Chinese zodiac 2025, alamin ang prediction ng feng shui sa iyong magiging kapalaran ngayong taon.
Chinese Zodiac 2025: Mga prediksyon sa iyong kapalaran ngayong taon

Ngayong 2025 ay tinatahak natin ang taon ng Wood Snake. Ayon sa mga feng shui experts, ang taon na ito ay nangangako ng pagbabago, pagmumuni-muni, at matatag na pag-unlad.
Sa taong ito, ang ahas ay pinagsama sa elemento ng wood o kahoy. Kaya naman ang taon na ito ay puno ng matalinong desisyon, pag-iwas sa pagmamadali, at pag-grab sa mga oportunidad na may pag-iingat. Pero dapat manatili paring positibo ang pananaw.
Narito ang mga prediksyon para sa bawat Chinese zodiac signs, kasama ang kanilang mga kaukulang taon ng kapanganakan, at kung ano ang maaaring asahan sa pag-ibig, pera, karera, kalusugan, at buhay pamilya.
-
Rat (Daga)
Mga Taon ng Kapanganakan: 1924, 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008
Pag-ibig
Para sa mga ipinanganak ng Year of The Rat at single, mataas ang posibilidad na magkaroon ng romantic relationship ngayong taon. Ito ay matatagpuan sa mga taong may kapareho mong intelektwal an interes at pananaw. Sa may mga ka-relasyon naman, mas lalalim ang pag-ibig ninyo ng iyong kapareho.
Pera
Magandang taon ito para sa matatag na pamumuhunan at maingat na pagpaplano ng pananalapi. Iwasan ang mga padalus-dalos na desisyon at pagsusugal.
Career
Ang tagumpay sa career ay makakamtan sa pamamagitan ng disiplina at strategic na pag-iisip. Magkakaroon ng mga bagong oportunidad, ngunit kailangan ng maingat na pagpaplano at pag-iwas sa mga mabilisang hakbang.
Kalusugan
Pag-ingatan ang iyong mental health. Ang stress at pagkabahala ay maaaring makaapekto sa iyong kalusugan. Mainam na magsanay ng mga relaxation techniques gaya ng yoga o meditasyon.
Pamilya
Ang buhay pamilya ay magiging harmonioso, ngunit may mga maliliit na hindi pagkakaunawaan na maaaring mangyari. Mahalaga ang malinaw na komunikasyon upang mapanatili ang kapayapaan sa bahay.

-
Ox (Baka)
Mga Taon ng Kapanganakan: 1925, 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009
Pag-ibig
Ang mga ipinganak sa Year of The Ox ay ay makakaranas ng matatag na relasyon ngayong taon. Ang mga single na ox ay maaaring makatagpo ng isang tao sa pamamagitan ng mga koneksyon sa pamilya o komunidad. Para sa mga may relasyon, ang taon ay magdudulot ng kapayapaan at balance sa buhay.
Pera
Positibo ang pananaw sa pananalapi, basta’t patuloy na magtatrabaho nang masigasig at disiplinado. Magkakaroon ng mga pagkakataon para sa pag-unlad sa hinaharap.
Career
Ang iyong career ngayong taon ng Wood Snake ay dahan-dahang aangat. Magfocus sa pag-iimprove ng iyong kasanayan at paggawa ng maingat na desisyon.
Kalusugan
Kailangan ng kaunting pag-aalaga sa kalusugan. Pagtuunan ng pansin ang pag-iwas sa stress at pagpapahinga. Mahalaga rin ang regular na ehersisyo.
Pamilya
Magiging positibo ang buhay pamilya, ngunit maaaring kailanganin ang balanseng oras sa pagitan ng trabaho at pamilya. Siguraduhing may oras para sa mga mahal sa buhay.
-
Tiger (Tigre)
Mga Taon ng Kapanganakan: 1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010
Pag-ibig
Ang mga Tigre ay makakaranas ng mainit na buhay pag-ibig. Ang mga single ay maaaring makatagpo ng isang tao na pupuno ng pagmamahal sa kanilang buhay. Ngunit kailangang mag-ingat sa mga impulsibong aksyon.
Pera
Maaaring magkaroon ng hindi inaasahang paggalaw sa pananalapi. Ang mga Tigre ay dapat mag-ingat sa mga malalaking panganib sa pananalapi at magfocus sa pagpapalago nito na sigurado.
Career
Ang mga oportunidad sa career ay darating, ngunit kailangan ng mga Tigre na maging maingat at hindi magmadali. Ang strategic na pag-iisip at pagpaplano ay magdadala ng tagumpay.
Kalusugan
Ang mental health ay isang aspeto na dapat bigyang pansin. Makikinabang ang mga Tigre mula sa pisikal na aktibidad at mindfulness upang mabawasan ang stress.
Pamilya
Maaaring magkaroon ng ilang mga isyu sa pamilya. Siguraduhing maglaan ng oras para sa pamilya at mag-isip bago magsalita upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan.
-
Rabbit (Kuneho)
Mga Taon ng Kapanganakan: 1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011
Pag-ibig
Makakaranas ng kapayapaan at kasiyahan sa relasyon ang mga Kuneho. Ang mga single ay maaaring makatagpo ng isang partner na may katulad na mga prinsipyo at pananaw sa buhay.

