Chesca Kramer writes a sweet birthday message to her daughter Scarlett. Ayon kay Chesca, si Scarlett ang the most beautiful gift na natanggap niya sa buhay niya.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Chesca Kramer birthday message to daughter Scarlett.
- Gaano ka-thankful si Chesca sa anak na si Scarlett.
Chesca Kramer birthday message to daughter Scarlett
Nagdiwang ng kaniyang 12th birthday ang pangalawang anak nina Doug at Chesca Kramer na si Scarlett ngayong November 28. Sa isang Instagram post ay nagbigay si Chesca ng isang sweet birthday message kay Scarlett na tinawag niya sa second name nitong “Louvelle”.
“Happy birthday, Louvelle! 💕💕💕 My love for you is beyond words. I hope that my daily care, reminders, and affection demonstrate just how much I cherish and love you.”
Ito ang bungad ni Chesca sa birthday message niya para sa anak.
Dagdag pa ng celebrity mom, si Scarlett ang most beautiful at precious gift na natanggap niya sa buhay niya. Ito daw ang nagreremind sa kaniya sa araw-araw kung gaano siya sa ka-blessed. Kaya naman si Chesca talagang naisigaw kung gaano niya kamahal ang anak.
“The most beautiful and precious gift I received from God was the day I brought you into this world. You are a constant reminder of how blessed I am. My prayer is that the Lord continues to bless you every day of your life, and that you find complete joy in Him. My dear Scarlett, I love you too much, and my heart bursts with genuine joy having you in my life. ♥️”
“Mama loves @scarlettkramer forever!!! 😘❤️”
Ito ang sabi pa ni Chesca.
Gaano ka-thankful si Chesca sa anak na si Scarlett
Sa isa sa mga Instagram post ni Chesca ay minsan niya ng ibinahagi kung gaano ka-sweet si Scarlett bilang isang anak. Lalo ng minsang kausapin siya nito tungkol sa kulubot sa kaniyang tiyan at kung paano na-appreciate ito ng anak. Si Chesca gusto na sana itong ipaayos. Pero si Scarlett ito ang sinabi sa kaniya.
Scarlett: “Mommy, I have something to tell you that I have never told you before. Mommy, I don’t want you to have your tummy fixed. I like it that way.”
Cheska: “Even if my tummy is kulubot na?”
Scarlett: “Yes, mommy! It looks beautiful! Don’t have your tummy fixed because it’s a reminder we came from you.”
Larawan mula sa Facebook account ng Team Kramer
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!