CHED tuition fee, isa pang relief effort upang matulungan ang ating mga kababayan pagkatapos ng region-wide community quarantine.
CHED tuition fee
Ang Commission on Higher Education (CHED) na mismo ang nakikiusap sa mga paaralan. Ayon sa kanila, huwag na muna sanang maningil agad ng tuition fee pagkatapos nitong lockdown. Kung titignan daw kasi and projected loss ng mga kababayan natin pagkatapos ng month-long lockdown, maaaring walang income ang mga ito. Maging ang mga late payment penalties daw ay sana pansamantala munang alisin.
Sa kabila nito, hinihingi rin nila na sana ay hindi ma-delay ang bayad sa mga guro at staff ng paaralan. Ito ay bilang tulong pa rin sa kanila dahil lahat naman tayo ay apektado sa sakunang ito.
Narito ang official statement ng CHED tungkol dito:
Online classes, sinuspinde rin ng ilang paaralan
Matapos magdeklara na walang pasok hanggang April 14, ilang paaralan ang nagsimula ng online classes upang hindi mahuli sa mga aralin ang mga estudyante. Nito namang mga nakaraang araw, ilan sa kanila ang nagsuspinde ng mismong online classes. Ito ay dahil sa kapasidad ng ilang estudyante na mag-comply sa nasabing requirement. Marami pa rin kasi ang mga estudyante na walang access sa Internet sa kanilang bahay at ang ilan naman ay mabagal ang koneksyon.
Hindi maitatanggi na isa talaga itong malaking problema. Dahil dito ay hindi maipatupad nang maayos ang nasabing learning set up. Wala pa namang inaanunsyong back-up plan ang gobyerno o maging ang mga kani-kanyang unibersidad o institusyon.
Sa ngayon, lahat ng tao, kahit hindi estudyante, ay hinihikayat na manatili na lamang sa kanilang mga bahay. Ito ay para mabawasan ang contact ng mga tao at ma-contain ang COVID-19.
Narito ang ilang unibersidad na nag-anunsyo ng suspensyon sa online class:
University of the Philippines
https://www.facebook.com/upsystem/posts/3320823494607188
Polytechnic University of the Philippines
https://www.facebook.com/OSRPUP/photos/a.123142229145330/156368315822721/?type=3&theater
Ateneo De Manila University
https://www.facebook.com/ateneodemanila/photos/pcb.10163038715230153/10163038698480153/?type=3&theater
De La Salle University
https://www.facebook.com/DLSU.Manila.100/posts/2960160620694420
University of Santo Tomas
https://www.facebook.com/UST1611official/photos/a.693428410668946/3139247786086984/?type=3&theater
Mapua University
https://www.facebook.com/MapuaUniv/posts/10158044496529002
Adamson University
https://www.facebook.com/AdamsonUniversity.Official/photos/a.497657150574096/1103748606631611/?type=3&theater
National University
https://www.facebook.com/NationalUPhilippines/posts/2962472783810689
Bukas naman ang CHED sa anumang concern ng mga magulang o estudyante tungkol sa mga ipinapatupad na pagbabago ngayong naka-community quarantine ang Luzon.
School year 2020-2021 in Philippines
Sa public briefing na ginanap nitong Tuesday ng umaga sa Laging Handa, opisyal na inanunsyo ni Department of Education Secretary Leonor Briones ang pagbubukas ng school year 2020-2021 sa Philippines ngayong August 24.
“Naireport ko na sa IATF last week at nasabi ko na ang naipili naming date. Dahil sa pagconsultation namin, ang preference nila ay August… Ang napili nating school opening date ay August 24,”
Ngunit dahil sa banta pa rin ng COVID-19 sa bansa, hindi magiging normal o dating kinagawian ang pagsisimula ng bagong school year ng mga studyante. Ayon kay Secretary Briones, maaaring pumunta mismo sa school ang studyante o kaya naman via online ang pag-aaral. Ang pagpasok ng studyante ay nakabase sa magiging desisyon ng government task force bawat lugar. Ito ay dahil rin sa bagong protocol na itinaas na nagsimula noong May 1. Ang pagkakaroon ng General Community Quarantine.
Samantalang, maaaring online teaching muna ang mangyayari sa mga lugar na nakataas pa rin ang Enhanced Community Quarantine.
School year 2020-2021 in Philippines | Image from Freepik
Dagdag pa ni Secretary Briones, ang main priority nila ay pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga studyante.
“Una sa lahat, ang pinakamalaking konsiderasyon natin dito ay to protect the health and safety and well-being of learners. ‘Yun ang pinakaunang priority natin,”
Ang klase ay magsisimula sa August 24 at magtatapos sa April 30, 2021.
Aminado si Secretary Briones na ito ay isang challenge para sa kanila at hindi magiging madali ang bagong ipapalakad. Ayon rin sa kanya, nakahanda na ang ibang mga school para sa pagbubukas ng klase sa August. Ang ilang public o private schools ay nakahanda na sa bagong method ng pagtuturo via online.
Dagdag ng DepEd secretary na nagsagawa sila ng survey para rito. Pwedeng gamitin ang field ng online, TV, cellphone at radio sa pagtuturo.
Kailangang ring mag report ng school sa kanila sa June 1 kung ano ang plano sa darating na pasukan. Kung ito ba ay gagawing physically o virtually.
School year 2020-2021 in Philippines | Image from Freepik
“May mga schools na handa na daw sila na magbukas ng online, public o private, ng kanilang school lessons. Marami ring through the cellphone. Nag-survey kami, puwede ding sa telebisyon at saka sa radyo,”
Kanselado na rin ang mga national at school related activities katulad ng Palarong Pambansa, Brigada Eskwela at iba pang aktibidad sa school na dinadaluhan ng maraming tao. Ito ay para mapanatili pa rin ang social distancing na mahigpit na inuutos. Bawal pa rin ang mga mass gathering para na rin maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Samantala, panatilihin pa rin ang proper health quarantine guidelines. Iwasan muna ang paglabas ng bahay at makihalo sa madaming tao. Ugaliin ang social distancing kung hindi maiiwasang lumabas para mamili ng grocery. I-disinfect muna ang mga pinamili at maghugas ng kamay kapag galing sa labas.
SOURCE: ABS CBN News, CNN
BASAHIN: “Libre ba ang COVID testing kit?” at iba pang impormasyon na dapat malaman
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!