Chiz Escudero sa pagsuporta sa hilig ng misis na si Heart Evangelista: “Ako lang yung alalay sa likod ng asawa ko tuwing may fashion week”

Makikitang nag-transform narin ang pagporma ni Chiz na ayon sa kaniya ay hindi niya lang ginagawa para sa misis kung hindi para rin sa kaniyang sarili.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Chiz Escudero ibinahagi kung paano ipinapakita ang pagsuporta sa misis na si Heart Evangelista tuwing may fashion week. Ayon sa senador siya lang naman ang PA ni Heart kapag may bakanteng oras siya.

Mababasa dito ang sumusunod:

Paano ipinapakita ni Chiz Escudero ang pagsuporta sa misis na si Heart Evangelista

Larawan mula sa Facebook account ni Heart Evangelista

Para kay Heart Evangelista ay nasa new era na ang pagsasama nila ni Chiz Escudero. Dahil sa mga nakalipas niyang post ay makikitang kasa-kasama niya na ang senador sa fashion week. Pati narin sa iba pang lakad nito at events kaugnay sa kaniyang hilig sa pagdadamit at pagiging fashionista. Ito rin minsan ang kumukuha ng mga litrato ni Heart na ipinopost ng dating aktres sa kaniyang social media account.

Sa isang panayam ay ibinahagi ni Chiz kung paano niya sinusuportahan ang misis sa hilig nito. Ayon sa senador, siya ang nagsisilbing personal assistant ni Heart sa fashion week sa tuwing may free time siya.

“I am not part of fashion week. Ako lang yung alalay sa likod ng asawa ko tuwing may fashion week at libre at bakante ako. Ako yung tagalaba, tagaluto, tagalinis, tagatahi kapag may kailangan tahiin. Minsan lang uma-aura aura pero hindi palagi yun. Nakukumbinsi lang at napipilit.”

Ito ang pagbabahagi ni Chiz sa isang panayam.

Larawan mula sa Facebook account ni Heart Evangelista

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Chiz hindi lang basta nag-transform para sa misis na si Heart

Larawan mula sa Facebook account ni Heart Evangelista

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makikita rin sa ngayon na pumuporma narin si Chiz. Malayo dati sa pagiging simple niya. Siya ay sumasabay narin sa pag-aura ng misis niyang si Heart. Ayon sa kaniya, hindi niya lang ito basta ginagawa para sa asawa. Ito ay bahagi rin ng objective niyang mas maging malusog para mas mapatagal pa ang pagsasama nila ni Heart.

“Tumatanda tayo and our objective should be longevity. Not really to look good but more be healthy and to preserve and have longevity. Longevity should be the objective.”

Ito ang sabi pa ni Chiz.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement