Cesar Montano sa anak na si Diego Loyzaga na isa naring ganap na ama: “Being a father will surely make him a better person.”

Ayon pa sa aktor, nagtitiwala siya at naniniwala na magiging mabuting ama si Diego sa anak niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Cesar Montano kinumpirmang may apo narin sa eldest son niyang si Diego Loyzaga. Ayon kay Cesar, alam niyang magiging mas mabuting tao ang anak na ngayon ay isa ng ganap ng ama.

Mababasa dito ang sumusunod:

Cesar Montano to son Diego Loyzaga na isa ng ganap na ama

Larawan mula sa Instagram account ni Diego Loyzaga

Puro magagandang salita ang nabanggit ng aktor na si Cesar Montano tungkol sa eldest son niyang si Diego Loyzaga na isa naring ganap na ama ngayon. Ayon kay Cesar, naniniwala na siya na mas magiging mabuting tao ang anak ngayong isa na siyang ama. Makikita nga daw ito sa mga reaksyon ni Diego sa tuwing nagkukuwento tungkol sa kaniyang baby girl.

“I’m also very happy for Diego. I trust him. I know he will be a responsible father.”

“Diego is very excited as a father. I can tell by how animated he gets whenever he tells me stories about the baby.”

Ito ang pagkukuwento ni Cesar tungkol sa kaniyang anak na si Diego.

Larawan mula sa Instagram account ni Diego Loyzaga

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aktor na Cesar Montano bilang isang lolo

Ayon pa sa aktor, nasa ibang bansa ang kaniyang apo Si Diego lang ang umuwi dito sa Pilipinas para sa isang film project. Kaya naman hindi pa niya nakikita sa ngayon ang apo. Pero excited na din daw siya na makita ito at makarga. Paniniguro niya ay ma-ispoil niya ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I told him, ‘I will spoil that child.’ She can call me lolo or grandpa. It doesn’t really matter.”

Ito ang sabi pa ni Cesar.

Pagbabahagi pa ng aktor, hindi niya unang apo ang anak ni Diego. Sapagkat may dalawang apo na siya sa panganay niyang si Angela Manhilot. Pero labis parin daw ang excitement niya na makilala ang ang apo niya kay Diego na nakikita niyang nagbibigay ng kakaibang saya sa anak.

Larawan mula sa Instagram account ni Diego Loyzaga

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement