Bakit nga ba mahalaga na bilang magulang ay ma-preserve mo ang early childhood memories ng iyong anak?

Narito ang paliwanag ng siyensa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Childhood amnesia, ito ang itinuturong dahilan kung bakit hindi naalala ng mga bata ang kanilang early childhood years. Bilang magulang, paano mo ba ma-prepreserve ang happy memories ng iyong anak noong siya ay maliit pa.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Ano ang childhood amnesia.
  • Paano mapepreserve ang happy memories ng iyong anak.

Ano ang childhood amnesia?

Larawan mula sa Unsplash

Ayon sa science, ang childhood amnesia ang dahilan kung bakit hindi natin naalala ang ating mga karanasan noong tayo ay maliliit na bata pa. Partikular umanong nararanasan ito ng mga batang edad isa hanggang tatlong taon.

Isa sa sinasabing dahilan kung bakit ito nangyayari ay ang hindi pa well-developed na brain o utak. Sa unang dalawang taon ng buhay ay patuloy parin ang pagmamature ng utak particular na ang parte na kung saan nagfoform ang ating memories. Hindi parin kaya nito na mag-process ng impormasyon. Dagdag pa na hindi pa marunong magsalita ang isang bata sa ganitong edad. At ang language ang isa sa sinasabing factor sa pag-develop ng memory.

Ang mga maliliit na bata, hindi tulad ng matatanda ay hindi parin alam ang konsepto ng mga memories o alaala. Kaya naman hindi pa nila alam kung paano i-record ang mga happy memories na mayroon sila. Dito pumapasok ang mahalagang role ng mga magulang na i-preserve ang memories ng kanilang mga anak. Lalong-lalo na sa unang tatlong taon ng kanilang buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Unsplash

Paano mapepreserve ang happy memories ng iyong anak

Pero paano nga ma-preserve ang memories ng iyong anak? May ilang paraan kang maaring gawin para masigurong maibabalik o maipapakita mo sa kanila ang early childhood memories na mayroon sila. Maari mo itong gawin sa pamamagitan ng pagkuha ng mga videos at larawan. Saka ito itabi, i-file o gawan ng journal.

Makakatulong rin na i-kuwento o i-narrate sa iyong anak ang mga nangyari noong siya ay baby o maliit pa. Pero tandaan mas makakatulong sa magandang development niya ang mga happy memories na napagdaanan niya. Bagamat isaalang-alang rin na dapat niyang maintindihan ang mga traumas na mayroon siya ngayon na maaring dala ng mga negative experiences niya noon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Unsplash

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement