TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Partner ni Winwyn Marquez sa pagtatago ng kaniyang identity: "Hindi naman ako showbiz"

5 min read
Partner ni Winwyn Marquez sa pagtatago ng kaniyang identity: "Hindi naman ako showbiz"

“Please do expect na naka-blurred pa din 'yong mukha niya, but I'm so happy na he still want to be a part of this."

Winwyn Marquez, ibinahagi sa isang vlog ang rason kung bakit nananatiling nakatago ang identity ng kaniyang partner sa mga social media account.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Partner ni Winwyn Marquez, piniling itago ang kaniyang identity
  • Rason kung bakit dapat pribado ang relasyon

Partner ni Winwyn Marquez, piniling itago ang kaniyang identity

Aktres na si Winwyn Marquez, ibinahagi ang dahilan sa likod ng pagtatago ng identity ng kaniyang partner.

Umani ng napakaraming komento mula sa mga netizen ang gender reveal ng kanilang baby na matatagpuan sa kaniyang Youtube channel. Karamihan sa mga ito ay blurred face ng kaniyang partner.

Dahil sa pangyayaring ito, naisipan nilang dalawa na gumawa ng video tungkol sa isyung ito. Sa Youtube channel ng aktres matatagpuan ang reaction video tungkol sa mga komento ng netizens ukol sa identity ng ama ng kaniyang dinadala.

Maraming assumptions at mga haka-haka ang tao tungkol sa kaniyang partner. May ilang nagsasabi na marahil kaya hindi ito nagpapakita ay dahil menor de edad pa lamang o kaya naman ito ay may ‘sabit’.

Paglilinaw naman ng dalawa, hindi age gap ang dahilan kung bakit piniling hindi ilabas ang identity ng kaniyang partner. Ayon sa kaniya, mas matanda ito ng dalawang taon sa kay Winwyn.

“Wala akong ibang anak, wala rin akong ibang asawa o partner,” naman ang natatawang tugon niya sa mga taong nagsasabi na mayroon siyang ‘sabit’.

Natatawa na lamang si Winwyn Marquez at ang kaniyang non-showbiz boyfriend dahil sa mga komento na kanilang nababasa mula sa mga netizen.

winwyn marquez partner

Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez

“I found it funny,” ang sinabi at saloobin ng partner ni Winwyn ukol sa mga komento sa kaniya.

Dagdag pa niya, “Hindi naman ako showbiz”

Hindi umano nila pinipiling ipakita ang mukha ng kaniyang partner na ama ng kaniyang dinadala dahil pinipili nila ang privacy.

Nililnaw din ng aktres na hindi niya kinakahiya ang kaniyang partner at proud na proud din siya dito. Pagbabahagi niya,

“Proud na proud kaya ako! ‘Di siya pangit, F.Y.I. [for your information] gusto lang namin talagang naka-blurred for some type of privacy.”

Ito ang mensahe ni Winwyn para sa mga taong nagsasabi na hindi siya proud o hindi niya kayang ipagmalaki ang kasintahan sa harap ng publiko.

winwyn marquez partner

Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez

Ayon pa sa aktres,

“Blurring his face on my videos and not posting him on my social media accounts is not a big deal for us.”

“It was a mutual decision na i-blurred muna ‘yong face niya,” sabi pa niya.

Para sa kanila, hindi ito ang basehan ng pagiging proud. “Masyadong shallow” kung ito lamang umano ang basehan para masabi mong ipinagmamalaki mo ang iyong nobyo, pagsasaad ni Winwyn.

BASAHIN:

Winwyn Marquez nagpositibo sa COVID habang buntis: “It was a scary experience and I never want to go through that again.”

LOOK: Winwyn Marquez’s gender reveal party para sa kaniyang first baby

Winwyn Marquez sa kaniyang pagbubuntis: “Me and my partner, we’re both so happy!”

Ibinahagi rin ng aktres na ang privacy na iniingatan nila ay sa mundo lamang ng social media. Dahil sa personal at kanilang paglabas-labas, hindi naman niya itinatago ang kaniyang boyfriend.

Nagkataon lamang umano na tayo ay nasa gitna pa rin ng pandemya kaya’t kailangan pa rin nilang magsuot ng face mask kapag lalabas. Subalit hindi ang itago ang mukha ng kaniyang kasintahan ang intensyon kung bakit nila ito ginagawa.

Sa huling bahagi ng video, ipinabatid niya sa mga netizen na darating din ang araw at pagkakataon na ire-reveal niya ang kaniyang partner, hindi pa lang sa ngayon. Ayon sa kaniya,

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

“Please do expect na naka-blurred pa din ‘yong mukha niya, but I’m so happy na he still want to be a part of this”

Samantala, pasasalamat naman ang paulit-ulit na sinasambit ng kaniyang partner para sa mga taong patuloy na sumusuporta kay Winwyn. Kung marami ang nai-intriga, marami din ang nakaka-intindi at sumusuporta.

Pagbabahagi pa ng partner ni Winwyn,

“Thankful lang din ako na ‘yong klase ng supporters na meron siya, very respectful.”

winwyn marquez partner

Larawan mula sa Instagram account ni Winwyn Marquez

3 rason kung bakit dapat pribado ang relasyon

Nakaka-inspire ang pagmamahal, ang magmahal, at ang mahalin. Kaya naman napakasarap ding ibahagi sa iba ang iyong magandang pagtingin sa iyong partner. Subalit mahalaga pa rin na maging mindful ka para sa inyong relasyon.

Hindi mo kailangan at dapat na isikreto ang inyong relasyon, narito ang ilang rason kung bakit mahalaga na i-maintain ang privacy sa inyong relasyon.

1. Ino-open ninyo ang sarili ninyo sa opinyon ng iba

Kapag marami ang nakakaalam tungkol sa mga isyu ng inyong relasyon. Malaki rin ang posibilidad na marami rin kayong opinyon at komento na maaaring matanggap mula sa iba.

Ang pagbibigay ng impormasyon mula sa inyong relasyon ay para na ring pagbibigay ng pahintulot sa iba na magbigay ng opinyon ukol sa inyo.

2. Hindi lahat ay magiging masaya para sa inyo

Nakakalungkot man, subalit hindi pare-pareho ang lahat ng tao. May ibang natutuwa, mayroon ding hindi natutuwa sa inyong relasyon.

Kung kakaunti lamang ang alam nila tungkol sa inyo, kaunti lang din ang kaya nilang sabihin tungkol at laban sa inyo.

3. Mas madaling magdesisyon

Habang ibinabahagi ninyo sa iba ang mga masasaya at kamangha-manghang mga araw sa inyong relasyon, binibigyan niyo rin sila ng access sa inyong relasyon.

Minsan ay nakakalimutan niyo na ang inyong relasyon ay sa pagitan lamang ninyong dalawa bilang mag-partner. Kaya naman sa mga desisyon na inyong ginagawa, madalas kayo ay nahihirapan dahil kinakailangan ninyong i-consider ang mga tao na may alam tungkol sa inyong relasyon.

 

Youtube, Jetmag

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Kamille Uriella Batuyong

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Partner ni Winwyn Marquez sa pagtatago ng kaniyang identity: "Hindi naman ako showbiz"
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko