X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Suspek sa pagkamatay ng grade 9 student, gumamit raw ng pekeng FB account

2 min read
Suspek sa pagkamatay ng grade 9 student, gumamit raw ng pekeng FB account

Ayon sa pag-amin ng suspect sa pagkamatay ng grade 9 student na si Christine Silawan, gumamit raw siya ng pekeng FB account para makipagkita sa biktima.

Kamakailan lang ay nayanig ang buong Pilipinas nang mabalitaan ang pagkamatay ng grade 9 student na si Christine Silawan. Ito ay dahil bukod sa kaniyang pagkamatay, binalatan pa raw ng buhay ang biktima at pinutulan ng dila.

At ngayon, base sa isinagawang imbestigasyon, pati na ang pag-amin ng suspek, gumamit raw ito ng pekeng FB account para kitain ang biktima.

Fake FB account, ginamit ng suspect para makipagkita

Ayon sa mga awtoridad, gumawa raw ng pekeng FB account ang suspect at dito kinausap ang biktima. Ito raw ay ginamit niya upang makuha ang tiwala ni Christine upang makipagkita ito sa kaniya.

Inimbestigahan raw ng NBI ang Facebook account ng dalaga, at nalaman na mayroon raw itong bagong manliligaw. Nalaman din nila na pumayag raw itong makipagkita noong March 10, ng 6pm ng gabi.

Base sa nakuhang CCTV footage, naghintay raw si Christine malapit sa simbahan kung saan siya ay collector. Ngunit sa halip na ang bagong manliligaw ang nagpakita, ang suspek raw na ex-boyfriend ni Christine ang dumating.

Nakita pa raw sa CCTV footage na nag-aaway ang dalaga pati ang 17-anyos na suspek.

Sinabi pa ni NBI Region 7 director Tomas Enrile, “Pwedeng pagkita nila du’n, nagulat si Christine. ‘Bakit ito ang kuwan nito, eh hindi naman ito ang kasusap ko?”

Sa isinagawang imbestigasyon ng NBI, umamin na raw ang suspek sa ginawang krimen, at sinabing mayroon pa siyang dalawang kasabwat.

Solved na raw ang murder ni Christine Silawan

Ayon kay Senior Supt. Bernard Banac, spokesperson ng PNP, solved na raw ang kaso ng pagkamatay ni Christine.

Ito ay dahil umamin na ang suspek sa karumaldumal na krimen, at nasa kustodiya na rin siya ng mga pulis. Ngunit hanggang ngayon ay kasalukuyan pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad ang dalawa pang di umano’y kasabwat sa pagkamatay ni Christine.

Aalamin rin daw ng mga awtoridad kung ano mismo ang kinalaman ng dalawa, at kung minor de edad nga ba ang mga ito.

Base sa nangyaring krimen, matatawag raw itong crime of passion. Ito ay dahil napaka-bayolente ng nangyaring pagkamatay sa biktima, dahil pinutulan raw ito ng dila, at binalatan pa ng mukha. Posible raw na dala ito ng matinding selos at galit sa biktima, kaya’t nagawa ng suspek ang krimen.

Ayon sa mga ulat, ex-boyfriend raw ni Christine ang suspek sa kaniyang pagkamatay.

Sources: GMA News, Philstar

Basahin: Grade 9 student, pinatay at binalatan ang mukha

Partner Stories
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Suspek sa pagkamatay ng grade 9 student, gumamit raw ng pekeng FB account
Share:
  • Lamoiyan teams up with communities for the Kilusang Kontra Kuto and Hapee Kiddie Caravan to bring healthier smiles and a lice-free summer

    Lamoiyan teams up with communities for the Kilusang Kontra Kuto and Hapee Kiddie Caravan to bring healthier smiles and a lice-free summer

  • Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

    Dapat Si Daddy Na Ang Mag-Birth Control: Why It's Time for Dads to Consider Vasectomy

  • Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

    Hindi gusto ang mga barkada ng iyong asawa? Ayon sa mga eksperto, ito ang mga dapat mong gawin!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor

  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko