Kilalanin ang limang celebrity mother-in-laws na ito na maaring taglay ang pinapangarap mong ugali sa isang biyenan.
5 Filipino celebrity mother-in-laws at kanilang parenting style as a biyenan
Sa kulturang Pilipino, napakahalaga ng pamilya, at kabilang dito ang relasyon sa mga biyenan, lalo na sa mga ina ng asawa. Ang pagiging mother-in-law ay maaaring magdala ng gabay, pagkakaibigan, o simpleng suporta sa mag-asawa. Narito ang ilan sa mga paboritong celebrity mother-in-laws ng bansa at ang kanilang natatanging mga estilo bilang mga biyenan.
1. Gelli de Belen – Ang Masayang at Down-to-Earth na Biyenan
Larawan mula sa Instagram account ni Gelli de Belen
Si Gelli de Belen ay kilala sa kanyang candid na personalidad at comedic wit. Ibinabahagi niya ang pagiging ina sa dalawang anak nila ng kanyang asawa na si Ariel Rivera.
Sa kanyang latest interview, sinabi niya, “Importante ang pagtanggap sa mga mahal ng buhay ng anak mo. Gusto ko na welcome sila sa pamilya.” Ito ay nagpapakita na magiging masaya at supportive siyang mother-in-law, na nagpapahintulot ng kalayaan at pagtanggap sa mga partner ng kanyang mga anak.
Ibinahagi nga rin ni Gelli ang isang mahalagang payo na nakuha niya sa mismong biyenan niya o ina ng mister niyang si Ariel. Pagdating sa lovelife ng anak at pagkakaroon ng masayang pamilya, ito daw ang sinabi sa kaniya ng kaniyang butihing biyenan.
“Ang sabi ni mom, pagdating sa mga daughters-in-law niya, wine-welcome niya na ‘I love them as my daughters because they’re the ones taking care of my children. So, kapag inaway ko sila, papaano na lang ‘yung relationship nila sa anak ko?”
Agree ka ba sa sinabi ni Gelli?
2. Carmina Villaroel – Ang Mainit at Hands-On na Biyenan
Bilang dedicated na ina sa kanyang kambal na sina Mavy at Cassy, kilala si Carmina Villaroel sa kanyang pagiging mapagmahal at supportive na magulang. Sa isang interview, inamin ni Carmina, na pagdating sa lovelife ng anak ay nakikialam siya.
“Hindi ko alam bat sinasabi nilang bat nangingialam ako, but I don’t care because I am your mother.”
Ito ang naluluhang sabi noon ni Carmina sa isang pahayag.
Sabi pa niya noon, lahat gagawin niya para protektahan ang mga anak niya. Ito ang paraan niya ng pagpapakita ng pagmamahal sa kanila.
“We always want what’s best for you guys. Hindi kami mga kontrabida ng buhay niyo, kakampi niyo kami.”
Ito ang mensahe pa noon ni Carmina sa kaniyang twins. Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang pakikitungo ni Carmina sa ex-girlfriend ng anak niyang si Mavi na si Kyline Alcantara. Ayon sa usap-usapan, hindi gusto ni Carmina si Kyline para sa anak niya.
3. Jackie Forster – Ang Matatag at Mapagmahal na Biyenan
View this post on Instagram
Si Jackie Forster ay ina nina Andre at Kobe Paras. Sila ang bunga ng pag-iibigan noon ni Jackie at ex-husband na si Benjie Paras. Sa ibang bansa man siya naninirahan ngayon kapiling ng bago niyang pamilya ay makikitang malapit parin ang relasyon niya sa dalawa niyang anak. Katunayan, pagdating sa pagsuporta sa lovelife ng mga anak ay very open si Jackie.
Sa mga Instagram post ni Jackie tungkol sa mga anak ay makikitang laging kasama dito ang mga girlfriend ng mga ito. Hindi pa man kinukumpirma nila Kobe Paras at Kyline Alcantara ang tunay na score sa pagitan nila, makikitang suportado ni Jackie ang namamagitan sa dalawa.
Nitong nagdaang New York Fashion Week nga ay rumampa sina Kyline at Kobe. Si Jackie proud na ibinahagi ito sa kaniyang Instagram account. Doon makikita na sabay na inaayusan sina Kobe at Kylie. Si Kylie napa-comment ng three white hearts sa post na ito ni Jackie. Ito naman ay nireplyan ng celebrity mother-in-law to be niya ng ganito, “@itskylinealcantara sky is the limit for you two!”
4. Jean Garcia – Ang Matalino at Prankang Biyenan
View this post on Instagram
Si Jean Garcia ay may anak na babae na si Jennica, at kilala siya sa kanyang malumanay at caring na personalidad. Naging usap-usapan ang buhay may asawa at pamilya ni Jennica nitong nakaraang taon dahil sa paghihiwalay nila ng mister niyang si Alwyn Uytingco. Si Jean naging pranka at diretso ang mensaheng pinadala noon kay Alwyn ukol sa naging problema sa pagsasama ng mag-asawa.
“Talaga ba yan Alwyn?!!! Sana sinagot mo message ko sayo… respeto kase yon bilang magulang ni Jennica. Kausapin mo kaya ako para magkaintindahan tayo! Ok ka lang ba?!”
“Haaayyy kawawa kase ikaw di ka marunong makipag-usap Alwyn, respeto lang hinihingi ko sayo, di ka marunong rumespeto sa mother in law mo…yun lang naman…just saying!!!”
Ito ang comment noon ni Jean sa isa mga post ni Alwyn sa social media.
Bilang celebrity mother-in-law, ipinapakita ni Jean ang wisdom mula sa kanyang mga karanasan. Ibinibigay niya ang independence na kailangan ng anak niya. Tahimik lang siyang nakasuporta pero handang ilaban ang anak kung naaagrabyado na.
5. Dina Bonnevie – Ang Mahigpit Pero Mapagmahal na Biyenan
Larawan mula sa Instagram account ni Dina Bonnevie
Si Dina Bonnevie ay isang icon sa Philippine showbiz, kilala sa kanyang matapang at direktang personalidad. Bilang isang ina kay Danica Sotto at Oyo Boy Sotto, si Dina ay nagpapakita ng balanseng pagmamahal at pagiging strikto. Sa isang interview, ganito nga isinalarawan ni Marc Pingris ang aktres.
“Siya yung tipong lahat talagang kakalkalin niya sa iyo.”
Si Danica naman sinabing tulad ng iba pang mga nanay, istrikto lang ang kaniyang ina dahil gusto niya ay best lang para sa mga anak niya.
“Takot din si Mommy noon na, ‘Anong gagawin niya? Paano pag natapos na yung basketball? Siyempre nanay, e. ‘Kaya ka niyang buhayin, ganito, ganyan? Talagang diretso.”
Ganito daw si Dina Bonnevie pagdating sa pagpili ng mapapangasawa ng anak niya.
Bilang isang celebrity mother-in-law, si Dina ay supportive ngunit may mataas siyang expectations sa sinumang papasok sa kanilang pamilya. Siya ang tipo ng biyenan na nagbibigay ng kanyang pagmamahal at suporta, ngunit handa ring magbigay ng payo kapag kinakailangan. Ang pagiging mahigpit ngunit mapagmahal niya ay nagpapakita ng kanyang dedikasyon sa ikabubuti ng kanyang pamilya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!