Cesar Montano and Sunshine Cruz kids muling nakasama ang kanilang ama. Sunshine masaya at nag-rerequest na sana ito ay masundan pa.
Sa artikulong ito ay mababasa ang mga sumusunod:
- Cesar Montano and Sunshine Cruz kids bonds with their father.
- Relasyon nila Cesar Montano at Sunshine Cruz.
LOOK: Cesar Montano and Sunshine Cruz kids bonds with their father
Nitong nakaraang linggo ay marami ang natuwa ng malamang nagkaayos na ang aktor na si Diego Loyzaga at ama nitong si Cesar Montano. Ang magandang balita ay ibinahagi ni Diego sa kaniyang Instagram account na sinabing 7 years rin silang hindi nagkita at nagpansinan ng ama.
“7 years is a long time for a son not to see his father. After seven years, after mistakes, God made a way to bring us together again.
I apologize for the impulsiveness of my youth. If we could take back the words and the distance and the time wasted, I would.”
Ito ang bahagi ng statement ni Diego kalakip ang mga larawan niya kasama ang amang si Cesar ngayon at noong siya ay bata pa.
View this post on Instagram
Si Diego ay ang naging anak nina Cesar Montano at aktres na si Teresa Loyzaga. Matatandaang naisapubliko ang hidwaan nilang mag-ama na akusahan umano ni Cesar si Diego na isang drug addict.
Ito ay ibinahagi ni Diego sa social media na sinabing pinalayas rin siya ng ama sa bahay na binigay nito para sa kaniya. Nagpa-drug test si Diego at kalaunan ay napatunayan niyang hindi totoo ang parang sa kaniya ng ama.
Samantala, kahapon sa kaniya paring Instagram account ay may bagong magandang balitang ibinahagi si Diego. Dahil si Diego muling nakasama ang amang si Cesar pati na ang mga half-siblings niya na sina Sam, Angelina at Chesca. Sina Sam, Angelina at Chesca ay mga anak ni Cesar Montano at aktres na si Sunshine Cruz.
“Fun fun fun family daaaay w Maestro and the twins 👯♀️👯♂️👬”
Ito ang caption ng post ni Diego na kalakip ang mga larawan nila habang naghahang-out at naglalaro ng basketball at badminton.
BASAHIN:
Diego Loyzaga at Tatay niyang si Cesar Montano nagkabati na makalipas ang 7 taon
Sunshine Cruz, wala nang pakialam sa buhay ng ex-husband niyang si Cesar Montano
Cesar Montano responds to son Diego Loyzaga’s accusations
Reaksyon nina Sunshine Cruz at Teresa Loyzaga
Sa comment section ay hindi naman napigilan ng aktres na si Sunshine Cruz na ibahagi ang kaniyang nararamdaman sa nakitang pagsasama ng mga anak at kanilang ama. Pati na siyempre ang maka-bonding ang kuya nilang si Diego na una pa lang ay close na talaga sa kaniyang mga half-sisters.
“Finally all five of you! 🙏🏻☺️ More of this please.”
Ito ang komento ni Sunshine.
Sa parehong Instagram post ay nag-komento rin ang aktres na si Teresa Loyzaga na ina ni Diego. Ibinahagi rin nito ang saya niya na makitang masaya ang mga anak nila ni Sunshine na makasama ang kanilang ama. Nagpalitan nga rin sila ng komento ni Sunshine na umaasang sila naman ang magkikita at magkakasama sa susunod.
“When our Children are happy, the Mothers are Happiest! @sunshinecruz718.”
Ito naman ang komento ng aktres na si Teresa Loyzaga sa pagsasama ni Cesar at ng mga anak nito.
Matatandaang taong 2013 ng tuluyan ng maghiwalay si Cesar Montano at dating misis na si Sunshine Cruz. Ito’y matapos ma-link sa iba’t ibang babae ang aktor. Pero ayon kay Sunshine may malalim pang dahilan sa kanilang paghihiwalay.
Ito’y kawalan ng respeto sa kaniya ng mister na kahit mismo mga anak nila ay nakikita. Pati na ang physical abuse at marital rape na naranasan niya sa kamay ng dating mister.
Sa isang interview ay minsan ng sinabi ng anak nina Cesar at Sunshine na sa kabila ng hidwaan sa pagitan ng mga magulang niya ay hindi natigil ang komunikasyon nila ng ama. Kung isasalarawan nga daw si Cesar bilang ama ay isa itong ‘great father’ at laging nandyan para sa kanila.
“As a father, he’s a great father. Like, actually, it’s not just that we don’t really get to see him often pero he texts naman maybe like once a week or thrice a week.
He always tries to reach out and asks how we are. And yeah, he’s always there naman po for us even though we don’t get to see him all the time.”
Ito ang sabi ni Sam ang pangalawang anak nina Cesar at Sunshine sa isang panayam.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!