Relasyon ng ama sa anak mas magiging close kung hindi pipigilan o haharangan ni mommy. Ito ay ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa Journal of Child and Family Studies.
Mababasa sa artikulong ito:
- Relasyon ng ama sa anak, napipigilan ng ina
- Ilang pag-aaral tungkol sa relasyon ng ama sa anak
- 6 tips kung paano mas magiging close ang relasyon ng ama sa anak
Relasyon ng ama sa anak | Image by Kha Ruxury from Pexels
Relasyon ng ama sa anak, napipigilan ng ina
Matapos pag-aralan ang data at tanungin ang 182 couples sa interaction sa kanilang baby sa ika-tatlo at ika-siyam nitong buwan. Matapos maipanganak ay napag-alaman ng mga researchers ang mga sumusunod:
- Mas nagiging less involved ang mga new fathers sa kanilang baby. Ito ay dahil sa kanilang partner na pinipigilan sila sa pag-aalaga sa anak.
- Mas nagiging less engaged sila at warm na makipaglaro sa kanilang baby sa ika-siyam nitong buwan dahil sa misis nilang kini-criticize kung paano nila inaalagaan ang anak.
Ang habit na ito na kung saan kinokontrol ng mga mommy ang access at pag-aalaga sa baby ay tinatawag na “maternal gatekeeping.”
Kung minsan ay mas nagiging extreme ito na kung tawagin naman ay “maternal gate-closing.” Ito ay dahil sa natural na instinct ng mga nanay sa pagsusupervise at pag-aalaga ng anak bilang sila ang nagluwal at nagpapasuso sa sanggol.
BASAHIN:
5 na hindi dapat sinasabi ng tatay sa kanyang anak
STUDY: Mga tatay na medyo mataba, mas mabubuting ama at asawa
10 na bagay na ginagawa ng mabuting tatay para sa kaniyang mga anak
Ilang pag-aaral tungkol sa relasyon ng ama sa anak
Pero ayon sa pag-aaral, ang habit na ito ng mga ina ay nakakapagbaba ng tiwala sa sarili ng isang bagong ama na kaya nitong alagaan ang anak.
Pinipigilan rin nito ang baby-father interaction o ang mas close na relasyon ng ama sa anak.
Kabilang sa gate-closing activities na ginagawa ng isang mommy sa kanilang partner ay ang madalas na pagsasabi sa mister na mali ang ginagawa nitong pag-aalaga sa kanilang baby.
O kaya naman ay ang sobrang pag-cri-criticize sa parenting skills ng mister.
Ayon nga sa lead author ng pag-aaral na si Lauren Altenburger, ang pagpapakita ng maternal gate-closing ng isang ina sa unang buwan ng anak ay nagpapababa ng parenting quality ng isang ama na kaniyang pinapakita sa pamamagitan ng sensitivity, positive regard at engagement.
Dagdag pa ni Altenburger, ang pagiging magulang ay isang significant life course event. Ang pagwo-work ng mga magulang bilang isang team at pagiging open sa pakikipagcommunicate tungkol sa parenting strategies ay mas nagpapataas ng parenting quality ng isang ama.
Maliban sa pagbabago ng misis sa maternal gatekeeping habit nito ay mga paraan rin naman na maaring gawin si daddy para maging close kay baby. At ito ay nagsisimula habang ipinagbubuntis palang ang anak.
6 tips kung paano mas magiging close ang relasyon ng ama sa anak
Ayon sa Pittsburgh pediatrician na si Dr. Mark Diamond, maliban sa physical nursing may iba pang bagay na maaring gawin ang ama para mas maging close sa anak.
Ito ay maaring ang simpleng paghawak sa baby, pagcucuddle dito o pagpapatahan dito kapag ito ay umiiyak.
Pero ang ilan pang bagay na maaring gawin para mas maging close ang relasyon ng ama sa anak ay ang sumusunod:
Relasyon ng ama sa anak | Image from Unsplash
1. Pagkanta o ang pagbasa ng libro sa anak habang ito ay nasa tiyan palang ng kaniyang ina.
Sa pamamagitan nito ay mas magiging strong ang connection ng ama sa kaniyang baby bago pa man ito maipanganak. Lalo pa’t narerecognize ng isang baby ang pattern at tono ng boses ng mga tao sa paligid niya.
