Paano patawarin ang cheater at ayusin ang nasirang pagsasama? Alamin ang sagot sa artikulong ito na kung saan mababasa ang mga sumusunod:
- Mga dapat gawin kung paano maaayos ang nasirang pagsasama dahil sa cheating.
- Mga dapat tandaan ng magkarelasyon para hindi na maulit pa ang panloloko.
Paano patawarin ang cheater at ayusin ang pagsasamang sinira nito?
Pangit man pakinggan pero hindi na nakakagulat na mayroon kang mabalitaang kakilala, kaibigan o kaya artista na nag-cheat o nagloko sa kanilang asawa o kinakasama.
Sa katunayan ayon sa pag-aaral, ang cheating o panloloko ay isa sa nagungunahang dahilan kung bakit naghihiwalay ang isang magka-relasyon.
Ang pagsasagawa nito ay maaaring magdulot ng mga negatibong epekto hindi lang sa magka-partner kung hindi pati na rin sa mga pumapaligid sa kanilang mga tao.
Maliban sa pagkawala ng tiwala sa isa’t isa ay maaaring maapektuhan ng cheating ang kanilang relasyon sa anak nila o iba pang miyembro ng kanilang pamilya. Nakakaranas din sila ng mga emotional problems tulad ng kawalan ng self-esteem, depression at labis na pagkagalit.
Pero ayon sa mga eksperto, ang isang relasyon ay normal lang na humaharap sa mga pagsubok tulad na nga lang ng cheating o panloloko.
Bagamat minsan ito ay maaaring humantong sa paghihiwalay, ito naman ay maaari ring maging dahilan para mas patibayan pa ang isang relasyon. Lalo na kung nagkasundo ang magkarelasyon na ayusin ang kanilang pagsasama at muling magsimula. Ito nga umano ay magagawa sa tulong ng mga sumusunod na paraan.
1. Magpatawad.
Ang unang paraan para maisaayos ang pagsasama na sinira ng cheating ay ang pagpapatawad. Bagama’t masakit o nakakagalit ay ito ang unang hakbang para makapag-move on ang magkaparehong dumaan sa pagsubok na ito.
Pero hindi lahat ng relasyon na nagpapatawad ay muling nagkakaayos. Sapagkat isa pa sa dapat itanong ng magkarelasyon sa kanilang sarili ay kung handa ba silang muling buuin ang nasirang pagsasama.
Dapat ito ay isang desisyon na pinag-isipang mabuti ng magkarelasyon. Ito ay hindi dapat dahil lang sa kanilang mga anak o sa pagnanais na makaiwas pa sa kahihiyan.
Sapagkat kung hindi mataas lang ang tendency na mas maulit pa ang cheating. O kaya naman ay mas magkaroon pa ng problema dahil sa hindi na talaga nila nais na makasama pa ang isa’t isa.
Ito ay hindi lang makakasama sa kanilang dalawa kung hindi pati na rin sa kanilang anak na pangunahing nakakakita ng hindi pagkakaintindihan o pag-aaway sa pagitan nila.
Photo by Priscilla Du Preez on Unsplash
2. Pagsisisi.
Ayon naman sa relationship expert na si Jen Elmquist, para makapagpatawad kailangang maipakita ng cheater o nagloko sa isang relasyon na pinagsisihan niya ang kaniyang ginawa.
Ito umano ang unang dapat hanapin ng biktima ng panloloko sa kapareho niya. Sapagkat kung wala ang pagsisisi sa kaniyang ginawa, malaki ang posibilidad na muli niya lang ulitin ang pagkakamali niya.
Pahayag ni Elmquist,
“There needs to be an adequate level of remorse. So, if you’re the partner that has cheated, you really do have to feel deeply sorry.
It can’t be something that can in any way come off nonchalant. There has to be deep sense of regret and remorse for what happened.
That’s going to be something you’re going to want to look for as the starting point for you to get back on the same track.”
3. Tanggapin na pareho kayong may kasalanan sa nangyari.
Para naman sa licensed clinical psychologist na si Everett L. Worthington Jr., kung gusto talagang ayusin ng isang magkarelasyon ang kanilang pagsasama matapos ang cheating ay kailangan nilang tanggapin na pareho silang may kasalanan sa nangyari.
Hindi lang dapat isisisi ng biktima ang naging pagkakamali sa asawa niyang nagloko. Sapagkat ito ay maaaring nag-ugat sa pagkukulang o problema na hindi nila agad na isinaayos at pinili lang na ibalewala.
Kung pareho silang nakakaramdam ng pagsisisi ay pareho rin nilang pipiliting ibigay ang kanilang best para isaayos ang kanilang pagsasama. Magtutulungan maiwasan ng mangyari ang naging pagkakamali nila.
4. Mag-usap at maging matapat kung bakit nangyari ang pagkakamaling ito sa inyong relasyon.
Tulad nga ng naunang nabanggit kailangang tanggapin ng magkarelasyon na pareho silang may kasalanan sa nangyari. Ito ay kanilang maggagawa kung sila ay mag-uusap at magiging matapat sa kanilang nararamdaman.
