Christmas Gift Ideas Under 500 Pesos: Mga Pangregalong Swak Sa Budget

Naghahanap ng below 500 Christmas gift ideas? Naglista kami ng mga produkto na perfect pangregalo at siguradong swak sa budget mo!

Isa sa mga fun at enjoyable experiences tuwing sasapit ang pasko ay ang pamimili ng regalo. Kaliwa't kanang parties ang pupuntahan kaya naman siguradong ngayon pa lamang ay napapaisip ka na ng mga Christmas gift ideas para sa iyong pamilya, mga kaibigan, mga katrabaho at mga inaanak.

Ngunit, kung medyo tight ang iyong budget, maaaring maging challenging ang pamimili. Hindi mo na kailangang ma-stress pa! Narito kami upang tulungan ka. Naglista kami ng Christmas gift ideas under 500 pesos na siguradong magugustuhan ng iyong reregaluhan. Keep on scrolling para alam kung anu-ano ito!

Christmas Gift Ideas Under 500: Mga Pangregalong Swak Sa Budget

Christmas Gift Ideas Under 500 Pesos

Christmas Gift Ideas
DIY Multifunction Wooden Desk Organizer
Best gift for officemate
Buy Now
Chef's Gallery Nylon Kitchen Tools Set
Best gift for newly weds
Buy Now
Bailey Printed Handbag
Women's bag
Buy Now
Burlington Men's Cotton Thick Sports Crew Socks
Men's Socks
Buy Now
Child Care Bolster and Pillow set
Best gift for babies
Buy Now
Whiz Kidsz Solar System Puzzle
Best gift for kids
Buy Now

DIY Multifunction Wooden Desk Organizer

Best gift for officemates

Christmas Gift Ideas Under 500: Mga Pangregalong Swak Sa Budget | Desk Organizer

Naghahanap ng magandang pangregalo sa iyong katrabaho? Tamang-tama ang wooden desk organizer na ito! Tiyak na magugustuhan ito ng iyong officemate dahil maaari niya itong gamitin sa office man o sa kanyang work desk sa bahay.

Gawa ito sa lightweight wood board na matibay. Makinis din ang texture nito dahil ito ay varnished at rounded na rin ang mga kanto nito para matiyak na ligtas ito gamitin. Mayroon itong mini drawer, pen holder, cellphone holder, tissue holder, at lagayan ng mga files at folders.

Features we love:

  • Mini desk organizer
  • Lightweight at durable
  • Walang sharp edges

Chef's Gallery Nylon Kitchen Tools Set

Best gift for newly weds

Christmas Gift Ideas Under 500: Mga Pangregalong Swak Sa Budget | Chef's Gallery

Ideal para sa maraming magkasintahan ang magpakasal tuwing buwan ng November at December kaya naman kung sakaling may kapamilya o kaibigan kang bagong kasal, magandang Christmas gift ang kitchen tool na ito mula sa Chef's Gallery.

Ang set na ito ay naglalaman ng cooking spoon, turner, slotted turner, soup ladle at whisk. Ang kagandahan pa sa mga cooking tools na ito ay gawa ito sa 100% food grade nylon materials na tamang-tama para sa mga non-stick cookware. May heat resistance rin ito na aabot sa 210 C.

Higit pa riyan, ang mga handle nito ay non-slip kaya naman komportableng gamitin at hindi nakakangalay.

Features we love:

  • Kitchen tool set
  • Gawa sa food grade nylon
  • Compatible sa mga non-stick cookware

Bailey Printed Handbag

Best gift for moms

Christmas Gift Ideas Under 500: Mga Pangregalong Swak Sa Budget | Bailey

Bukod sa mga gamit sa bahay, sapatos, damit at makeup, isa sa pinaka paboritong gamit ng mga mommies ang bag. Kaya naman kung naghahanap ka ng magandang pangregalo sa mga mommies, perfect ang Bailey Printed Handbag.

Locally made ang mga bags na ito. Gawa ito sa Marikina na kilala rin sa ating bansa dahil sa mga pagawaan ng matitibay na sapatos na makikita rito. At gaya ng mga sapatos na gawa sa Lungsod, dekalidad din ang quality ng Bailey bags. Ginamitan ito ng man-made leather na hindi madaling masira at kayang tumagal ng ilang taon.

Napakarami ring design at color choices ng bag na ito na tiyak ay magugustuhan ng iyong reregaluhan.

Features we love:

  • Locally made bag
  • Man-made leather
  • Design and color choices

Burlington Men's Cotton Thick Sports Crew Socks

Best gift for dads

Christmas Gift Ideas Under 500: Mga Pangregalong Swak Sa Budget | Burlington

Para naman sa mga daddies, kaibigan o kapamilyang lalaki ang Burlington Men's Cotton Thick Sports Crew Socks. Maaari nila itong magamit pamasok sa opisina o eskwelahan, bilang sports socks at workout socks.

Binubuo ito ng 80% cotton, 15% nylon at 5% spandex materials kaya naman ito ay elastic, durable at napaka komportableng isuot. Bukod pa riyan, mayroon din itong aircool feature kaya naman presko ring gamitin. Available rin ito sa colors na white, black at assorted gray.

Features we love:

  • Elastic at durable socks
  • Aircool feature
  • Color options

Child Care Bolster and Pillow set

Best gift for babies

Christmas Gift Ideas Under 500: Mga Pangregalong Swak Sa Budget | Child Care

Kung hanap mo naman ay regalo para sa baby, best choice ang pillow set na ito from Child Care. Ang set na ito ay mayroong isang head pillow at dalawang bolsters na magagamit sa crib o di kaya ay sa kama. Ang mga unan na ito ay napakalambot at magaan kaya't makakasiguradong ligtas ito para sa baby.

Karagdagan, mayroon itong removable covers na gawa sa breathable fabric kaya naman komportable itong gamitin. Available ito sa 10 cute designs kaya naman hindi ka rin mahihirapan pumili.

Features we love:

  • Pillow set for babies
  • Malambot at breathable
  • Removable covers at easy-to-clean

Whiz Kidsz Solar System Puzzle

Best gift for kids

Christmas Gift Ideas Under 500: Mga Pangregalong Swak Sa Budget | Whiz Kidsz

Tamang-tama naman para sa inyong mga batang inaanak ang educational toy na ito. Tiyak na maeenjoy nilang buoin ang Whiz Kidsz Solar System puzzle. Bukod sa maaaliw sila sa image na mabubuo nila ay matututo pa sila tungkol sa ating Solar System.

Ang toy na ito ay binubuo ng 100 pieces puzzle at walang sharp edges na maaaring makasugat sa bata. Maraming benepisyo ang maidudulot ng pagbigay ng puzzle na ito sa kids gaya na lamang ng pag enhance ng kanilang creativity, curiosity at problem-solving skills. Maiiwasan din ang matagal na paggamit ng gadgets ng mga bata kung ipapagawa sa kanila ang ganitong klaseng activity.

Features we love:

  • Educational toy
  • Solar System image
  • Safe for kids

Price Summary

Brands Price
Wooden Desk Organizer Php 235.00
Chef's Gallery Php 445.00
Bailey Php 440.00
Burlington Php 430.00
Child Care Php 299.00
Whiz Kidsz Php 349.00

Note: Each item and price is up to date as of publication, however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.

And there you have it! Mas makakabuting ngayon pa lamang ay simulan mo na ang pamimili ng Christmas gifts upang makaiwas sa last minute shopping na maaari pang magdulot ng stress at hassle sa iyo.

Happy holidays!

Sinulat ni

Teresa Alcantara