Chito Miranda sa misis na si Neri Naig: “Every single day is beautiful, even the bad ones, kasi alam ko na asawa kita.”

Ayon kay Chito, hindi naman sila always sweet ni Neri pero magkaganoon man alam niyang kakampi niya ang misis hanggang sa huli.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Chito Miranda may sweet na mensahe sa misis na si Negi Naig.

Mababasa dito ang sumusunod:

Mensahe ni Chito Miranda kay Neri Naig

Larawan mula sa Facebook account ni Chito Miranda

Hindi naman na iba para sa mga followers at fans ang ka-sweetan ni Chito Miranda sa misis niyang si Neri Naig. Ito ay laging isinisigaw o ipinapaalam ni Chito sa publiko. Sa pamamagitan ng kaniyang mga social media post at kahit sa mga panayam sa kaniya.

Sa isa nga sa pinakabagong Instagram post ng band vocalist ng grupong Parokya ni Edgar ay may sweet na mensahe siyang inalay sa misis niyang si Neri. Ayon kay Chito, kasalukuyan silang nasa Canada ngayon para sa isang concert tour. At bigla siyang napasenti ng alas-singko ng umaga. Dahil maliban sa nag-issnow doon ay hindi niya kasama sa hotel room ang kaniyang misis na si Neri. Ito ay nasa kabilang kwarto umano kasama ng kanilang baby na si Cash.

Chito maaliwalas daw ang buhay dahil kay Neri

Larawan mula sa Facebook account ni Chito Miranda

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gamit ang isa sa mga larawan ng misis na si Neri ay ibinahagi ni Chito ang nararamdaman niya sa pagkakaroon ng misis na tulad ng aktres na ngayon ay kilalang businesswoman narin. Ayon kay Chito, hindi lang basta maaliwalas at maganda ang mukha ni Neri. Ganito rin daw ang hatid na epekto ni Neri sa buhay niya.

“Ang aliwalas ng buhay ko dahil sayo.❤️ Every single day is beautiful, even the bad ones, kasi alam ko na asawa kita.”

Ito ang sabi ni Chito.

Tulad ng ibang magkarelasyon ay hindi rin naman daw always sweet sina Chito at Neri. Pero magkaganoon man, alam ni Chito na mananatili niyang kakampi si Neri anuman ang mangyari.

“Kahit may mga araw na masungit ka, or masungit ako, or may mga hassle na pangyayari sa buhay, I know that we'll be ok kasi magkakampi tayo.???”

“I love you, Neri Miranda.❤️”

Ito ang mensahe pa ni Chito Miranda sa misis niyang si Neri Naig.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Chito Miranda

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement