Ibinahagi ni Chesca Garcia kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng mga ‘me-time’ ng mga moms.
Mababasa sa artikulong ito:
- Chesca Garcia sa pagkakaroon dapat ng ‘me time’ ng mga moms na katulad niya
- Pagiging Nanay ni Chesca Garcia
Chesca Garcia sa pagkakaroon dapat ng ‘me time’ ng mga moms na katulad niya
Sa guesting niya sa Magandang Buhay ibinahagi ni Chesca Garcia kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng ‘me-time’ ng mga mommies na tulad niya.
Ayon sa kaniya,
“Kasi ganito yun, hindi naman tayo laging lumabas mga momshies ‘di ba? So the time talaga na we have bakit ka magi-guilty.
Kailangan mo rin yun, and there’s a saying na you cannot give what you don’t have di ba?
And also, we have to give time sa ating mga sarili. And there’s a time for everything. Maski sa bible sabi, there’s a time to play, there’s a time to enjoy.
So tayong mga momshies, we also have to give time to our selves, and why should we feel guilty di ba?
Ma-guilty ka na hindi mo binibigyan ng time yung sarili mo, tas inaaway mo yung mga anak mo. Iyon ang hindi tama.”
Dagdag pa niya, pwedeng-pwede na magpa-pedicure sa bahay at i-relax ang sarili dahil mahalaga rin talaga ito. Siyempre kapag nagkaroon ka raw ng oras sa sarili mo, masaya ka at kapag nakita ka ng iyong mga anak siyempre masaya rin sila.
Pagbabahagi pa ni Chesca Garcia,
“Every now and then, iti-treat mo rin yung sarili mo, for some ‘me time’ and that’s okay. Talk to your friends, makasama mo yung mga kaibigan mo, kasi yung ‘me time’ rin naman is being with your friends. And we all need also our friends.”
BASAHIN:
Chesca at Doug Kramer gusto pang magka-anak, susubukan ulit na mag-IVF
Doug and Cheska Kramer celebrate 13 years of marriage:”I’d marry you over and over again!”
Mga natutunan ni Chesca Garcia nitong pandemic lockdown
Binahagi rin ng mom of 3 na si Chesca Garcia ang mga bagay na na-enjoy at natutunan niya noong panahon ng lockdown sa ating bansa noong kasagsagan ng pandemic.
Ayon sa kaniya, ang maganda raw na dulot nito ay natuto siyang magtanim.
“One of the things that I really learned during the pandemic ay yung magtanim ng sarili nating pagkain. And I was able to do that consistently.”
Ilan sa mga tinatamin nila Chesca ay mga bokchoy, okra, talong at iba pa. Dagdag pa ni Chesca ay bumili rin siya ng mga manok para maalagaan. Ang mga inaalagaan umano nilang manok ay nagbibigay sa kanila ng mga eggs. Kaya doon na lamang sila nagha-harvest nito.
Pagiging Nanay ni Chesca Garcia
Si Chesca Garcia rin ay nanay ng mga sikat na sikat na kids ngayon na sina Kendra, Scarlet, at Gavin, na anak nila ng basketbolistang si Doug Kramer.
Kilala ang kanilang pamilya ngayon bilang isang social media influencer, at marami rin talagang natutunan at nai-inspire sa kanilang pamilya.
Hands-on si Chesca sa kaniyang mga tatlong mga anak. Ayon sa kaniyang ibinahagi noon sa kaniyang Instagram account, ginagawa niya ang lahat ng best niya para magabayan at mapalaki ng maayos ang kaniyang mga anak.
At kagaya nga ng sinasabi ng ilan hindi rin daw umano madali para kay Chesca ito. Pero sa kabila nun ay nagpapasalamat pa rin siya, dahil lahat ng hirap at patience niya ang bawi naman dahil nakikita nila kung gaano kaganda ang pagpapalaki nila sa kanilang mga anak.