Naniniwala talaga ako na “True love comes unexpectedly”. Sa tuwing naiisip ko ang istorya ng pag-ibig namin ng asawa ko na forgotten chatmate ko pala noon ay napapangiti at naa-amaze pa rin ako.
Isang taon pa lamang mula ng kami ay ikinasal at biniyayaan agad kami ng dalawang anak dahil one month pregnant na rin ako.
Napatanong ako sa sarili ko na pwede pala talagang magkaroon ng partial memory loss? Sa sitwasyon kasi namin ng asawa ko, matagal na pala kami nagkaroon ng ugnayan. Naging magka-chatmate pala kami for one year.
Hindi niya ako nalimutan at matagal na hinahanap ang name ko sa Facebook pero hindi niya ma-search dahil hindi ako gumagamit ng tunay na pangalan ko sa social media. Ini-insist niya talaga na ako ‘yong ka-chat niya at hindi pa niya binura yong mga naging conversation daw namin.
Wala talaga akong matandaan sa mga sinasabi niya kaya lagi kong sinasabi na ibang tao ‘yong tinutukoy niya. At hindi talaga ako yon o baka kamukha lang.
Nagkamabutihan kami ni husband ko thru chat dahil overseas worker siya at ako noon ay kakauwi rin from abroad. May common friends kami.
Siya ang nag-friend request sa akin, nagkoc-omment kami sa mga posts ng isa’t isa kahit hindi pa pormal na magkakilala. I have this feeling kasi na parang comfortable ako sa kanya. Na hindi siya snob hanggang sa naging mag-chatmate kami. At doon na nga while exchanging conversations everyday na open up niya ang tungkol sa amin na dati na raw pala kaming magkakilala.
Screenshot ng conversation namin noon
Ini-screenshot niya yong mga undeleted conversation namin noon at dahil naka-Facebook user na ‘yong account na sinasabi niya na ako ang may-ari, hindi talaga maconfirm na ako ‘yon. At wala talaga akong maalala.
Pero sadyang mysterious talaga mag-matchmaking si Lord. Isang araw habang may dina-download akong game sa laptop, bigla itong humingi ng Facebook password at ito ‘yong Facebook account ko na 8 years ko nang hindi nabubuksan.
To my surprise, naka-connect pala ito sa isang email account ko at na-retrieve ko ang password ng Facebook account ko dati. At doon habang nagi-explore ako sa dati kong account, nakita ko ang naging conversation namin ni hubby years ago.
Hindi talaga ako makapaniwala. Nung sinabihan ko siya na ako pala talaga ‘yong naging chatmate niya noon dahil accidentally kong nabuksan ulit ang old Facebook account ko, tinawanan niya ako. Dahil akala niya nahiya lang akong umamin. Imposible daw kasi na makalimutan ko dahil isang taon kaming mag-chatmate.
BASAHIN:
Happy Wife, Happy Life: Study says having a happy spouse is good for your health
“Because of LDR, hanggang chat lang ang relasyon naming mag-asawa”
Mom confession: “Imbis na regalo, ito talaga ang gusto naming mga nanay na matanggap”
Bumalik na sa aking memory ang tungkol sa amin 8 years ago
Kahit ako nagtataka kung bakit nakalimutan ko. Pero pilit ko talagang hinagilap sa memorya ko, lagi kong binabasa ‘yong past conversation namin. At thank God, unti-unting nag-flashback ang mga pangyayari.
Hindi ko pa rin malaman kung bakit sa dinami-dami ng mga memories ko, ‘yong part lang namin ni hubby ang nabura. May plano talaga ang Diyos. Pinatupad pa niya sa amin ang aming mga pangarap bago kami ulit pinagtagpo.
We both waited 8 years para mahanap ulit ang isa’t isa. At masasabi ko na perfect timing dahil handa at kaya na namin bumuo ng pamilya.
Way back sa early years noong una kaming magka-chatmate. Ang bata pa namin, 23 ako at 21 siya. Pareho pa kaming brokenhearted. Hanggang messenger lang kami, never kaming nagkita ng personal sa loob ng 1 year.
Exclusively chatting lang kami. Wala pang nararating sa buhay. Ako pala ‘yong unang hindi nagparamdam. Bigla kong tinigil pakikipag-chat sa kanya and decided to close the chapter dahil hindi pala ako okay noon emotionally.
At dahil pinagtagpo at tinadhana pala kami, ang Diyos na ang gumawa ng paraan upang pagtagpuin ulit ang mga landas namin. Same set up, nagkakilala ulit sa Facebook, nag-chitchatting pero healed at new person na kami.
Iba talaga kapag pinag-pray mo ‘yong tao na makakasama mo sa buhay. It is really beyond ordinary. Who would have thought na kami pala ang magkakatuluyan.
Sa dinami-dami ng nangyari sa mga buhay namin, nakarating pa kami sa kung saang-saang lugar, kami lang palang dalawa ang magmamahalan. Love is sweeter the second time around ika nga.
Syempre, complex ang buhay mag-asawa, hindi araw-araw ay magical. May away tampo, inis pero ang mahalaga ay pinipili pa ring mahalin at patawarin ang isa’t isa.