Paano nga ba maiiwasan ang cheating sa isang relasyon? Ang pinakatamang sagot ay huwag gawin ito!
Ang palaging tanong ay, “Bakit nga ba nagloloko ang kalalakihan?” na para bang mayroong valid na reason kung bakit nila ito ginagawa. Maaaring ikasal ang isang lalaki sa pinakamabuti at magandang babae sa buong mundo ngunit magloloko pa rin kung gugustuhin niya.
Hindi lahat ng lalaki ay ganito. Marami pa rin ang mapagmahal at devoted na mister na mas matimbang ang pagkakaroon ng maayos na realsyon sa kanyang asawa at pagbubuo ng isang pamilya.
Basahin dito ang heartwarming na confession ng isang mister kung bakit hindi niya naiisip na lokohin ang kaniyang misis.
9 reasons kung bakit hindi ko kayang pagtaksilan ang aking asawa
Maraming posibleng dahilan kung bakit pinipili ng mga lalaki ang mag-cheat. Pero I choose not do it because I am not like them. Hindi ko kailanman naisip na lokohin ang aking asawa.
Kung titingnan, maraming temptation na nakapaligid sa akin. Isa akong executive sa isang malaking company. Kaya naman hindi na maiiwasan na maraming babae akong nae-encounter.
May mga nagsasabi na ang pagiging suplado ko raw ay nakakadagdag sa aking charm. Hindi rin naman selosa ang aking asawa. Sinabi niya pa sa akin dati na, “Hindi ako mamamatay kung iiwan mo man ako.”
Kaya maaaring magkaroon ako ng dahilan na mag-cheat kung gugustuhin ko. Pero hindi ko ginawa.
Sa totoo lang, maraming dilag na nagagandahan ang pwede kong makasalamuha araw-araw. Pero nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa aking misis.
Hindi naman sa pagiging romantic pero hindi ko lang talaga nakita ang sarili ko na mangaliwa. Mas nae-excite kasi akong isipin na maging loyal sa asawa ko, at patuloy na alagaan ang aming pamilya kasama siya.
Ngunit sa iba, posibleng mahirapan sila na iwasan ang pagloloko.
Paano nga ba maiiwasan ang cheating sa isang relasyon? Wala akong perpektong sagot para diyan pero kaya kong i-share ang ilan sa personal reasons ko kung bakit hindi ko magawang lokohin ang aking asawa.
-
Mahal ko ang asawa ko
Ang pinakaimportanteng rason kung bakit ko pinakasalan ang aking asawa ay dapat ang rason din kung bakit hindi ako magloloko sa kanya.
Kasal na kami nang halos 10 taon, at nagsama nang 5 taon bago pa man kami ikasal. Mayroon na rin kaming dalawana anak at hindi man perpekto ang relasyon namin, gusto ko pa ring laging nasa tabi niya. Sa kaniya ko kasi nakita ang mga katangiang nagustuhan ko sa isang babae at talagang mahal ko siya.
Ang pagmamahal ay desisyon na kailangang consistent at gawin mo araw-araw. Madalas akong nagre-reflect sa magandang relasyon namin ni misis bago ako mag-isip gumawa ng kalokohan.
-
Nangako ako
Kung nais mong manatili ang iyong honor at paniwalaan pa rin ng ibang tao, isa lang ang sagot diyan — huwag kang magloko.
Ang marriage ay isang pangako na hindi dapat mabali. Sa mundong napakadaling gumawa ng broken promises, aking laging iniisip na ang pangako ko sa aking misis ay isa sa mga respectable decision na nagawa ko sa aking buhay.
-
Ayokong mawala ang tiwala sa akin ng misis ko
Mayroon akong anak, at nakikita ko ang sariling kong binibigyang sila ng guidance sa kanilang buhay. Ang pagloloko sa asawa ko ay pag-alis din ng tiwala nila sa akin.
Mas mahihirapan akong ituro sa kanila ang mga bagay katulad ng respeto, pagiging tapat, pagtupad ng pangako kung ako mismo ay hindi ito ginagawa.
-
Ayokong bigyan ng issue ang aking mga anak
Ang pagloloko sa aking asawa ay maaaring makapagbigay ng emotional at psychological na burden para sa aking mga anak.
Maaaring dalhin nila ito habambuhay at makaimpluwensya sa kung paano nila tinitignan ang pagbuo ng pamilya o pakikipagrelasyon.
-
Abala ako sa pag-abot ng goals para sa aking pamilya
Mahirap ang buhay. Ngunit ang pag-abot sa mga goals mo para sa iyong pamilya ay hindi rin madali. Bakit mo pa sasayangin ang oras para sa panandaliang kasiyahan lang?
Masyado na rin ako naging abala sa pag-abot ng short at maging long-term goals na pangarap namin ng aking asawa para sa aming pamilya.
-
Ayokong mapasama pa sa culture of infidelity
Sa ayaw man natin o sa hindi, ang bawat ginagawa natin ay may epekto sa lipunan. Ayokong ma-normalize ang cheating sa isang relasyon. Hindi ko kayang mabuhay sa isang lipunan na tinatanggap na sinisira ang commitment.
BASAHIN:
REAL STORIES: “I caught my husband cheating on me… with our maid!”
7 Things a faithful husband would NEVER say to another woman
8 bagay na puwedeng gawin para maayos ang pagsasama na nasira dahil sa cheating
-
Ayokong sirain ang relasyon ko sa aking mga kaibigan at pamilya
Nakasisira ng relasyon ang pagloloko sa pamilya at iba pang mutual friends ng iyong asawa. Ayokong dumating sa puntong kailangang mamili ang mga kaibigan at pamilya ko kung kanino kakampi. Ayokong mawala sila sa akin at hindi ko rin maatim na ilagay ang aking mga anak sa ganoong sitwasyon.
-
Nakasisira ito ng buhay at standard of living
Marami ang maaaring masira ng pagtataksil sa asawa. Nagtrabaho ako nang mabuti sa buhay upang maibahagi ito sa pamilya ko at ayoko nang mawala pa ang komportableng buhay na aking binuo. Mas nagiging kumplikado rin ang mga bagay kung may mga anak na involved sa usapin.
-
Maraming kailangan asikasuhin para makapagloko
Pagtatago, pagkakaroon ng dalawa o higit pang cellphone, o kaya ay pagpapalipat-lipat sa iba’t ibang social media accounts, ilan lamang ito sa tingin ng ibang lalaki any exciting. Para sa akin, simple lamang ako kaya hindi ko ito kaya.
Kasama pa sa usaping ‘yan ang malaking gastusin upang mapanataling sikreto ang relasyon sa kabit. Kailangan ko pa ba ng ganoong stress at hassle sa buhay ko?
Ito ang ilan sa aking mga rason, kung nakatulong man ito o hindi nasa sa iyo na ito. Naniniwala akong ang sikreto upang maiwasan ang cheating sa isang relasyon ay ang magdesisyon na hindi naman ito worth it.
Sa halip na sayangin ang oras at lakas sa paghahanap ng ibang babae, mas pipiliin ko na lang magkaroon ng dinner dates at grocery run kasama ng aking asawa o kaya naman ay bonding kasama ang aking mga anak. Wala nang mas sasaya pa doon.
Isinalin mula sa artikulo ni Camille Eusebio mula sa pagsasalaysay ng isang TAP Dad.