Kailan nagiging cheating ang chatting? Narito ang sagot ng mga eksperto

Mahilig bang makipag-chat sa iba ang iyong partner o asawa? Ito ang mga palatandaan na ang ginagawa niyang ito ay dapat pag-usapan ninyo na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa ‘yo cheating ba ang pakikipag-chat? Narito ang sagot ng isang pag-aaral tungkol sa kung kailan nagiging kasalanan o hindi mabuti sa isang relasyon ang iyong mga ginagawa online.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Cheating ba ang pakikipag-chat?
  • Mga palatandaan na ang pakikipag-chat ng iyong asawa sa iba ay cheating na
  • Ano ang dapat gawin?

Cheating ba ang pakikipag-chat?

Marami at malaki na nga ang ginawang pagbabago ng teknolohiya sa ating mga buhay. Ang pakikipag-communicate ay mas naging madali na. Pati ang paghahanap sa mga kaibigan o kababata na matagal na nating hindi nakita. Lahat nga’y online na ultimo ang pagtsi-cheat o panloloko ginagawa na rin sa social media.

Pero sa kabila nito marami pa rin ang nagsasabi, partikular na ang mga lalaki na ang pakikipag-chat nila sa ibang babae online ay hindi naman masama. Kahit na magpalitan pa sila rito ng mga matatamis na salita, dahil sa hindi naman umano sila sa aktwal nagkikita.

Technology photo created by freepik – www.freepik.com 

Ito ang sagot ng isang pag-aaral.

Ang laging dinadahilan na ito ng mga lalaki ay pinabulaanan ng isang pag-aaral. Ito ang pag-aaral na ginawa nila Dr. Jennifer Schneider, Dr. Charles Samenow at Robert Weiss. Ayon sa ginawa nilang pag-aaral, ang anumang extramarital romantic o sexual activity na ginagawa online basta may negatibong epekto sa relasyon mo sa iyong partner ay walang pinagkaiba sa panloloko na ginagawa face-to-face.

“The most important finding of our research was that when it comes to the negative effects of one partner being romantic or sexual outside a supposedly monogamous relationship, tech-based and in-the-flesh behaviors are no different. The lying, the secrets, the emotional distancing, and the pain of learning about the betrayal feel exactly the same to the betrayed partner.”

Ito ang pahayag ni Robert Weiss na isang therapist na nag-specialize sa infidelity at sexual compulsions na bahagi ng ginawang pag-aaral.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa niya, kung ang ginagawa mong ito ay tinatago mo at alam mong ikagagalit at makakasakit sa partner mo, ito ay cheating.

Ganito rin ang pahayag ni Aaron Anderson, isang relationship expert sa kung kailan nagiging cheating ang pakikipag-chat sa iba.

Ayon kay Anderson, ito ang ilan sa palatandaan na ang pakikipag-chat ng iyong asawa sa iba ay cheating na.

Mga palatandaan na ang pakikipag-chat ng iyong asawa sa iba ay cheating na

  • Mas gusto ng iyong mister o partner na makipag-chat sa kaniyang kausap kaysa sa ‘yo. Makikita ito na mas nagmamadali siyang umuwi o buksan ang kaniyang cellphone para makita ang message nito.
  • Wala ng boundaries o limit ang pagtsa-chat nila. Ginagawa ito ng iyong mister o partner kahit kayo ay magkasama o may ginagawa. O umaabot siya ng hanggang hating-gabi sa katsa-chat sa kausap niya.
  • Tinatago niya ito mula sayo o natatakot siyang mabasa mo ang mga pinag-uusapan nila.
  • Sinabihan mo na siyang huminto, ngunit ayaw niya at pinagpapatuloy pa rin ang kaniyang ginagawa.

BASAHIN:

ALAMIN: Ang iba pang uri ng cheating maliban sa sex

Micro-cheating: Ang mga simpleng paglalandi na maaaring sumira sa relasyon

STUDY: Mga couples na sabay matulog, mas matatag ang relasyon

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Technology photo created by freepik – www.freepik.com 

Kahit online lang ay cheating pa rin ito

Sa ginawa namang stimulating paper ng moral psychologist at professor ng religious studies na si John Portmann, natuklasan niyang ang cybersex para sa mga taong gumagawa nito ay itinuturing itong paraan para maiwasan ang mag-cheat sa kanilang partner.

Sapagkat ayon sa isang survey, 60 percent ng mga taong nagcycyber sex o nagtatalk about sex online ay hindi ito kinokonsidera na totoo. Isang extension lamang ng kanilang pagpapantansya tulad ng panononood ng porn. Sa katunayan nga umano natutulungan pa sila nito na makaiwas na magkaroon ng physical affairs sa iba.

“People need to ultimately and consistently remind themselves that 99 percent of fantasy is WAY better than the actual reality.”

Ito ang pahayag ng isa sa mga nagsa-cybersex na babaeng nakabilang sa ginawang pag-aaral ni Portmann.

Pero para naman sa mga taong may partner na nagsa-cyber sex ay iba ang kanilang pananaw tungkol rito. Online o offline man basta ito ay kasalungat sa kanilang sinumpaang exclusivity o pangako sa isa’t isa ito ay cheating. Maaaring itong magdulot ng harm o hindi magandang epekto sa kanilang relasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sapagkat ang online relationship na ito ay maaaring magkatotoo

Ayon naman sa psychologist na si Elizabeth Hartney, ang dalawang taong may cyber relationship ay maaring maging addicted sa isa’t isa. Mataas umano ang tiyansa na sila ay magkita sa personal at gawing makatotohanan na ang relasyon nila. Dito na nagiging physical infidelity ang online fidelity na malinaw na paliwanag na ito ay uri ng pag-checheat na.

Dagdag pa ni Hartney, kung ito ay nagaganap o nangyayari sa isang relasyon, ay dapat ng mag-usap ng magka-partner. Sapagkat ito ay palatandaan na may problemang kinahaharap ang kanilang relasyon. Maaaring ang isa sa kanila ay nakakakita ng kakulangan sa kanilang pagsasama att hinahanap at nakita ang kakulangan na ito online.

Technology photo created by jcomp – www.freepik.com 

Ano ang dapat gawin?

Ang pinaka-magandang gawin para masolusyonan o maagapan itong tuluyang masira ang inyong relasyon ay makipag-usap sa iyong partner. Alamin ang nais at nasa isip niya. Saka magkasundo sa ikakabubuti ng inyong pagsasama. Pahayag ni Hartney,

“It’s important to keep in mind that online infidelity, like real-life infidelity, is often a sign that there are problems in a relationship and so ending an online affair may not be enough to put the incident to rest or prevent it from happening again. So rather than turning to the internet to try to find happiness or whatever you feel might be missing from your current relationship, talk to your spouse or partner.”

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

Psychology Today, Very Well Mind, The Marriage and Family Clinic

Photo:

Technology photo created by jcomp – www.freepik.com

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement