TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Chito Miranda: "I've always been reckless and aminado ako na gago ako dati, but Neri never asked me to change."

3 min read
Chito Miranda: "I've always been reckless and aminado ako na gago ako dati, but Neri never asked me to change."

Alamin kung anu-ano ang mga sinabi ng Parkoya ni Edgar frontman na si Chito Miranda sa kaniyang appreciation post para sa asawang si Neri Naig.

Almost five years na ngang kasal ang mag-asawang si Chito Miranda at Neri Naig. Sa haba na rin ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa mayroon na rin silang dalawang taong gulang na anak na pinangalanan nilang Alfonso.

Appreciation post

Madalas namang nagde-dedicate ng appreciation post ang frontman ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda sa asawang si Neri Naig. Pero nitong Lunes ng ika-29 ng Hulyo, nag-upload ng isang solo picture si Chito ng kaniyang misis upang i-express na naman ang kaniyang pagmamahal, pasasalamat, at kung gaano siya ka-suwerte na asawa niya ito.

Pauna niyang sinabi sa kaniyang post, “Asawa ko yan. Parang joke diba? Akalain mong patay na patay sa akin ‘tong magandang babae na ‘to?! Kahit ako hindi makapaniwala eh hehe!”

“Una, hindi naman ako pogi. Pangalawa, mas successful naman siya kesa sa akin. Mabisa lang talaga siguro yung gayuma na ginamit ko at sobrang tibay ng helmet na suot nya hahaha,” pagpapatuloy ng OPM rock icon.

Dagdag pa niya, “Palagi syang nakasiksik sa akin na parang bata. Sya pa yung nagagalit pag hindi mahaba yung paghalik ko sa kanya tuwing aalis ako. Ayaw na ayaw nya na smack lang hehe!”

Aniya rin, “Gusto nya sobrang spoiled at todo alaga ako sa kanya. Gusto nya palaging nakahanda na yung breakfast ko pagkagising ko and she let’s me sleep as long as I want kahit madalas maaga magising si Miggy.”

“Tulad ngayon, after eating, gusto nya humiga at magpahinga lang ako sa kwarto at manood ng tv instead na tulungan sya magligpit sa baba kasi makakagulo lang daw ako, at dahil may gig pa daw ako mamaya hehe,” halimbawa ni Chito.

Masaya niyang kwento, “She makes sure na hassle-free ang buhay ko at ayaw na ayaw nya na nase-stress ako. She makes sure that I always drink my vitamins. VITAMINS ha! Hindi maintenance. Wala pa akong maintenance.”

“I’ve never been this healthy and relaxed my whole adult life. Steady, happy, and content,” ani Chito.

Sa huli sambit niya, “I’ve always been reckless and aminado ako na gago ako dati, but Neri never asked me to change. She just gave me a reason na magpakatino kasi ayoko masayang kung ang meron kami ngayon.”

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr) on Jul 28, 2019 at 11:10pm PDT

Paunang surpresa ni Chito

Nagkaroon ng pauna ngang surpresa si Chito Miranda para sa actress-entrepreneur na si Neri Naig nitong ika-28 ng Hulyo, Linggo.

Pagkauwi nga ni Chito galing trabaho nagdala ito ng bulaklak para sa asawa.

Masaya ngang ibinalita ni Neri sa kaniyang Instagram ang ginawa ng kaniyang asawa, ” Yung sinorpresa ka ng asawa mo ng mga bulaklak… Mahilig talagang magpakilig eh.”

Aniya pa, “Kilig naman si Neri. #MrSuave”

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on Jul 28, 2019 at 4:19am PDT

Basahin: Neri Naig thanks Chito Miranda for love and support through miscarriage

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Chito Miranda: "I've always been reckless and aminado ako na gago ako dati, but Neri never asked me to change."
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko