Ang Christmas Break para sa taong 2019 ay magsisimula sa ika-15 ng Disyembre, Lingo. Muling magpapatuloy ang klase sa ika-6 ng Enero sa susunod na taon. Ito ay mula sa inilabas ng Department of Education (DepEd) Order No. 007 s. 2019. Nakasaad dito kung kailan gaganapin ang Christmas Break 2019.
Walang pagbabago
Ang DepEd Order man ay inilabas nuong ika-22 ng Abril taong 2019, wala itong pagbabago. Ayon kay DepEd spokesperson Usec. Nepomuceno Malaluan, hindi naka-apekto ang mga suspensyon ng klase. Maging ang mga nangyari mang suspensyon ay dahil sa panahon o iba pang bagay, patuloy parin ang pagpapatupad ng schedule para sa school year 2019-2020.
Idinagdag na Malaluan na ang mga suspensyon na naganap ay nag iiba depende sa lugar at antas ng estudyante. Mayroong mga lugar na masmarami ang suspensyon kumpara sa iba na maskakaunti. Ganunpaman, kanilang nakikita na wala itong epekto sa kanilang inilabas na schedule.
Pampublikong paaralan
Ang schedule na ito ay nasasakop ang mga estudyante mula Kindergarten hanggang Grade 12. Epektibo ito sa lahat ng mga pampublikong paaralan.
Ganunpaman, ang mga pribadong paaralan ay maaaring magkaroon ng sarili nilang schedule. Kinakailangan lamang nilang ipagbigay alam sa regional office sa kanilang lugar kung mayroon silang pagbabago mula sa schedule ng DepEd.
Basahin din: Inilabas na ang DepEd school calendar 2019
Source: GMA News, DepEd
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!