Chesca Kramer ibinahagi ang sikreto sa masayang pagsasama nila ng mister na si Doug Kramer.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang sikreto sa masaya at matibay na pagsasama nina Doug at Chesca Kramer.
- Love story ni Doug at Chesca Kramer.
Sikreto sa masaya at matibay na pagsasama nina Doug at Chesca Kramer
Image from Team Kramer’s Facebook account
Taong 2008 ng maikasal ang aktres na si Chesca Garcia sa basketball player na si Doug Kramer. Matapos ang 13 taon sila ay makikitang masaya pa ring nagsasama bilang mag-asawa kasama ang mga anak nilang sina Kendra, 12yo, Scarlett, 10 at Gavin, 8yo.
Marami ang humahanga sa pagsasama ng dalawa at nagsasabing swerte sila sa isa’t isa. Pero sa pinakabagong Instagram post ni Chesca sinabi niyang walang swerte pagdating sa pag-aasawa. Hindi rin ito ang dahilan kung paano nila napapanatiling healthy at happy ang marriage nila.
View this post on Instagram
“If you see a married couple still inlove through the years, you may think how lucky they are. But in marital relations, there is no such thing as luck.”
Ito ang bungad ni Chesca sa kaniyang IG post.
Dagdag pa niya, ang mag-asawa ay kailangang magbigayan sa isa’t isa. Kailangan ay matuto rin silang magpatawad. Higit sa lahat ay mag-unawaan lalo na sa panahon ng pagsubok at problema.
“They made many compromises, they overlooked each other’s faults. They forgave many mistakes and endured many problems. And they spent years learning to understand each other.”
“Love has never been a matter of luck. It’s mutual giving, compromise, shared dreams, care, respect, mercy, and patience. (words not mine.)”
Sabi pa niya, ang pagpapanatili ng masaya at maayos na pagsasama ay isang bagay na pinipiling gawin ng mag-asawa.
“At the end of the day, choosing, and loving each other, and making the marriage work is always a choice. ♥️”
Ito ang sabi pa ni Chesca na siyang sikreto sa long-lasting marriage nila ng mister na si Doug Kramer.
Reaksyon ng mga netizens
Image from Team Kramer’s Facebook account
Marami ang sumang-ayon sa pahayag na ito ni Chesca. Ang ilan nga sa mga ito ay ilang celebrities na may pamilya na rin sa ngayon at happy sa buhay may-asawa. Tulad nila Andi Manzano, Kaye Abad, Karel Marquez at Megan Young.
At may ilang netizens rin ang sumang-ayon kay Chesca at nagbahagi ng tips kung paano nila wino-workout ang marriage nila sa kabila ng mga pagsubok sa kanilang pagsasama.
“That’s true.. We don’t have a child.. I dont have that much in life. But whenever I see my husband, I feel like I have enough.
We may fight like cats and dogs over petty things but we don’t go to bed with things unresolved. It takes humility to apologize and courage to forgive but that’s how life is..that’s how love is.”
Ito ang comment ng isang netizen sa post ni Chesca.
Habang ang ilan naman ay nagpasalamat sa ibinahaging ito ni Chesca na talagang kinakailangan umano ng bawat pagsasama.
“I love this, thank you for summing this up, perfect words coming from a perfectly inlove couple.”
BASAHIN:
LOOK: Scarlett Kramer, nagdiwang ng kaniyang 10th birthday!
Doug and Cheska Kramer celebrate 13 years of marriage: “I’d marry you over and over again!”
Cheska at Doug Kramer’s advice sa marriage: Think about your partner
Doug and Chesca Kramer love story
Image from Team Kramer’s Facebook account
Sa pamamagitan pa rin ng Instagram ay ibinahagi ni Doug Kramer ang naging pagsisimula ng pag-iibigan nila ni Chesca. Kuwento niya ay taong 2003 ng magkakilala at una silang mag-date ni Chesca.
Pero hindi agad nauwi sa boyfriend at girlfriend relationship ang mga pagde-date at pagkikita nila. Dahil ilang buwan rin umano ng biglang ini-isnab ni Chesca ang mga text at tawag niya.
Hanggang bigla nalang itong nagtext sa kaniya ng “I miss you” na naging hudyat na ng continuation ng love story nilang nagpapatuloy hanggang ngayon.
“We met around April but Chesca sort of gave herself some space for several months for personal reasons. Avoided me muna, not answering my texts and calls. I was heartbroken.”
“Then suddenly, around August. It’s been months since we spoke. I ‘moved on.’ (not really ?) I painfully deleted her pictures… then suddenly out of the blue, she texted me that she got to watch my Ateneo game on TV.
Then afterwards texted this, ‘I miss you.’ I remember getting so kilig, I left my friends to meet her. Hahaha! The rest is history!”
Ito ang kuwento ni Doug sa naging love story nila Chesca.
October 2008 ng sila ay magpakasal at ni-renew nila ang kanilang wedding vows noong kanilang 10th wedding anniversary nitong 2018.
Source:
Instagram
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!