TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Chinese New Year 2024 dineklarang holiday ng Palasyo

2 min read
Chinese New Year 2024 dineklarang holiday ng Palasyo

Idineklara ng Palasyo na special non-working holiday ang Chinese New Year 2024. Mula Pebrero 9 hanggang 10 ay holiday sa buong bansa.

Inanunsyo na ng Palasyo noong Enero na holiday ang pagdiriwang ng Chinese New Year sa February 9, 2024. Ito ay bilang pagbibigay ng mas mahabang weekend para sa mga magsisipagdiwang ng Chinese New Year sa bansa.

Chinese New Year 2024, special non-working holiday

Idineklara sa Proclamation No. 453 na inisyu ng Malacañang na ang February 9, 2024 ay special non-working holiday sa buong bansa. Ito ay bilang dagdag na selebrasyon ng Chinese New Year.  Ang proklamasyon ay nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos at Executive Secretary Lucas Bersamin noong January 18, 2024.

chinese new year 2024 holiday

Larawan mula sa Shutterstock

“The declaration of 09 February 2024, Friday, as an additional special non-working day throughout the country will give the people the full opportunity to celebrate the Chinese New Year and enable our countrymen to avail of the benefits of a longer weekend,” nakasaad sa proclamation.

Nagbibigay direktiba ang proklamasyon na ito sa Department of Labor and Employment (DOLE) na ipatupad ito sa private sector o para sa mga nagtratrabaho sa mga pribadong kompanya.

Ayon naman sa Proclamation No. 368 na nilagdaan noong October 11, 2023, dineklara na ring special non-working day sa buong bansa ang February 10, 2024 o ang mismong araw ng Chinese New Year.

chinese new year 2024 holiday

Larawan mula sa Shutterstock

Kaya naman mula February 9 hanggang February 10, 2024 ay special non-working day. Mahaba-habang weekend para sa mga Pinoy na magdiriwang ng Chinese New Year.

Pagkakaiba ng “special non-working day” at regular holiday?

Kapag ang empleyado ay hindi nagtrabaho sa araw ng regular holiday, entitled pa rin siya sa 100% ng kaniyang arawang sahod. Kung magtratrabaho naman siya sa araw na ito, doble ng kaniyang sahod ang kaniyang makukuha.

chinese new year 2024 holiday

Larawan mula sa Shutterstock

Samantala, kapag special non-working day naman, ipinatutupad ang “no work, no pay” principle. Kung saan ang isang empleyado ay maaaring hindi pumasok sa kanilang trabaho sa araw ng special non-working day. Pero hindi rin siya makatatanggap ng arawang sweldo kung hindi siya magtratrabaho. Kung papasok naman sa trabaho ang empleyado sa araw na ito, entitled siya sa additional compensation na 30% ng kaniyang regular daily wage.

Presidential Communications Office

Partner Stories
AlphaMom's Guide to Raising Fast-Thinking AlphaKids
AlphaMom's Guide to Raising Fast-Thinking AlphaKids
Build Your Children’s Confidence at Home in 5 Simple Steps
Build Your Children’s Confidence at Home in 5 Simple Steps
Give your business and products a creative and stylish look with Brother labelers
Give your business and products a creative and stylish look with Brother labelers
Nakakabahalang Stretch Mark Habang Nagbubuntis: Ano Ang Mabisang Pangtanggal Ng Stretch Mark?
Nakakabahalang Stretch Mark Habang Nagbubuntis: Ano Ang Mabisang Pangtanggal Ng Stretch Mark?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Balita
  • /
  • Chinese New Year 2024 dineklarang holiday ng Palasyo
Share:
  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko