Chesca Kramer ibinahagi ang homeschooling journey niya sa mga anak.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Chesca Kramer on homeschooling.
- Kendra at Scarlett nag-homeschool din.
Chesca Kramer on homeschooling
Larawan mula sa Facebook account ng Team Kramer
Celebrity mom na si Chesca Kramer ibinahagi ang homeschooling journey niya sa mga anak. Ayon kay Chesca, nitong isang araw niya lang na-realize kung gaano ka-challenging ang paghohomeschool sa mga bata. Ito ay matapos nilang mag-one on one ng anak na si Gavin sa mga subjects nito. Si Chesca ibinahagi ang sikreto para maging successful ang homeschooling para sa mga magulang at kanilang anak.
“I haven’t been consistent with homeschooling Gavin lately. But today, I had the chance to spend the afternoon teaching him again. It hit me once more that patience is key, and God gives us the grace we need on tough days. Still, I feel so blessed to be able to do this with my kids.”
Ito ang pagbabahagi ni Chesca sa Instagram.
View this post on Instagram
Dagdag pa niya, hindi lang para sa mga bata ang development na dulot ng homeschooling. Ito ay para rin sa mga magulang. Magandang paraan rin ito para makapag-spend ng quality time ang mag-ina o mag-ama.
“Homeschooling is truly character-building for both parent and child. It’s not just hard work; it’s a lot of heart work too. ♥️”
Ito ang sabi pa ni Chesca.
Kendra at Scarlett nag-homeschool din
Ang dalawang anak ni Chesca na sina Kendra at Scarlett ay parehong nag-homeschool rin. Si Kendra apat na taon ring nag-homeschool at kalian lang bumalik sa regular school nang siya ay Grade 8 na. Ayon kay Doug at Chesca, binalik nila sa regular school si Kendra ng makita nilang ito ay ready na.
“Before deciding to bring her back in, @chekakramer and I felt she was ready in all aspects. She’s a hard worker, responsible, studious, and God-fearing child. An example she has collectively shown to Scarlett and Gavin. It’s so important as an older sister to set an example to her younger siblings, they follow her actions.”
Ito ang sabi pa noon ni Doug sa pagbabalik regular school ni Kendra at pagiging good example nito sa kaniyang mga kapatid.
Larawan mula sa Facebook account ng Team Kramer
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!