Child custody laws in the Philippines, ang mga mahahalagang impormasyong dapat malaman ng mga single parents.
Sa pag-aaruga at pagpapalaki ng mga anak, mahalaga na nariyan ang mga magulang bilang kanilang gabay. Ngunit paano kung piliing maghiwalay ng mga magulang dahil sa iba’t ibang dahilan?
Kaakibat ng child’s custody ay ang mga isyu at kaso tulad ng divorce, sa Pilipinas, ay legal separation. Dahil, nakataya sa hiwalayan ng magulang ang magiging kahihitnan ng kanilang mga anak. Sino ang may karapatan sa kustodiya ng mga bata? Ano ang mga dapat matamasa ng mga bata kapag naghiwalay ang mga magulang?
Kung gayon, ang child’s custody o kustodiya ng bata, sa tulong ng child custody laws in the Philippines, ay proteksyon ng mga anak. Narito ang mga dapat nating malaman sa child’s custody tulad ng mga tanong na kanino mapupunta ang bata pag naghiwalay ang magulang na hindi kasal.
Talaan ng Nilalaman
Ano ang child’s custody?
Ang child’s custody ay tumutukoy sa mga karapatan at responsibilidad sa pagitan ng magulang kapag sila ay naghiwalay. Nakatuon din ang kustodiya ng bata sa tungkulin ng mga magulang sa pangangalaga sa mga anak.
Sa ganitong sitwasyon, kailangang mapagdesisyon ng naghiwalay na magulang kung kaninong kustodiya mapupunta ang mga bata.
Dagdag pa, kapag napagdesisyon ang kustodiya, paano ang magiging visitation o ang pagkakaroon ng panahon na makasama ng isa sa magulang ang mga anak.
Sa batas ng kustodiya ng mga bata o child custody laws in the Philippines, maaaring magkaroon ito ng dalawang uri.
Uri ng kustodiya ayon sa batas para sa kustodiya ng bata
Ayon sa batas para sa kustodiya ng bata, may dalawang uri ng child’s custody:
-
Legal custody o kustodiyang ligal
Sa kustodiyang ligal, idinidiin kung sino ang may karapatan sa mga mahahalagang pagpapasya sa mga bata o anak. Maaari itong maging joint custody o sole custody.
Sa joint custody, maaaring magkaroon ng pagbabahaginan o sharing ang dalawang magulang sa karapatan at responsibilidad upang magdesisyon para sa mga bata. Lalo na sa mga bagay tulad ng kalusugan, edukasyon, at kainaman ng mga bata.
Samantala, sa sole custody naman, iisa lamang sa dalawang magulang ang may karapatan at responsibilidad na magdesisyon sa lahat aspekto para sa mga bata.
-
Physical custody o kustodiyang pisikal
Ang physical custody naman, sa kabilang banda, ay nakatuon sa kung kanino mapupunta ang bata pag naghiwalay ang mga magulang.
Maaaring ang physical custody ay maging joint o sole. Sa joint custody, maaaring manirahan ang mga bata sa parehong magulang at sa sole custody naman ay mas maninirahan ang mga bata sa isa sa mga magulang. Sa sole custody, dagdag pa, ay bibisita lamang ang mga bata sa isang magulang na hindi nagwagi sa kustodiya sa bata.
Pero, hindi ibig sabihin na sa joint custody, ay literal na mahahati ang oras ng mga bata sa paninirahan sa dalawang magulang. Kadalasan, maaaring magtagal ang mga bata sa paninirahan sa isa sa mga magulang dahil mahirap hatiin ang oras nang eksakto sa inaasahan.
Kadalasan, ang magulang kung saan mas naninirahan ng mas matagal ang mga anak ay tinatawag na primary custodial parent.
Sa ilang kaso, minsan, maaaring bigyan ng judge ang parehong magulang ng joint legal custody, pero hindi ng joint physical custody. Ibig sabihin, may karapatan at responsibilidad ang mga magulang sa mga importanteng desisyon para sa mga bata. Pero, mas maninirahan ang mga bata sa kustodiya ng isa sa mga magulang lamang.
Kung gayon, ang isa sa magulang na walang kustodiyang physical sa mga bata ay kailangang mag-visitation.
Child custody law in the Philippines
Sa bawat pamilyang nasisira ang pinaka-unang apektado ay ang mga bata. Isa nga sa madalas na nagiging pangunahing problema ay kung kaninong poder mapupunta ang pangangalaga sa kanila.
Pati na ang kung sinong dapat mag-susustento sa pangangailangan nila sa oras na ganap nang maghiwalay ang kanilang mga magulang.
Kanino dapat mapunta ang kustodiya ng bata pag naghiwalay mga magulang niya na hindi kasal?
Ayon sa Article 213 ng Family Code of the Philippines, sa oras na maghiwalay ang isang mag-asawa o magulang, kasal man o hindi, ay hindi dapat ilayo sa kustodiya ng ina ang isang bata na may edad na 7 pababa. Maliban na lang sa mga compelling reasons na nagsasabing ang ina ng bata ay “unfit” upang alagaan ang kanyang anak.
