Chito Miranda: “Mas excited ako umuwi at sumiksik sa kilikili ng asawa ko kahit tulog na sya pag-uwi ko.❤️”

Mga mommy netizens napa-sana all nalang!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Chito Miranda ibinahagi kung paano niya pinapriority ang marriage nila ng misis niyang si Neri Naig pati narin ang kanilang pamilya. Mapapa-sana all ka nalang talaga!

Mababasa dito ang sumusunod:

Chito Miranda priority ang marriage at pamilya kesa barkada

Larawan mula sa Facebook account ni Chito Miranda

Muli na namang pinahanga ng band vocalist na si Chito Miranda ang kaniyang mga fans at followers sa Instagram. Dahil si Chito nag-post ng selfie ng kaniyang misis na si Neri. Maliban sa hindi kumukupas na ganda ng aktres, mas pumukaw sa atensyon ng mga netizens ang caption ng post ni Chito. Dito ay ikinuwento niya kung paano niya mas pinapriotize ang oras na makasama ang kaniyang pamilya.

“Nagpadala ng selfie sa akin yung asawa ko, asking kung uwi ba daw ako tonight (kasi may gig kami).”

“Sa totoo, nagyayaya mga kabanda ko (si Dar and Drew) tumabay at uminom at mag-swimming after ng gig..”

Ito ang bahagi ng post ni Chito.

Dagdag pa ni Chito, gusto niya rin sanang makasama ang barkada niya. Lalo pa’t sobrang enjoy naman daw talagang makasama ang mga ito. Pero gaano man ka-tempting ang magliwaliw kasama ang barkada, si Chito mas excited parin daw umuwi at makatabi ang kaniyang misis na si Neri.

“Kahit sobrang tempting (sobrang enjoy naman kasi talaga katambay mga kabanda ko), sa totoo, mas excited ako umuwi at sumiksik sa kilikili ng asawa ko kahit tulog na sya pag-uwi ko.❤️”

Ito ang sabi pa ni Chito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Chito Miranda

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Reaksyon ng mga netizens

Ang mga mommy netizens napasana-all nalang sa post na ito ni Chito. Dahil bibihira na daw ang ganitong lalaki sa ngayon. Ito ang ilan sa reaksyon nila.

“Grabeeee ang tamis! sana all ganito yung laging excited umuwi sa asawa at napakaappreciative!❤️❤️❤️”

“Pahinging isang chito po. 😍”

“Sana all na lang. ❤️ Bibihira yung ganitong asawa.”

Larawan mula sa Instagram account ni Chito Miranda

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement