Chesca Kramer sa paglaki sa isang broken family: “Your past doesn’t have to define what your future is going to be like”

Si Chesca very grateful sa pamilya nila ngayon ni Doug Kramer.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Chesca Kramer sinabing hindi madaling lumaki sa isang broken family. Sinabing very happy at thankful siya ngayon sa pamilyang binuo nila ng mister niyang si Doug Kramer.

Mababasa dito ang sumusunod:

Chesca Kramer ibinahagi ang nararamdaman na lumaki sa isang broken family

Larawan mula sa Facebook account ng Team Kramer

Sa Instagram ay naging sentimental ang celebrity mom na si Chesca Kramer sa pagbabahagi ng kaniyang family life. Si Chesca ibinahagi ang naging karanasan niya sa paglaki sa isang broken family na sinabi niyang hindi naging madali. Pero paalala ni Chesca sa mga tulad niyang nagmula sa broken family, hindi dapat maging batayan ito ng magiging kinabukasan nila. Bagkus dapat maging motivation pa nila ito para mas ayusin pa ang kanilang buhay.

“Growing up in a broken family is not easy. However, your past doesn’t have to define what your future is going to be like. I believe that God can redeem what was lost; we just need to choose to let it strengthen us instead of breaking us, making us wiser in our decisions.”

Ito ang sabi ni Chesca sa kaniyang post.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pamilya nina Doug Kramer and Chesca Kramer

Larawan mula sa Facebook account ng Team Kramer

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Chesca ibinahagi rin kung gaano siya ka-thankful and blessed sa masayang pamilya nila ngayon ng mister niyang si Doug Kramer. Ayon kay Chesca, ito ang pamilyang ipinagdasal niya. Kaya naman very grateful siya sa mister na si Doug at mga anak niya.

“This is everything I have always hoped for: a quiet, loving, and functional family life. I cherish it deeply and forever grateful for this. 🥰🙏”

Ito ang sabi pa ni Chesca sa kaniyang Instagram post.

Si Chesca Kramer kasama ang happy family nila ngayon ni Doug ay kasalukuyang nasa Palawan. Sila ngayon ay nagdiriwang ng kanilang 21st anniversary bilang magkarelasyon at 16th anniversary bilang mag-asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ng Team Kramer