Ayon pa rin kay Elmquist, mahalaga ito para maintindihan ng magka-partner kung bakit nangyari ang panloloko. Ano ang dahilan na nagtulak sa cheater na gawin ito at ano ang maaaring gawin para hindi na ito maulit pa.
Ganito rin ang paniniwala ng marriage coach na si Lesli Doares. Dagdag pa niya ang pagiging matapat ng mag-partner sa kanilang nararamdaman ay hindi lang basta magbibigay linaw sa problemang nararanasan nila.
Ito rin ay makakatulong para muling maintindihan nila ang isa’t-isa at manumbalik ang kanilang tiwala. Pagpapaliwanag niya,
“The only way to rebuild trust is to be completely clear why it happened so when faced with a similar situation in the future, a different choice will be made.”
BASAHIN:
20 palatandaan na hindi pantay ang pagmamahal sa isang relasyon
8 Paraan para mapasaya ang pagsasama
Kailan nagiging cheating ang chatting? Narito ang sagot ng mga eksperto
Photo by Porapak Apichodilok from Pexels
5. Tigilan na ang komunikasyon sa 3rd party o sa taong naging dahilan ng panloloko.
Para naman kay Dr. Brandon Santan, para tuluyan ng maalis ang temptasyon ng ginawang cheating ay dapat tuluyang putulin na ng cheater ang koneksyon niya sa taong naging dahilan kung bakit niya nagawa ito. Ito ay para tuluyan na siyang makapag-moveon sa ginawa niyang panloloko.
“Deleting contact information, blocking numbers, and removing social media contacts will be essential.”
Ayon pa kay Dr. Santan, ito umano ang mga paraan na maaaring gawin para tuluyan ng maputol ang koneksyon ng cheater sa kaniyang kalaguyo. Si Dr. Santan ay isang licensed marriage at relationship therapist mula sa Tennessee, USA.
6. Baguhin ang mga ugali at misconceptions na naging dahilan ng panloloko.
Siyempre, para makapag-umpisa sa panibagong simula sa pagsasama ay kailangang baguhin ng magkarelasyon ang mga ugali at misconceptions nila na naging instrumento para maganap ang panloloko.
Sapagkat tulad nga ng sinabi ni Elmquist, kailangang tanggap ng magkarelasyon na sila ay may parehong kasalanan sa nangyari. Parehong dapat sila mag-effort para hindi na ito mangyari pang muli.
7. Maging mapili sa mga ibabahagi tungkol sa inyong relasyon sa publiko.
Isa pang bagay na dapat matutunan ng magkarelasyon hindi lang sa oras ng cheating kung hindi sa kahit ano pa mang problemang pagdaanan ng kanilang pagsasama ay ang pag-lilimita sa pagbabahagi ng mga nangyayari sa relasyon sa ibang tao.
Tulad nalang ng pagpo-post sa inyong problema sa social media. Sapagkat pahayag ng marriage consultant na si Travis McNulty, kung mas maraming nakakaalam sa pinagdadaanan ng inyong relasyon ay marami rin ang magbibigay ng kanilang opinyon.
Hindi lang ito basta makakapagpagulo ng isip mo sa pagdedesisyon. Nagiging dahilan din ito na magalit o masira ang imahe ng iyong partner sa mga taong nakapaligid sa inyo.
Ang resulta, kahit kayong dalawa ay naka-move on na, may masasabi at masasabi pa rin sa iyong partner ang inyong mga kakilala. Ito ang muling magpapa-alala sa mali niyang nagawa at mas magpapahirap sa inyo na makapag-moveon na.
Paliwanag ni McNulty,
“The more people that know about it, the more people are going to have their opinions based off of purely trying to protect you from getting hurt.”
“The person who was cheated on may be able to forgive and move on, but the family still holds an intense grudge that usually puts more pressure on an already vulnerable relationship that is trying to rebuild and move on.”
Photo by cottonbro from Pexels
8. Humingi ng tulong sa isang licensed therapist.
Ayon naman sa marriage at family therapist na si Amanda D. Mahoney, makakatulong din sa pagsasa-ayos ng relasyon ng magkaparehong biktima ng cheating ang pakikipag-usap sa isang licensed therapist.
Sila’y makakatulong sa proseso ng pagmomove-on ng magka-partner. Sapagkat sila ang magsisilbing neutral party o hindi bias na tagapakinig sa hinaing at nararamdaman ng magka-relasyon.
Ang resulta parehong mai-acknowledge ang nararamdaman ng mag-asawa at mararamdaman nilang sila ay may pantay na kontribusyon sa pagbibigay solusyon sa kanilang problema.
Pahayag ni Mahoney,
“The therapist’s ability to be a neutral party in the conversation helps identify what underlying unmet needs can be recognized and processed within the couple’s relationship.
During this investigative stage of therapy, couples often have the ability to seek understanding, find compassion, have greater potential to problem solve and move forward.”
Kung dumadaan sa problema ang inyong relasyon, sana ay makatulong ang mga nabanggit na paraan kung paano patawarin ang cheater at ayusin ang nasira ninyong pagsasama.
Source:
Psychology Today, NBC News
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!