Halos sabay na nag-post sa kani-kanilang Instagram accounts ang mag-asawang si Kean Cipriano at Chynna Ortaleza ng pagdating ng kanilang pangalawang baby.
Kean Cipriano at Chynna Ortaleza, may baby number 2 na!
Noong ika-25 ng Setyembre, Miyerkules halos sabay inanunsyo nila Chynna Ortaleza at Kean Cipriano ang pagdating ng kanilang baby boy na pinangalan nilang Salem.
Binati nga ng singer-actor ng maligayang kaarawan ang pagdating ng kaniyang baby boy sa kaniyang Instagram, “Happy Birthday @salemcipriano. 🙏🏻 9.25.19 #TheCips”
View this post on Instagram
Samantalang ang GMA-7 actress naman ay winelcome sa mundong ito ang kaniyang bunso, “Welcome my dearest boy! @salemcipriano ❤️ 9.25.19”
View this post on Instagram
Ipinanganak nga ni Chynna ang pangalawang anak na si Salem sa St. Luke’s Medical Center.
Happy Easter
Kung aalalahanin halos sabay ding nag-post ang mag-asawang sila Chynna at Kean patungkol sa pangalawang pagbubuntis ng celebrity mom.
View this post on Instagram
View this post on Instagram
Inanunsyo ng mag-asawa ang kanilang pangalawang pagbubuntis nitong taon lang, ika-21 ng Abril, Easter Sunday.
Ito rin ang araw matapos ang ikatlong kaarawan ng kanilang panganay na si Stellar.
Source: Chynna Ortaleza
Basahin: LOOK: Joint-celebration ng binyag at birthday ng mga anak ni Camille Prats
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!