Pera
Magandang taon ito para sa pag-iimpok at pagpaplano ng pangmatagalang negosyo. Iwasan ang mga magagarbong paggastos.
Career
Magandang taon para sa mga Kuneho na magpatuloy sa pagpapabuti ng kanilang mga kasanayan at magtrabaho nang matiyaga para sa hinaharap.
Kalusugan
Ang kalusugan ay magiging malakas. Ngunit kailangan ng oras para sa self-care at pagpapahinga upang maiwasan ang burnout.
Pamilya
Ang buhay pamilya ay magiging stable at harmonioso. Ngunit kailangan ang balanseng oras para sa personal na buhay at pamilya.
-
5. Dragon (Dragon)
Mga Taon ng Kapanganakan: 1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012
Pag-ibig
Ang mga Dragon ay makakaranas ng matinding emosyonal na koneksyon sa kanilang mga relasyon. Ang mga single ay maaaring makatagpo ng isang mapagmahal at kaakit-akit na partner.
Pera
Magandang taon ito para sa pagpapalago ng pananalapi. Ngunit mag-ingat sa mga malalaking panganib sa mga pamumuhunan.
Career
Ang mga Dragon ay magtatagumpay sa mga malikhaing posisyon o liderato. Magandang taon para mag-focus sa pagpapabuti ng kasanayan at pagpaplano.
Kalusugan
Magandang kalusugan, ngunit kinakailangan ang pahinga upang hindi ma-overwork. Maglaan ng oras para sa relaxation at pisikal na aktibidad.
Pamilya
Ang buhay pamilya ay magiging masaya at puno ng suporta. Panatilihing balansyado ang oras para sa pamilya at personal na buhay.
-
Snake (Ahas)
Mga Taon ng Kapanganakan: 1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013
Pag-ibig
Ang mga snake ay mas magkakaroon ng malalim na relasyon sa ka-relasyon. Ang mga single ay maaaring makatagpo ng mga koneksyon na puno ng tiwala at intimacy.
Pera
Ang taong 2025 ay magbibigay ng pagkakataon para sa matatag na pag-unlad sa pananalapi. Mag-focus sa mga pamumuhunan na may pangmatagalang benepisyo.
Career
Sa pamamagitan ng matalinong pagpaplano, makikita ang progreso sa career. Magkaroon ng maingat na mga hakbang at mag-focus sa pagpapabuti ng mga kasanayan o skills.
Kalusugan
Ang mental health ay magiging mahalaga. Ang mga Snake ay makikinabang mula sa introspeksyon at mga praktis tulad ng meditation at mindfulness.
Pamilya
Ang pamilya ay magiging supportive, ngunit kakailanganin ng mga Snake ang personal na espasyo upang magmuni-muni at mapanatili ang balanse sa kanilang buhay.
Sundan ang mga prediksyon sa iba pang zodiac signs sa susunod sa Part 2 ng artikulong ito.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!