should never say to your child

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • "Breathe, Dad. We need to hear you breathe." Daughter hears his dad die over the phone

    "Breathe, Dad. We need to hear you breathe." Daughter hears his dad die over the phone

  • Babaeng hindi lumabas ng bahay ng 3 linggo, nag-positibo sa COVID-19

    Babaeng hindi lumabas ng bahay ng 3 linggo, nag-positibo sa COVID-19

  • 10 things you should never say to your child

    10 things you should never say to your child

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.