Mababasa sa artikulong ito:
- Mga palatandaan na hindi pantay ang pagmamahal sa inyong relasyon.
- Ano ang ipinapahiwatig nito sa inyong pagsasama at may paraan ba kung paano ito maitatama?
Hindi pantay ang pagmamahal sa isang relasyon
Ayon sa associate professor of psychology na si Kelly Campbell sa California State University sa San Bernardino, ang isang relasyon ay maituturing na one-sided o hindi pantay ang pagmamahal kapag isa lang sa magkapareho ang nag-eeffort o nagbibigay ng labis-labis na atensyon sa kanilang relasyon.
Ito man ay sa pamamagitan ng oras, pera o emotional investment. Ito ay hindi healthy at satisfying para sa pagsasama. Sapagkat ayon kay Campbell, mahalaga na mag-effort pareho ang isang magkarelasyon. Ito ay para tumatag at tumagal ang pagsasama nila.
Pagliwanag ni Campbell,
“Sometimes one person ‘carries’ the relationship for a period of time, such as when a partner is ill or things aren’t going well. But, in order for a relationship to be healthy and satisfying, it takes effort from both people. One person can’t carry the burden over an extended period.”
Pero kailan ba masasabing hindi pantay ang pagmamahal o one-side lang ang relasyon?
Ayon naman sa clinical psychologist na si Jill P. Weber mula sa Washington, USA, narito ang mga signs o palatandaan.
People photo created by pressfoto – www.freepik.com
Mga palatandaan na one-sided ang isang relasyon
Ikaw lang lagi ang nag-ieffort sa inyong relasyon
1. Laging ikaw ang nag-iinitiate na palalalimin pa ang inyong relasyon.
2. Ikaw ang nag-eeffort at nagme-maintain ng inyong relasyon.
3. Pakiramdam mo ay marami ka ng na-invest sa relasyon kaya naman nanghihinayang ka ng umalis. Pinipilit mong sa kahit anumang paraan ay mag-work pa ito.
4. Pakiramdam mo ay shaky o hindi matibay ang inyong relasyon.
5. Natatakot kang magalit ang partner mo dahil sa magdudulot ito ng gulo sa inyong pagsasama.
6. Sinasalo mo o lagi kang gumagawa ng excuses para sa partner mo.
7. Kontento ka ng mabigyan ng kaunting oras o atensyon ng partner mo. Bagama’t nais mo sanang mas higit pa kaysa rito.
8. Lagi kang nag-aalala kung kailan mo muling makakausap o makikita ang partner mo.
9. Sa tuwing ini-express mo ang iyong nararamdaman sa partner mo ay lagi niyang binabaligtad ang sitwasyon. Lumalabas na ikaw ang may mali at problema sa inyong dalawa.
Background photo created by jcomp – www.freepik.com
Hindi na nakakabuti para sa ‘yo ang inyong relasyon
10. Hindi ka nakakaramdam ng security sa relasyon.
11. Lagi mong iniisip kung ano ba talagang motibo ng ka-partner mo.
12. Nakakaramdam ka na parang may kulang sa inyong pagsasama.
13. Empty ang iyong pakiramdam o hindi ka fulfilled sa tuwing kayo ay magkasama ng iyong minamahal.
14. Hindi mo nasasabi ang tunay mong nararamdaman sa iyong partner. Sapagkat sa alam mong hindi niya ito pakikinggan.
15. Pakiramdam mo ang self-esteem mo ay nakadepende sa pagtatagal ng inyong relasyon.
16. Hindi mo nararamdamang kilala ka ng iyong partner.
17. Lagi kang distracted sa relasyon ninyo na hindi ka na nakaka-focus pa sa ibang mga bagay.
18. Nai-enjoy mo ang mga oras kasama ang partner mo. Subalit matapos nito ay nakakaramdam ka ng kalungkutan o pagiging lonely.
19. Hindi ka umuunlad bilang tao sa inyong relasyon.
20. Hindi mo nailalabas ang tunay mong ugali sa harap ng partner mo. Lalo na sa tuwing ikaw ay disappointed o galit na. Ito ay dahil gusto mo lang manatili siyang masaya sa mga oras na kasama ka.
BASAHIN:
Bakit mas mabuti pa rin ang maikasal, ayon sa mga pag-aaral
5 paraan kung paano makikitungo sa palasigaw na asawa
REAL STORIES: “Sa simula pa lang, alam ko na that he’s the one.”
Ano ang dapat gawin kung pakiramdam mo ay hindi pantay ang pagmamahal sa inyong relasyon ng iyong partner o asawa?
Kung nakakaramdam ng mga nabanggit, ikaw nga ay nasa isang one-sided relationship. Pero may magagawa ka naman upang maitama ito at masaayos ang inyong pagsasama.
Gawin ito una sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa iyong partner o asawa. Sabihin sa kaniya ang iyong napapansin at nararamdaman sa inyong relasyon. Saka tanungin siya kung anong nararamdaman at nasa isip niya.
Kung nais na mag-work pa ang inyong relasyon ay dapat magkasama ninyong ayusin ang hinaharap ninyong problema. Mas maging honest sa isa’t isa. Mas buksan ang inyong komunikasyon at gumawa ng paraan sa kung paano masisiguro na pantay ninyong maibibigay ang pangangailangan ng bawat isa.
Hindi masamang lumapit o humingi ng tulong mula sa isang couple counselor. Sapagkat sila ay maaaring makapagbigay ng payo sa inyong dalawa para maisaayos ang inyong pagsasama.
Kailan ka dapat bumitaw na?
Family photo created by freepik – www.freepik.com
Ngayon, kung sa una palang ay tila hindi na willing ang iyong partner na ayusin ang problema sa inyong relasyon ay kailangan mo ng mag-isip. Iyong tipong para sa kaniya na tama lang na ikaw ang nagbibigay at walang mali sa inyong pagsasama.
Saka hindi siya nag-effort para sayo at sa inyong relasyon, siguro mas mabuting mag-move on ka na. Sabihin sa kaniya ang iyong nararamdaman at maayos na tapusin ang inyong relasyon.
Sapagkat ang pakikipagrelasyon ay dapat nakakatulong o may positibong epekto sa ‘yo. Hindi para pigilan kang mag-grow at magdulot ng bigat o sama ng loob mo.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!