LOOK: Champ Lui Pio ng Hale, tatay na!

LOOK: Champ Lui Pio ng Hale, tatay na!

Pasilip ng frontman at lead vocalist ng bandang Hale na si Champ Lui Pio sa kaniyang bagong panganak na fiancée na si Claire Nery at Hale boy, Caden.

Noong ika-3 ng Setyembre nga lamang inanunsyo ng frontman ng Hale na si Champ Lui Pio na nage-expect siya at ang kaniyang non-showbiz fiancée na si Claire Nery ng isang baby boy!

"It’s a haleBOY ??❤️ #LuiPios," ika nga nito.

Champ Lui Pio, isa nang tatay!

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Champ (@champluipio) on

Nag-upload din si Champ ng mga waring maternity shots nila ni Claire sa Siargao kung saan lahat ng iyon ay kuha ni Ryan Ortega.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Champ (@champluipio) on

Sa Siargao nga kinuhanan ang mga maternity shots nila ng kaniyang partner na si Claire.

Na-engaged ang dalawa noong nakaraang taon ng Agosto.

Masaya si Champ Lui Pio sa bagong yugto ng kaniyang buhay

At kamakailan nga lamang, ika-20 ng Oktubre, nag-post si Champ sa kaniyang Facebook ng larawan na kasama siya, ang kaniyang bagong panganak na non-showbiz fiancée na si Claire Nery, at ang kanilang baby boy na pinangalanan nilang Caden.

Aniya nga sa kaniyang caption, "10.19.19. The best day of my life. To my brave & beautiful wife, thank you for being so strong. #LuiPios #ChampClaireCaden #CCC #HaleBoy."

Kasama rin sa kaniyang post ang larawan na karga-karga niya ang kaniyang Hale boy.

Nanganak ang kaniyang non-showbiz fiancée na si Claire kay Caden noong ika-19 ng Oktubre, Sabado, sa Asian Medical Hospital sa Muntinlupa City.

Source: Champ Lui Pio

Basahin: 6 tips kung paano mas mapapalapit si baby kay daddy

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner