Narito ang mga celebrity Valentine’s Day celebration ngayong 2022 na talaga nga namang romantic at nakakakilig.
Mababasa sa artikulong ito:
- Filipino Celebrity Valentine’s Day celebration 2022.
- Mga gimik at pasabog ng mga sikat ngayong Valentine’s day.
Filipino Celebrity Valentine’s Day celebration 2022
Kumusta ang Valentine’s day celebration mo? Ang mga paborito mong Filipino celebrities, ganito kung paano ipinagdiwang ang araw ng mga puso.
1. Elisse Joson at McCoy de Leon
Lumabas at nag-date ang celebrity couple na sina Elisse Joson at McCoy de Leon ngayong Valentines. Sa Instagram nagpasilip sila sa naging elegant and sweet Valentines date nila na aprubado daw ng kanilang little madam na si Felize.
Si McCoy may pa-surprise rin kay Elise sa venue na puno ng kulay dilaw na rosas at mga ilaw. Syempre hindi rin pinalampas ni McCoy ang pagkakataon na makasayaw si Elisse.
View this post on Instagram
2. Solenn Heusaff at Nico Bolzico
Sweet Valentines date rin ang naging selebrasyon ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico kahapon. Ang caption nga ni Solenn sa naging date nilang mag-asawa kagabi ay “Minsan lang”.
Celebrity Valentine’s Day celebration 2022/Image from Instagram
3. Andi Eigenmann at Philmar Alipayo
Hindi tulad ng mga naunang celebrities, isinelebrate naman nina Andi Eigenmann at boyfriend na si Philmar Alipayo ang Valentines sa pamamagitan ng pagpapalitan ng sweet na mensahe sa isa’t isa. Dahil sila ay magkahiwalay at si Andi ay kasalukuyang nasa Maynila habang si Philmar ay nasa Siargao.
Ayon kay Andi, ang Valentines celebration ngayong taon ay paalala sa kaniya na mag-stock na ng mas maraming cute na larawan nila na magkasama ni Philmar.
Dahil dagdag ni Andi, tila daw naging masyado siyang busy sa pag-aalalaga sa mga anak niya. At nakalimutan niya ng mag-spend ng quality time kasama ang fiance. Bagamat dagdag niya mas naging sweet ang pagsasama nila dahil sa mga bata.
“This year’s Vday is a reminder (to myself) to stock up on cute pics with @chepoxz. I think we have been to focused on parenthood and raising our littles that we often forget to make the time for just us!
I know that our love and life together has only been made sweeter by the kids. But I am so much happier with it all because you are my partner in all of this! I love love LOVE with you @chepoxz!♥️”
Ito ang sabi ni Andi kalakip ang mga larawan nilang magkasama. Habang si Philmar, sinagot si Andi na mahal niya rin nito ganoon rin ang mga anak nila.
“Happy ♥️ day mahal ko @andieigengirl Mahal ko kaw karajaw sanan ato mga bata.” sabi ni Philmar.
View this post on Instagram
4. Marian Rivera at Dingdong Dantes
Pinaramdam naman ni Dingdong Dantes sa misis na si Marian Rivera ang Valentines sa pamamagitan ng pabibigay ng mga bulaklak na rosas.
Image from Instagram
5. Marc Pingris at Danica Sotto
Pagbibigay rin ng bulaklak na rosas ipinahatid ni Marc Pingris ang pagbati niya ng Happy Valentines sa misis na si Danica Sotto. Pero hindi lang ito ang binigyan niya ng bulaklak, ganoon rin ang anak niyang si Anielle Micaela at kanilang mga kasambahay.
View this post on Instagram
6. Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey
Hindi na naman magkasama ang magkasintahang sina Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey ngayong Valentines. Si Jeremy ay nasa ibang bansa habang si Pia naman ay nasa lock-in taping ng ginagawa niyang pelikula.
Magkaganoon man sinorpresa pa rin ni Jeremy si Pia ng isang Valentines greeting cake. May ginawa rin itong video nila ni Pia na pinagsama-sama ang ilang sweet moments nilang magkasama. Sabi ng beauty queen, sa ginawang ito ng kaniyang boyfriend na si Jeremy ay mas lalo niya lang itong namiss.
View this post on Instagram
7. Drew Arellano and Iya Villania
May pa-Valentines cake naman ang host na si Drew Arellano sa kaniyang misis na si Iya. Habang si Iya napa-throwback sa kaniyang naging 18th birthday celebration noon na kung saan si Drew ang escort niya at siyang ka-Valentine niya sa loob ng 18 taon na.
Celebrity Valentine’s Day celebration 2022/Image from Instagram
8. Regine Velasquez at Ogie Algasid
Colorful flower bouquet naman ang ibinigay na pa-Valentines ng singer na si Ogie Alcasid sa misis niyang si Regine Velasquez. Ito ang kalakip na mensahe ng pabulaklak niya.
“Happy Valentine’s day to my everyday Valentine. Loving you is my joy and my everything.”
View this post on Instagram
9. Heart Evangelista at Chiz Escudero
Palagi namang double celebration ang February 14 para kay Heart Evangelista. Dahil maliban sa araw ng mga puso ay birthday niya rin ito.
Si Heart at Chiz nag-celebrate ng kanilang Valentines kasama ang malalapit na kaibigang ipinagdidiwang rin ang kaarawan ng actress at fashion influencer.
View this post on Instagram
BASAHIN:
Trina Candaza to netizen na nagsabing inagaw niya si Carlo Aquino: “Wala akong inagaw.”
LOOK: Kitkat buntis sa kaniyang 1st baby
Partner ni Winwyn Marquez sa pagtatago ng kaniyang identity: “Hindi naman ako showbiz”
1o. Coleen Garcia at Billy Crawford
Image from Instagram
Hindi parin naman naging dahilan ang trabaho at lock-in taping ni Billy Crawford para hindi niya maparamdam ang Valentines day sa misis na si Coleen Garcia.
Sa post ni Coleen kahapon ay sinabi nga nito na hindi lang siya ang sinorpresa ng mister ngayong Valentines kung hindi pati narin ang anak nilang si Amari.
“Thank you, Daddy, for making us feel special today, even while you’re at work! We miss you and can’t wait to see you later! @billycrawford.”
“Happy Vday, everyone! Don’t forget to make your loved ones feel extra loved today.”
Ito ang sabi ni Coleen sa kaniyang post.
11. Mariel Padilla at Robin Padilla
“Pasko level of good”, ganito naman kung paano naisalarawan ni Mariel Padilla ang naging Valentines celebration nila ng mister na si Robin Padilla at kanilang pamilya.
View this post on Instagram
12. John Pratts at Isabel Oli
Image from Instagram
Dahil February 14 rin ang birthday ng aktor at direktor na si John Pratts ay isinabay nila ng misis niyang si Isabel Oli ang kanilang Valentines celebration. At isyempre kasama nila ang kanilang mga anak na nagpa-espesyal pa sa araw ng mga puso.
“Blessed birthday to my one and only crazy, good looking, amazing and talented hubby @johnprats ♥️ I love you for all that you are and all that you are yet to be!🎂 And oh, happy Valentine’s day to you my forever valentino.”
Ito ang mensahe ni Isabel sa mister na
13. Rodjun Cruz at Diane Medina
Image from Instagram
Idenate naman ni Rodjun Cruz ang misis niyang si Diane Medina at anak nilang sa Joaquin. Kahit dinner date lang ito sa kanilang bahay ay syempre ginawa niya itong espesyal para sa kaniyang ina with flowers pa.
14. Derek Ramsay at Ellen Adarna
Wala namang espesyal na pasabog ang mga mag-asawang sina Derek Ramsay at Ellen Adarna ngayong Valentines. Pero hindi nila nalimutang batiin ang isa’t isa sa kanilang mga IG accounts at iparating ang pagmamahal nila.
View this post on Instagram
15. Joyce Pring at Juancho Trivino
Celebrity Valentine’s Day celebration 2022//Image from Instagram
Lumabas naman at namasyal ang mag-asawang sina Juancho Trivino at Joyce Pring kasama ang kanilang anak na si Alonso nitong Valentines day. Si Joyce nagsuot ng red dress na swak sa selebrasyon ng araw ng mga puso.
16. Sofia Andres at Daniel Miranda
Nag-quick getaway naman ngayong Valentines sina Sofia Andres at Daniel Miranda. Kasama nila sa getaway at ka-double date narin ngayong araw ng mga puso ang celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
View this post on Instagram
17. Kylie Padilla
Red gumamela for Valentines ang natanggap ni Kylie Padilla ngayong Valentines. Ang mga bulaklak mula sa panganay niyang anak na si Alas na maririnig na pinapasalamatan ni Kylie sa IG video post niya.
View this post on Instagram
18. Hayden Kho at Vicki Belo
May pa-Valentines surprise naman si Hayden Kho kay Dra. Vicki Belo. Bagamat hindi pa ibinabahagi ng dalawa ang detalye ng naging sorpresa ni Hayden sa doktora, makikitang napuno ng red roses ang paligid nilang dalawa.
View this post on Instagram
19. Trina Candaza
Sa ngayong deleted post na ni Trina Candaza ay nag-share siya ng larawan na kung saan ipinakita niya ang binigay na mga bulaklak ni Carlo Aquino para sa anak nilang si Enola Mithi. Nitong buwan ay napabalitang nagkahiwalay na ang dalawa bagamat wala pa silang opisyal na pahayag ukol dito.
20. Jinkee Pacquiao at Manny Pacquiao
Image from Instagram
Flower bouquet rin ang ibinigay ni Sen. Manny Pacquiao sa misis niyang si Jinkee Pacquiao. May maikli rin siyang mensahe para dito.
“Wag ka nang maghanap ng ka-date sa Valentine’s Day dahil isang araw lang yun. Ang hanapin mo ang makakadate at makakasama mo habambuhay @JinkeePacquiao. Sharing the love with everyone not just on this day but everyday. Happy Valentines Day po sa ating lahat!”
Ito ang mensahe ni Manny para sa misis na si Jinkee.
21. Neri Naig at Chito Miranda
Samantala, para kanila Neri Naig at Chito Miranda, ipinagdiwang naman nila ang Valentines sa pag-aalala sa naging celebration nila sa araw ng mga puso noong nakaraang taon. Ito ay ng sopresahin ni Neri si Chito na buntis siya noon sa kanilang new baby na si Cash.
View this post on Instagram
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!