Ayon sa mga medical expert, mabuting iwasan ang pag self-medicate lalo na kung walang sapat na kaalaman at hindi sigurado sa iinumin. Mas lalo lang kasi itong makakapagdala sa iyo ng kapahamakan.
Chloroquine as medicine for coronavirus?
Ang Chloroquine ay kilala bilang isang gamot sa Malaria. Ito ay maaaring inumin ng mga matanda at bata. Ngunit ipinagbabawal ito sa mga taong may psoriasis. Ang mga side effects nito ay pagkahilo, pagsusuka, pagkabingi, pagbaba ng blood pressure at pagbabago ng paningin.