Ang mga compelling reasons na ito ay ang sumusunod:
- Pabaya sa kanyang anak.
- Tuluyan nang inabandona ang kanyang anak.
- Walang trabaho at may ginagawang immoral.
- Lasinggera o laging nag-iinom ng alak.
- Napatunayang gumagamit ng droga o adik sa pinagbabawal na gamot.
- Wala sa matinong kaisipan.
- May taglay na malubhang sakit.
Ngunit kung wala namang dahilan upang mawalan ng karapatan ang ina na alagaan ang kanyang anak ay awtomatiko itong mapupunta sa kanya. Lalo na sa kaso ng mga single mothers o hindi legal na ikinasal sa ama ng kanilang anak.
Sila ay may solo parental authority sa kanilang anak. Bagama’t hindi naman nawawalan ng karapatan ang ama ng bata. At maaari niya pa ring makita o makasama ang kanyang anak kung nanaisin niya.
Paano kung nagpumilit ang ama ng illegitimate child na kunin siya?
Dahil nakasaad sa batas na ang buong parental authority ng isang illegitimate child ay nasa kanyang ina, maaaring maharap sa kaso ang ama ng bata kung gagawin niya ito.
Maaaring magsampa ng civil o criminal case ang ina ng bata sa ilalim ng Republic Act No. 9262 o mas kilala sa tawag na “The Anti-Violence Act Against Women and Children.”
Dito ay maaari siyang makulong ng 6 na buwan hanggang 6 na taon kung mapatunayang guilty. Dagdag pa ang pagbabayad sa multa ng hindi bababa sa P100,000.00 at hihigit sa P300,000.00.
O kaya naman ay maaari niyang kasuhan ito ng kidnapping charges sa ilalim ng Revised Penal Code of the Philippines. Dito ay maaari naman siyang makulong ng 12 taon hanggang 20 taon.
Ngunit sa ganitong pagkakataon ay makakabuting idaan pa rin sa maayos na pag-uusap ang tungkol sa pangangalaga sa bata. Dahil higit sa interes ninyong mga magulang ay mas mahalaga ang kapakanan ng inyong anak.
Sino ang dapat sumuporta sa pangangailangan ng isang illegitimate child?
Pagdating sa pagbibigay suporta sa isang bata, ito ay dapat hatiin ng kanyang ama at ina.
Sa kaso ng illegitimate child, bagama’t ang buong parental authority ay napupunta sa kanyang ina ay maaari pa rin siyang mag-demand ng financial support mula sa kanyang ama.
Una, ay dapat kilalanin muna ang bata na illegitimate child ng kanyang ama. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagpirma sa Admission of Paternity na naka-attach sa birth certificate ng bata.
Ngunit sa oras na hindi pumayag ang ama ng bata ay maari na itong dalhin sa husgado ng ina. Dito ay hihilinging mapatunayan ang paternity ng bata at kaniyang ama sa pamamagitan ng DNA test.
Halaga ng ibinibigay na suporta
Sa oras na kinilala na ang bata na illegitimate child ng kanyang ama ay maari na siyang mag-demand ng suporta mula dito. At ang suportang ibibigay sa kaniya ay walang fixed percentage. Ang halaga nito ay maaaring mabago at nakadepende sa pangangailangan ng bata. Pati na sa pagkukunan o source of income ng kanyang ama.
Ang hihilinging suporta ng bata mula sa kanyang ama ay dapat mapunta sa kanyang pagkain, damit, medical needs, education at sa iba pang basic needs.
Sa oras na walang mapagkukunan o walang kakayahang magbigay ng suporta ang ama ng bata, ang obligasyon ay maaring maipasa sa kanyang pamilya. Tulad ng lolo, lola o sa tiyo o tiya ng illegitimate child sa side ng kanyang ama.
Ano ang maaaring gawin kung hindi magbibigay ng suporta ang ama ng illegitimate child?
Kung sakaling sa kabila ng naganap na pag-uusap sa pagitan ng ina at ama ng illegitimate child ay hindi pa rin ito nagbigay ng suporta, at ito ay napatunayang may trabaho at kakayahan ay maaari na siyang kasuhan.
Sa ilalim parin ng RA 9262 Section 5, ang hindi pagsuporta ng isang ama sa pangangailangan ng kanyang anak ay itinuturing na criminal offense. At base sa section 6 ng parehong batas ay maaring maharap sa pagkakabilanggo ng mula 6 na buwan hanggang 6 na taon ang amang makakagawa nito.
Bagama’t komplikado kung iisipin ang Child custody law in the Philippines ay simple lang. At ito ay mas madali at lubos mong maiintindihan sa pamamagitan ng tulong ng isang abogado. Dahil ang mga impormasyon mula sa artikulong ito ay gabay lang at naglalayon lang magbigay ng kaunting ideya at impormasyon ukol sa isyu.
Dagdag na impormasyon mula kay Nathanielle Torre
LawPhil, Chan Robles Law, Law Phil, Lawyer Philippines, Attorney of the Philippines, Philippine Legal Form, Courts CA, E-Lawyers Online, Duran Schulze, Alaska Law Help
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.