Heart sa pagiging photographer ng mister na si Chiz sa mga fashion events niya: “Told you it was the NEW ERA”

Heart may appreciation post sa mister na si Chiz Escudero.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Chiz Escudero all out na talaga ang support sa misis na si Heart Evangelista. Ang senador photographer narin ng misis niya.

Mababasa dito ang sumusunod:

Chiz Escudero and Heart Evangelista relationship status

Larawan mula sa Instagram account ni Heart Evangelista

Makikitang solid ang pagiging power couple nina Chiz Escudero at Heart Evangelista sa mga Instagram post ng fashion icon. Dahil hindi lang basta si Heart ang umaawra ngayon sa pagiging fashionista. Pati ang mister niyang si Chiz ay nakikipagsabayan narin sa kaniya. Makikita ito sa new look ni Chiz na talaga nga namang nag-improved at sa mga pagtratravel ni Heart na hindi nawawala ang mister sa tabi niya.

Sa bagong post nga ni Heart ay makikitang si Chiz ngayon ang bagong photographer niya. Si Heart makikitang nai-enjoy ang ginagawang ito ng kaniyang mister na labis niyang ikinatutuwa.

“Told you it was the NEW ERA ✨ bravo @escuderochiz !:) officially welcoming you to fashion week !📸”

Ito ang caption ni Heart sa kaniyang IG post sa isa sa mga fashion week na dinaluhan niya na kung saan si Chiz ay may hawak na camera at may kuha ng ilan sa mga fashionable pose ni Heart.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mensahe ni Heart kay Chiz

Sa isa sa mga nauna naring post ni Heart sa Instagram ay pinasalamatan niya ang pagiging supportive ni Chiz. Lalo na sa pag-aadjust nito sa kaniyang sarili para masabayan si Heart sa mga ginagawa niya.

“Appreciation post for this man I call my husband. Through hell and beyond you have stood by my side…and I thought I knew what unconditional was. Today we are finally on the same chapter, it’s a new ERA.”

Ito ang sabi pa noon ni Heart kalakip ang mga larawan nila ni Chiz na magkasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga netizens lalong humanga sa mag-asawa at kung paano nila sinusuportahan ang isa’t-isa. Ito ang reaksyon ng ilan sa kanila.

“This is so cool, that’s what marriage is, supporting each others growth. I admire your courage for fighting for your right and what you deserve.”

“I applaud you both for not giving up the value of partnership and marriage despite differences. Continue to spread love, respect and trust. 😍”

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement