Best Christmas Gifts For Boys

Ngayong kapaskuhan,'wag kalimutang regaluhan ang mga bata upang sila'y sumaya. Pumili sa aming listahan ng best Christmas gifts for boys!

Sabi nga nila, ang pasko ay para sa mga bata. Makukulay na ilaw, kaliwa’t kanang Christmas party at family reunion, ilan lamang ito sa mga inaabangan ng mga chikiting tuwing sasapit ang pasko.

Higit pa riyan, ang pinaka exciting na parte ng pasko para sa kanila ay ang pagtanggap ng maraming regalo at pagbubukas ng mga ito. Kaya naman ngayong paparating na ang pinakahihintay nilang okasyon, huwag kalimutan na bigyan sila ng regal0ng tiyak na makakapagpasaya sa kanila.

Kung wala ka pang nabibiling regalo para sa iyong anak, inaanak o pamangking lalaki, tamang-tama ang listahang aming inihanda para sa’yo! Keep on scrolling at alamin ang aming recommended Christmas gifts for boys na maaaring mabili online.

Best Christmas Gifts for Boys

Gifts for Boys
Magnetic Building Blocks
Buy Now
24pcs Puzzle Jigsaw Toys
Buy Now
2 IN 1 Kids' Folding Sofa Bed
Buy Now
Children's Bicycle
Buy Now
Simulation Oversized Airplane Set
Buy Now
URBAN PIPE Short For Kids
Buy Now

Magnetic Building Blocks

Christmas Gifts For Boys: Best Online Finds That Kids Will Surely Love | Magnetic Building Blocks

Isa sa mga magandang panregalo for kids ang educational toys. Kaya naman isinama namin sa listahan ang Montessori Magnetic Building Blocks. Iba’t ibang forms at structures ang maaaring magawa gamit ang laruang ito kaya’t siguradong mag-eenjoy ang mga bata sa paglalaro.

Karagdagan, magnetic ito kaya naman mas madali makabuo ng anumang nais na form gaya ng bahay, sasakyan, animals, buildings, at amusement parks. Nakakatulong din ito sa pag enhance ng creativity, imagination, problem-solving, at motor skills ng mga chikiting. Pagdating naman sa safety, makakatiyak kang ligtas ito laruin ng mga bata dahil gawa ito sa ABS plastic na non-toxic at odor-free.

Puzzle Jigsaw Toys

Christmas Gifts For Boys: Best Online Finds That Kids Will Surely Love | Jigsaw Puzzle

Ideal na panregalo rin ang puzzle para sa mga batang lalaki. Maaari nila itong buoin kasama si mommy at daddy o ng iba pang mga bata. Nakakatulong din ang paglalaro ng puzzle sa hand-eye coordination development, color at shape recognition at paglawak ng imagination ng mga bata.

Ligtas itong laruin ng mga batang may edad na 3 years old pataas dahil wala itong sharp edges at gawa sa non-toxic materials. Mayroon itong mga designs na animal party, sea world at cosmic adventure.

Kid’s Folding Sofa Bed Cartoon Characters

Christmas Gifts For Boys: Best Online Finds That Kids Will Surely Love | Cartoon Sofa Bed

Maganda ring panregalo ang sofa bed para sa mga bata. Maaari nila itong gamitin kapag nag-aaral, naglalaro o kapag gumagawa ng iba pa nilang hobbies. At kung nais naman nila itong gawing pahingahan, tamang-tama ito dahil nacoconvert ito sa isang mini bed. Kaya naman kung naghahanap ka ng sofa bed for kids, check out Kid’s Folding Sofa Bed Cartoon Characters.

Bukod pa riyan, komportable itong upuan o higaan dahil gawa ang sofa bed na ito sa cotton material at polyester fabric. Removable at washable rin ang cover nito kaya’t madaling linisin. Tiyak din na magugustuhan ng mga boys ang produktong ito dahil sa mga designs na available. Maaaring mamili sa iba’t ibang cartoon at anime character designs nito.

Children’s Bicycle

Christmas Gifts For Boys: Best Online Finds That Kids Will Surely Love | Children’s Bicycle

Tiyak na laman din ng wish list ng kids ang bike. At kung plano mong tuparin ang wish niya this Christmas, bilhan siya ng Children’s bicycle. Isa ay made in Japan kaya’t garantisadong matibay ang pagkakagawa. Perfect ito para sa mga batang nagsisimula pa lamang magbike. Ito kasi ay may training wheels na makakatulong sa kanila upang matuto at masanay.

Gawa ito sa aluminum kaya’t magaan. Bukod diyan ay mabibili ito sa iba’t ibang sizes na akma para sa edad ng mga bata. Available ito sa sizes na 12 na para sa mga 2 to 4 years old, size 14 para sa 5 to 7 years old at size 16 na para naman sa mga batang may edad na 7 to 10 years old. Ang mga color choices naman ito ay red, blue, violet at pink.

Simulation Oversized Airplane Set

Christmas Gifts For Boys: Best Online Finds That Kids Will Surely Love | Simulation Airplane

Siguradong ikatutuwa rin ng batang lalaki na iyong reregaluhan kung bibigyan mo siya ng laruang eroplano. Kaya’t tamang-tama para sa kanya ang Simulation Oversized Airplane Set. Ikatutuwa ng mga chikiting ang paglalaro ng eroplanong ito dahil maaari itong mapaandar dahil sa mga gulong nito.

Kakaiba ito kumpara sa ibang airplane toys dahil nabubuksan ito at mayroon pang kasamang anim na iba’t ibang laruang sasakyan sa loob na pwede ring paglaruan ng bata. Tiyak na maeenjoy ng mga batang lalaki ang paglalaro ng toy set na ito dahil sa dami ng maaari nilang gawin dito.

Pagdating naman sa safety, makakasigurado kang ligtas ito laruin dahil ito ay gawa sa ABS material na non-toxic.

Urban Pipe Short For Kids

Christmas Gifts For Boys: Best Online Finds That Kids Will Surely Love | Urban Pipe

Kung naghahanap ka naman ng regalo na tiyak ay madalas magagamit ng mga batang lalaki, bigyan siya ng Urban Pipe Short for Kids. Magagamit ito bilang pang-alis ng mga chikiting at napakadali pang bagayan ng damit.

Gawa ito sa cotton material na napakalambot at presko kaya’t siguradong komportable ito suotin. Ang short na ito ay garterized ngunit maaari pa ring maadjust dahil mayroon itong drawstring. May mga sizes na available para sa mga batang lalaki na may edad 2 hanggang 9 years old. Napakarami ring color options sa short na ito kaya’t tiyak na hindi ka mahihirapang pumili.

Price Summary

Brands Price
Magnetic Building Blocks Php 1,190.00
Puzzzle Jigsaw Toy Php 229.00
Sofa Bed Php 999.00
Simulation Airplane Php 699.00
Urban Pipe Short For Kids Php 209.00
Children’s Bicycle Php 1,398.00 – Php 1,598.00

Sa darating na kapaskuhan, huwag kalimutang ipaalala sa mga bata ang tunay na dahilan ng pagdiriwang nito. At ituro rin sa kanila kung paano makuntento at i-appreciate ang mga regalong kanilang matatanggap.

Sa kabilang banda, kung pasok naman sa budget ang pagbibigay ng munting regalo na makakapagpasaya sa kanila, huwag nang magdalawang-isip pang bilhan sila nito.

Sinulat ni

Teresa Alcantara