Sunshine Cruz, wala nang pakialam sa buhay ng ex-husband niyang si Cesar Montano

Sunshine Cruz, wala nang pakialam sa buhay ng ex-husband niyang si Cesar Montano

Saad pa ng aktres trabaho at mga anak niya lang sa ngayon ang focus niya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin matigil-tigil ang mga isyu kaugnay sa dating mag-asawang sina Sunshine Cruz at Cesar Montano. Ang pinakabago nga ay ang ma-intrigang post ng beteranang kolumnista na si Lolit Solis tungkol sa dating mag-asawa.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Isyu sa pagitan ni Sunshine Cruz at Cesar Montano
  • Payo sa mga mag-ex

Isyu sa pagitan ng dating mag-asawang sina Sunshine Cruz at Cesar Montano

Banat ng kolumnista, nagtataka siya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin matapos-tapos ang gulo sa pagitan ng dalawa. Ito ay sa kabila ng katotohanan na ilang taon na ang lumipas at may kaniya-kaniya na silang bagong karelasyon.

“Nagtataka ako Salve bakit parang walang katapusan iyon 'gulo' between Cesar Montano and Sunshine Cruz. Hanggang ngayon na meron na sila mga bagong partner para bang every now and then meron pang intriga between them. Sana naman matapos na. Lalo pa at 3 babae ang anak ni Cesar kay Sunshine na parang hindi maganda tuwing meron lumalabas pang mga issue tungkol sa magulang nila.”

Ito ang pahayag ni Solis sa kaniyang Instagram account.

Payo ng kolumnista para matigil na sana ang gulo at isyu ay mabuting tumahimik na lamang umano ang dalawa. Huwag ng magkomento kung may interview na tungkol sa mga buhay nila at mag-communicate lang tungkol sa mga anak nila.

sunshine cruz

Sunshine Cruz with her 3 daughters/ Image from Sunshine Cruz Instagram account

“Puwede naman hindi na sila nagbibigay ng statement, o sumagot sa issue. Basta tinanong, smile na lang para tapos na, huwag ng pag usapan pa. Hindi matigil-tigil. Para bang umaandar bawat araw. Walang katapusan kaniya-kaniya na sila. Kaya hintuan na ang issue. Dapat wala na silang pakialam sa isa't isa. Dapat iyon communication nila para sa mga anak na lang nila. No more hot words. Peace.”

Ito ang dagdag na pahayag pa ni Solis na hindi pinalampas ni Sunshine Cruz. Agad nagkomento ang aktres sa post ng kolumnista at sinabing wala na siyang pakialam sa buhay ng dating asawa.

sunshine cruz

Image screenshot from Lolit Solis Instagram account

Sunshine Cruz: My ex-husband is none of my business.

“Good Morning Tita Lolit. I haven’t said a single word. My ex-husband is none of my business. Annulled na po kami. I’d rather focus sa mga anak ko at sa trabaho. ☺️”

Ito ang sagot ni Sunshine Cruz sa banat ng kolumnista.

sunshine cruz

Image screenshot from Lolit Solis Instagram account

Matatandaang taong 2013 ng tuluyan ng maghiwalay ang dating mag-asawa. Ito'y matapos ma-link sa iba’t ibang babae ang aktor na si Cesar Montano. Pero ayon kay Sunshine may malalim pang dahilan sa kanilang paghihiwalay. Ito'y kawalan ng respeto sa kaniya ng mister na kahit mismo mga anak nila ay nakikita. Pati na ang physical abuse at marital rape na naranasan niya sa kamay ng dating mister.

Sinasabi namang ang pinag-ugatan ng pahayag ni Solis ay ng magpost ang kinakasama ngayon ni Cesar na si Miss Philippines Earth 2009 Sandra Seifert  ng larawan ng aktor at ng kanilang anak sa social media. Pero ayon kay Sunshine wala siyang naging komento ukol dito o kahit anumang tungkol sa kaniyang asawa.

BASAHIN:

Bakit hindi sapat ang PAG-IBIG para sa isang matatag na relasyon?

STUDY: 12 common mistakes na nakakasira sa relasyong mag-asawa

6 na epekto ng stress na pumapatay sa relasyon ng mag-asawa

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sandra Seifert (@sandraseifert)

Pakikialam sa relasyon o pagkakaroon ng koneksyon sa dati mong karelasyon

Ayon sa relationship coach na si Erika Ettin, mahirap talagang mag-let go sa dating relasyon. Lalo na kung ito ay nagbigay ng hindi malilimutang karanasan sa 'yo. Pero para sa physiologist na si Niels Eek ang pagle-let-go ang pinaka-mahalagang hakbang para tuluyan ka ng makawala sa alaala ng isang toxic na relasyon na iyong pinagmulan. Ito ay iyong magagawa sa pamamagitan ng pagtanggap na nakagawa ka ng pagkakamali at ito ay tapos na.

"You must accept that everyone makes mistakes and that these are now in the past. Think instead about what you can take away from the situation. While it may be difficult at first, the more you practice compassion and understanding, the easier this process will become."

Ito ang pahayag ni Eek.

Dagdag pa niya, isa rin sa pinakamahusay na paraan para tuluyang makaalis sa anino ng dating relasyon ay ang itigil na iyong pakikipagkomunikasyon. Dahil ito sa sumusunod na rason.

Bakit dapat itigil ang komunikasyon mo sa iyong ex

  • Hindi ka mahi-heal o hindi ka makaka-recover sa inyong break-up.
  • Maaaring mawalan ka ng prospective partners dahil hindi ka pa rin nagmo-move-on sa iyong ex.
  • Hindi ito healthy dahil sinasayang mo lang ang oras mo at sinasaktan ang iyong sarili.
  • Maalala mo lang ng paulit-ulit ang masasakit na nangyari sa inyong relasyon.
  • Magiging awkward din kung magiging magkaibigan kayo kung hindi pa kayo tuluyang nakakalimot at nagpapatawaran.
  • Masasaktan ka lang o mapu-frustrate sa oras na makitang may kasamang iba ang iyong ex.
  • Maaari lang itong mauwi sa on and off relationship na hindi healthy.

Paano ito magagawa?

Para naman maputol na ang iyong komunikasyon sa iyong ex ay maaaring gawin ang mga sumusunod na paraan:

  • Sa oras na kinokontak ka pa rin ng iyong ex, maging pranka sa kaniya na nais mo ng itigil ang inyong komunikasyon. Kung kayo'y may anak, linawin na gagawin ninyo lang ito para sa kanilang kapakanan.
  • Huwag sasagot ng tawag o kanilang text kung hindi naman ito mahalaga o hindi patungkol sa inyong mga anak.
  • Iwasan ang mga lugar na kung saan posibleng magsalubong ang landas ninyo ng iyong ex.
  • Huwag hayaan ang inyong mga mutual friends na makialam sa inyong relasyon. Ipaintindi sa kanila na kailangan nilang irespeto ang iyong desisyon.
  • I-unfriend sila o i-unfollow sa social media. Upang hindi na magkaroon ng updates sa kanila na maaring magpapaalala sa inyong naging pagsasama.
  • Kung may mga usapin o isyu tungkol sa iyong ex ay mabuting manahimik nalang at huwag ng mag-komento pa.

 

Source:

ABS-CBN News, Times of India, Insider

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner