Chesca Kramer naging emotional sa pagdadalaga ng anak na si Kendra: “This once chubby baby is now becoming her own lady.”

Mula sa cute na baby na kinaaliwan sa social media, si Kendra magha-highschool na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Chesca Kramer may mensahe sa anak na si Kendra Kramer na maghihighschool na. Celebrity mom naging emosyonal sa mabilis na pagdadalaga ng anak.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Mensahe ni Chesca Kramer sa anak niyang si Kendra Kramer.
  • Chesca umaming naging emosyonal sa pagdadalaga ng panganay na anak.

Mensahe ni Chesca Kramer sa anak niyang si Kendra Kramer

Larawan mula sa Facebook account ng Team Kramer

Sa Instagram ay ibinahagi ng celebrity mom na si Chesca Garcia ang pinakalatest na mga larawan ng panganay niyang anak na si Kendra. Si Kendra malapit ng matapos sa kaniyang middle school at magha-highschool na.

Tulad ng ibang ina si Chesca, hindi makapaniwala sa mabilis na pagdadalaga ng anak. Ang celebrity mom may sweet na mensaheng inalay sa panganay niyang anak.

“Time has no mercy… I blinked and suddenly she is all grown. This once chubby baby is now becoming her own lady.”

Ito ang bungad ni Chesca sa kaniyang mensahe.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Chesca umaming naging emosyonal sa pagdadalaga ng panganay na anak

Larawan mula sa Facebook account ng Team Kramer

Pag-amin pa ni Chesca, naging super emotional siya sa mabilis na pagdadalaga ni Kendra. Umiyak nga daw siya ng ilang araw ng unang mawalay ang anak sa kaniya ng matagal para sa isang school trip. Ganoon rin ng unang mag-overnight ito para sa isang retreat. Halos hindi daw siya makatulog at nagmamadaling mag-umaga para makauwi na ang anak niya. Saad pa ni Chesca, hindi pa siya handa na makitang unti-unti ng nagiging independent at isa ng dalaga si Kendra.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa nalalapit na pagha-highschool ni Kendra ay mixed emotions din si Chesca. Lalo pa’t si Kendra pa daw ang simula at may Scarlet at Gavin pa siyang mabilis rin ang paglaki at nagiging binata’t dalaga na. Magkaganoon man si Chesca may mensahe sa anak na si Kendra.

“Now that you’re bidding your last 2 weeks of middle school goodbye for high-school. I can’t help but hold you a bit longer, hold you a bit tighter and soak all the great things about having you as my daughter. You’re surely growing up but in mommy’s eyes you will always be my baby. Pls don’t be a moody teenager who gets annoyed easily.”

Ito ang sabi pa ng celebrity mom.

Larawan mula sa Facebook account ng Team Kramer

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement