X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Heart Evangelista binibigyan pa rin ng allowance ni Chiz Escudero: “For basics, not for the luxuries.”

5 min read
Heart Evangelista binibigyan pa rin ng allowance ni Chiz Escudero: “For basics, not for the luxuries.”

Heart umaming minsan na siyang nag-doubt sa pagpili kay Chiz para mapangasawa niya.

Chiz Escudero at Heart Evangelista nag-usap tungkol sa kung paano nila hina-handle ang isyu ng pera at arguments sa kanilang pagsasama. Pag-amin ni Heart, binibigyan pa rin siya ng allowance ng mister na si Chiz.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Pagsasama nila Chiz Escudero at Heart Evangelista
  • Paano hinaharap nila Heart at Chiz ang pagsubok sa pagsasama nila

Pagsasama nila Chiz Escudero at Heart Evangelista

heart evangelista

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Nitong Sabado ay inilabas ni Heart Evangelista ang pinaka-bagong episode ng Adulting with Chiz episode nila ng mister na si Chiz Escudero. Doon ay pinag-usapan nila ang mga pagsubok na dumaan sa kanilang pagsasama at kung paano nila nalampasan ito.

Pagdating sa usaping pera, kuwento ni Heart at Chiz ay sinisiguro nilang maayos nila itong napag-uusapan at napagkakasunduan.

Halimbawa na nga dito ni Chiz ay ang ginawa nilang prenup agreement ni Heart bago sila maikasal. Ito daw ay naging malaking tulong para agad nilang ma-address ang isyu sa pera lalo pa’t si Heart ay kumikita rin at mula sa mayamang pamilya.

Pagdating naman sa pagtratrabaho ni Heart, hindi daw tutol dito si Chiz. Lalo pa’t sa panahon ngayon na maraming babae narin ang breadwinner ng kanilang pamilya.

Payo ni Chiz, napaka-halagang mapag-usapan ng mag-asawa ang isyu sa pera para hindi ito makaapekto sa pagsasama nila.

“Kung ‘yon, ‘di ninyo mapag-usapan may problema kayo. Puwedeng pag-usapan ng diretso, puwedeng it just flows. By tradition, usually men provide pero sa mundo ngayon hindi narin kasi may mga sitwasyon na mas maraming kinikita yung babae tulad mo. Hindi naman masama kawalan o sampal sa lalaki.”

Ito ang sabi ni Chiz tungkol sa pagtratrabaho ni Heart.

Dagdag pa ni Chiz, kung pareho daw kumikita ang mag-asawa ay mas maganda. Dahil sa ganoong paraan ay makakapagtulungan sila sa gastos ng pamilya. Bagamat ang gastos daw dapat ang huli sa mga iniisip ng mag-asawa.

“Marriage is about helping each other not only with respect to expenses but other things as well, emotional psychological. Expenses is the least of your worries.”

Payo tungkol sa usaping pera nina Heart at Chiz

Payo ni Heart, mas maganda na hiwalay ang pera ng mag-asawa. Sa kaso nila ay wala silang joint account na maaring maging dahilan lang ng pag-aaway sa pagdaan ng panahon.

“Ang hirap ng ganon kasi bilangan kayo. Hindi mo alam kung sino ba nagtrabaho una, mas madaming ginawa ‘to, tapos ‘yong isa labas ng labas ng pera so magkakainisan kayo.”

Ito ang sabi ni Heart na aminadong siya ang pinakamagastos sa kanila ni Chiz. Pero pag-amin niya kahit kumikita siya ng sarili niyang pera ay binibigyan parin siya ng allowance ng mister na si Chiz.

“A lot of people asked this. Even if I’m earning my own money, do you still give me allowance?”

Ito ang tanong ni Heart kay Chiz.

 “Yes. For basics, not for the luxuries.”

Ito naman ang sagot ni Chiz na agad sinundan ni Heart.

“Yes, he does give me allowance. For essentials, like food, especially when I travel with a lot of people ganyan, and gas. Tsaka may konting leeway naman siya, pang-Zara Zara lang ba so happy tayo diyan.”

Ito ang natatawang sabi pa ni Heart.

Si Heart ay kilala sa pagkakaroon o pagbili ng mga luxury pieces. Sa isa mga vlog episode niya ay inamin niyang bago siya bumili ng mamahaling gamit ay nagpapaalam siya sa mister na si Chiz. Hinihingi pa rin daw niya ang go signal nito kahit ang ginagamit niyang pambili ay sarili niyang pera.

Chiz Escudero at Heart Evangelista

Image from Heart Evangelista’s Instagram account

BASAHIN:

Heart Evangelista ayaw patahimikin ng mga basher dahil wala pa ring anak

Chiz Escudero on usual fights with Heart: “Pag hindi na kayo nag-aaway, ibig sabihin wala ng pagmamahal”

Heart Evangelista sa bagong bili niyang Hermès bag: “This is declared to my husband and I worked hard for it so wala na siyang magagawa.”

Heart minsan ng naisip na baka nagkamali siya sa pagpili kay Chiz

Samantala, kuwento pa ni Chiz at Heart, sa pitong taon nilang pagsasama ay hindi sa lahat ng oras ay smooth at hindi sila nagkaroon ng problema.

“You can’t be in love 24/7 for all of 7 years. You are in love sometimes, you’re not in love sometimes.”

Ito ang sabi ni Chiz.

Pagbubunyag naman ni Heart, minsan niya ng kinuwestyon na baka mali ang pagpili niya kay Chiz. Ito ay bago sila maikasal at habang sumailalim sila sa pre-marriage counseling.

“We came in holding hands. We went out to that place and he didn’t open the door for me and we thought that was the end. Muntik na kaming maghiwalay. Talagang napa-doubt talaga ako like shock! This is it. Hindi pala talaga.”

Ito ang natatawang pag-alala ni Heart. Pero napag-usapan daw nila ito at nakapag-adjust sila agad sa isa’t-isa.

“At the end of the day, you will not agree on everything but as long as there is love and respect and separating is not an option as you often hear then you’re good.”

Ito ang sabi naman ni Chiz.

Pagdating naman sa problema sa mga in-laws, bagamat naging malaking problema ito noon sa pagsasama nila ay hindi nawalan ng respeto si Chiz sa mga magulang ni Heart.

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

Sa katunayan ay sinasabihan niya ang misis na huwag siyang kampihan at panatilihing maayos ang relasyon niya sa mga ito.

Heart Evangelista with his dad Reynaldo Ongpauco and husband Chiz Escudero

Image from Chiz Escudero’s Instagram account

“They are your parents, Huwag kang mangampi sa akin, not see them or talk to them dahil nanay tatay mo parin sila.”

Ito daw ang sinasabi noon in Chiz kay Heart.

Ngayon ay maayos na ang relasyon ni Chiz sa mga magulang ni Heart.

Sa isa nga sa kaniyang mga vlog ay sinabi ng ama ni Heart na si Reynaldo Evangelista Ongpauco na sana ay matagal niya ng tinanggap si Chiz sa kanilang pamilya. Sana ay nakapunta ito sa kasal nila at matagal ng nagkabati para sa kanilang pamilya.

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Heart Evangelista binibigyan pa rin ng allowance ni Chiz Escudero: “For basics, not for the luxuries.”
Share:
  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.