Naglabas ng emosyonal na saloobin si Dr. Grace Caras Torres sa kanyang Facebook account matapos nitong magpositibo sa COVID-19 at ikumpirma na siya ang Patient 194.
Image from Freepik
Patient 194: Dr. Grace Caras-Torres
Isa sa mga maituturing na modern heroes ang mga frontliners natin ngayon. Ang mga doctor, nurse, medical professionals at iba pang matatapang na sumusuri sa mga pasyente ng COVID-19 ay talaga namang nakakamangha ang dedikasyon.
Isa na diyan si Dr. Grace Caras-Torres, OB-Gynecologist sa St. Lukes Quezon City.
Sa kabila ng mga risk ng naturang trabaho, hindi niya aakalain na susubukan ngayon ang kanyang tibay ng loob ng makumpirma na positibo siya sa COVID-19.
Image from Dr. Grace Caras-Torres
Sa FB post, lakas loob na kinumpirma ni Dr. Grace Caras-Torres na siya si Patient 194. Ayon sa kanya, akala niya na ito ay simpleng Chikungunya lamang. Isang virus na dala ng mga kagat ng lamok. Paulit-ulit kasi siyang nakakaranas ng matataas na lagnat. Hirap rin siyang makakain at kakaibang sakit ng ulo, katawan.
Saka lang niya nalaman na may parehong sintomas ang kanyang kasama sa pag-opera. At ito ay posibleng COVID-19. Ang ibang kasama niya sa ospital na kumpirmado ring may COVID-19 ay naka intubate at kasalukuyang ginagamit. habang ang 4 na doctor na kasama niya ay namatay na.
Pag-iyak na lamang ang tanging nagawa ni Dr. Grace ng maisip niya na nagkaroon na ng exposure sa kanya ang 4 years old niyang anak. Kasama rin ang mga magulang niyang seniors at iba pang pamilya nito.
Bilang pag-iwas, nagkulong siya sa kwarto at nag self-quarantine. Upang malibang rin at mabawasan ang pag-aalala sa kalagayan, nagbasa na lamang siya ng mga libro.
“Nagkulong na ako sa kwarto. Nag-birthday akong naka-quarantine at may sakit na nakamamatay.”
Sa ginawa niyang pagseself quarantine ay buong akala niya ay malapit na siyang gumaling. Ngunit bigla na lamang naging abnormal ang kanyang pag-dumi at patuloy na lumalala ang condition.
“Ngayon lang ako natakot. Napaiyak ako. Hindi pa ako handang mamatay. Masamang damo ako, di ba? Kelangan pa ako ng anak ko. Sasabak pa ako sa gyera. Hindi lang pala virus ang kalaban ko, pati katinuan ng pag-iisip.”
Naramdaman niya ang mga sintomas na ito noong March 7 at tuluyang nagpatest sa Research Institute for Tropical Medicine. At noong March 19 nga ay nakumpirma na nag positibo siya sa COVID-19.
Sa kabila ng pinagdadaanan ni Dr. Grace, hindi niya nakalimutang magbigay ng paalala sa nararanasang outbreak ngayon sa buong mundo. Ayon sa kanya, laging alalahanin at ‘wag kalimutang kamustahin ang mga kamag-anak o kaibigan na naka-quarantine dahil ang simpleng pag-alala na ito ay maaaring magbigay ng lakas ng loob sa kanila.
Doctors under quarantine
Samantala, nitong March 20 lang ay napag-alamang naka quarantine ang 150 na doctor at iba pang medical personnel sa The Medical City sa Pasig. Ito ay matapos magkaroon ng exposure sa mga pasyenteng positibo sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Eugenio Ramos, CEO ng The Medical City sa isang interview na tumaas ang kaso ng mga na-exposed na doctor sa COVID-19. Ang daming 140 ay naging 150 na ngayon.
“Kahapon, ‘yung naka-quarantine naming mga doctors at saka nurses 140. Ngayon, tumaas nang 150. Nakakatakot na rin.”
Nasa 500 na medical staff ng University of Santo Tomas (UST) Hospital ang kasalukuyang naka-quarantine. Ito ay matapos magkaroon ng exposure sa mga pasyenteng positibo sa COVID-19.
Ang ibang staff ay na-admit sa ospital at kasalukuyang naka admit bilang PUI (Persons under investigation) at PUM (Persons under monitoring). Ang iba rin ay pinauwi at nagsagawa ng self quarantine.
Sa ngayon, mayroon ng 462 na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) dito sa bansa. Habang 18 naman ang naka recover at 33 ang mga namatay.
Ayon rin sa mga health official, asahan pa ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. Ito ay dahil marami pa ang mga paparating na resulta na isinagawa sa mga pasyenteng minomonitor. Noong Lunes rin ay na-discharged na ang 662 na mga pasyente matapos nilang sumailalim sa pagsusuri at mag negatibo sa test ng COVID-19.
Source: ABS-CBN
BASAHIN:Doctors who died because of COVID-19; Salamat, you are our heroes!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!