2. Pagpaparamdam sa partner na lagi kang nandiyan para sa kaniya.
Ang simpleng pag-sama sa mga OB appointments o breastfeeding classes ng isang mister sa kaniyang asawa ay mas nakakapagtibay ng connection nito sa kanilang baby.
Dahil sa ganoong paraan ay mas nararamdaman ng misis na sila ay sinusuportahan ng asawa. Kaya naman mas hinahayaan nitong maging involve ang mister sa pag-aalaga ng anak.
Ito ay ayon sa pediatrician na si Dr. David Hill na author rin ng librong “Between Us Dads: A Father’s Guide to Child Health.”
3. Pagpapraktis humawak at mag-alaga ng bata sa tulong ng mga new-dad friends.
Para mas maging komportable sa pag-aalaga ng isang baby ay maaring humingi ng tulong o advice sa isang new-dad friend ang isang expectant dad.
Maaring mag-spend ng isang araw sa bahay ng kaibigan. Ito ay para makita at ma-experience kung paano ang pakiramdam na mayroong baby na inaalagaan. Sa pamamagitan nito ay mas magiging ready at confident ka kapag naipanganak na ang iyong baby.
Maaari ring humingi ng advice mula sa iyong mommy friends kung paano ba ang tamang pagpapalit ng diaper, pagkakarga sa baby at pagpaburp sa kaniya.
4. Huwag masyadong mag-worry sa paghawak o pag-aalaga ng anak.
Ayon sa pediatrician na si Dr. Emily Borman-Shoap, madalas ang mga new dad ay ninenerbyos o nag-aalala na maaring masaktan o may gawin silang mali sa baby nilang napaka-sensitive pa.
Pero kailangan daw isaisip ng mga ama na walang perpekto.
Kung sakaling magkamali sila sa pagpapalit ng diapers ng anak ay gawin itong muli para mapraktis at mamaster na ito sa susunod.
Relasyon ng ama sa anak | Image from Unsplash
5. Hawakan at kargahin ang anak sa mga unang araw nito.
Sa mga unang araw at linggo ng newborn baby, ang paghawak o pagkarga ng ama ay mas nakakatulong para mas maging close sila sa isa’t-isa.
Maari itong kargahin sa iyong braso o kaya naman ay haplusin ang likuran nito.
Dahil ang bonding ng isang magulang sa bagong silang na anak ay naipaparamdam sa pamamagitan ng skin to skin contact. Dagdag iyan ni Dr.Hill.
6. Tulungan ang misis sa pag-aalaga kay baby.
Maliban sa pagpapasuso na ginagawa ng ina, maipaparamdam mo rin ang pagmamahal mo sa anak sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kaniya.
Ayon sa pediatrics professor na si Dr. Carol DiBattisto, ang mga ama ay maaring tumulong sa pagpapaligo, pagbibihis o kaya naman ay pagpapalit ng diapers ng anak.
Maari rin niyang hawakan ang anak habang binabasahan ito ng isang story. O kaya naman maging in-charge sa pagpapa-burp sa baby lalo na sa hating-gabi.
Dagdag naman ni Dr. Hill, ang mga ama ay may special role sa pagnunurture at pagpapakalma ng isang fussy baby. Sa tulong ng mas malalaking kamay nito ay mas nahehele niya ng mas maayos ang isang baby.
Mas nagiging kalmado rin daw ang mga baby kapag nakakarinig ng mas malalim na boses. Kaya ang pagkanta, pag-hum o pakikipag-usap ng ama sa anak ay makakatulong para patahanin ito.
Ang relasyong ng ama sa anak ay mas magiging matibay at malapit kung hahayaan silang mabigyan ng oras para makapag-bonding.
Paalala nga Dr. Caroline DiBattisto, ang mga magulang ay dapat sinusuportahan ang isa’t-isa at nagwowork ng magkasama bilang isang team.
Importante rin para sa mga ama na magrelax at maging confident sa sarili nila. Ito ay para matulungan ang misis sa pag-aalaga ng anak at ma-enjoy ang special time kasama ang kanilang baby.
Sources:
Time, WebMD
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!