X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

STUDY: Epekto ng childhood trauma ay pwedeng umabot hanggang pagtanda

3 min read
STUDY: Epekto ng childhood trauma ay pwedeng umabot hanggang pagtanda

Ayon sa pag-aaral, may epekto ang childhood development natin sa ating pagtanda. Kung gayon, posible ring magkaroon ng epekto ang trauma ng pagkabata sa ating pagtanda.

May pagkakataon bang nakakaranas kang gumawa ng mga maling desisyon sa buhay? Nagkakaroon ka ba ng toxic relationship at madalas mong itanong kung ikaw ba ang naging toxic o hindi? Maaaring epekto ito ng nangyari sa atin mula sa pagkabata na hindi mabubura kahit sa edad ng ating pagtanda.

epekto ng trauma pagtanda - bata na nakaranas ng trauma

Imahe mula sa | pexels.com

Epekto ng trauma sa pagtanda

Sabi ng isang German psychoanalyst na si Freud, alinmang kaganapan at desire sa ating pagtanda ay puwede nating i-trace back sa mga development at pangyayari sa ating pagkabata. Batay ito sa kanyang ipinakilalang kaalaman na Pyschosexual theory. Ginagamit pa rin ito ng maraming psychiatrist at nag-aaral ng pyschology.

Kung gayon, hindi hiwalay ang usapin ng epekto ng trauma ng ating childhood stage sa ating function pagtanda. Sinabi Psychology Today na ang childhood trauma ay pwedeng maging chronic, at nagma-manifest hanggang sa ating pagtanda.

Ang mga survivor ng trauma ay maaaring makaramdam ng guilt sa kanilang sa sarili. Ito rin ay guilt sa alinmang nai-survive nila. Posibleng lumitaw ang mga sintomas nito mula sa emotional, psychological, at pisikal na aspekto.

Dagdag pa, sa pag-function natin sa adulthood, nagkakaroon ng traces ang childhood trauma na ito. Mula sa childhood development at paano natin itinago at nilimot ang nangyari.

Pero, lilitaw ang sintomas nito mula sa maling pagtrato sa sarili, maling desisyon sa pagpili ng kaibigan, hanggang sa toxic na relasyon.

epekto ng trauma pagtanda - biglaang reaksyon ng bata kaugnay sa trauma

Imahe mula sa | pexels.com

Childhood development trauma at kaakibat na pattern nito sa pagtanda

Narito ang ilan sa mga pattern na maaaring makita sa pagtanda na may kasaysayan ng childhood trauma.

epekto ng trauma pagtanda - pattern ng childhood trauma pagtanda

Imahe mula sa | pexels.com

Misdiagnosis at comorbidity

Anxiety at depression ang kadalasang epekto sa pagtanda kung may history ng chronic childhood trauma. Ang iba ay pwedeng mabigyan ng maling diagnosis, samantalang ang iba ay pwedeng magkaroon ng comorbid na diagnosis.

Chronic pain

Isa rin sa mga nakita sa pag-aaral na ang mga taong nakaranas ng physical abuse sa pagkabata ay madalas nakakaramdam ng chronic pain. Ang mga karamdamang ito ay tulad ng back at neck pain, headache, maging rheumatoid arthritis.

Tandaan

Kaya naman bilang maging magulang dapat tayong maging maingat sa ating mga anak. Upang maiwasan na makaranas siya ng trauma sa kaniyang childhood sapagkat maaari itong makaapekto sa kaniyang pagtanda. 

 

Partner Stories
Nourishing Language Development with Promil Gold
Nourishing Language Development with Promil Gold
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin

Pyschology Today

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Nathanielle Torre

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Mental Health
  • /
  • STUDY: Epekto ng childhood trauma ay pwedeng umabot hanggang pagtanda
Share:
  • Award-Winning for a Reason: Why Pampers Was Voted Best Value for Money in Diaper Brand

    Award-Winning for a Reason: Why Pampers Was Voted Best Value for Money in Diaper Brand

  • “Hindi Mo Kailangan Maging Cheap Para Maging Muse”: What Moms Should Teach Their Daughters About Class and Confidence

    “Hindi Mo Kailangan Maging Cheap Para Maging Muse”: What Moms Should Teach Their Daughters About Class and Confidence

  • Top Math Tutorial Centers for Kids in the Philippines (2025 Guide)

    Top Math Tutorial Centers for Kids in the Philippines (2025 Guide)

  • Award-Winning for a Reason: Why Pampers Was Voted Best Value for Money in Diaper Brand

    Award-Winning for a Reason: Why Pampers Was Voted Best Value for Money in Diaper Brand

  • “Hindi Mo Kailangan Maging Cheap Para Maging Muse”: What Moms Should Teach Their Daughters About Class and Confidence

    “Hindi Mo Kailangan Maging Cheap Para Maging Muse”: What Moms Should Teach Their Daughters About Class and Confidence

  • Top Math Tutorial Centers for Kids in the Philippines (2025 Guide)

    Top Math Tutorial Centers for Kids in the Philippines (2025 Guide)

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko