Katulad ng ibang ina na nagsta-struggle dahil sa kanilang mababang breast milk supply, hindi naiiba ang sitwasyon ng celebrity mom na si Chynna Ortaleza sa kanila.
Kamakailan nga lamang, ika-25 ng Setyembre ay inanunsyo ng mag-asawang Kean Cipriano at Chynna ang kapanganakan ng kanilang pangalawang anak na pinangalanan nilang Salem.
Ani nga ni Chynna sa post niya kamakailan lamang, kung saan karga ng kanilang panganay na si Stellar ang bunso nilang si Salem, “Thank you Lord for entrusting Your beautiful children to us. Guide @kean and I always. Boys & Girls. Our beautiful kids! @stellarcipriano @salemcipriano #TheCipsXBearthside @bearthsidephotofilm_birthstory”
Mababang breast milk supply
Kahapon nga, ika-2 ng Oktubre, nag-post ang GMA-7 actress na si Chynna Ortaleza ng other side ng kaniyang pagiging ina at ito nga ang struggle ng celebrity mom sa kaniyang mababang breastmilk supply.
Aniya nga ng second-time mom sa kaniyang post, “Just to show you the opposite side of the spectrum. That’s Ate Pea feeding Salem EBM from Ninang @lj_reyes 🙂 while I patiently try to hand express whatever my breast can give.”
Pagpapatuloy niya, “Swipe to see. It’s a few drops but these are precious to me. I used to get really sad about this when Pea was born back in 2016.”
Ang pagkakaroon ng mababang breast milk supply ay ang first heartbreak bilang isang ina ni Chynna, dahil nga ito rin ang naging struggle ng celebrity mom noong ipinanganak niya si Stellar noong ika-20 ng Abril, taong 2016. Sinubukan di-umano ng aktres ang kaniyang makakaya sa pag-mix ng formula at breast milk noon kay Stellar ngunit siya nga’y nagkasakit at tuluyan na ngang nawala ang kaniyang supply.
Dagdag pa ni Chyns sa kaniyang caption, “I’m taking it in stride at present with Salem. I wish I could produce milk that can fill bags to the brim & donate milk to those who need liquid gold. However, I’m not cut out for that. It all boils down to anatomy at the end of the day.”
“I am most thankful to the Moms who help instead of judge. You guys know who you are. ❤️ Personally for me, FED IS BEST,” sambit pa niya.
“To women who have messaged me saying they too feel discouraged about having little to no supply—Please don’t be too hard on yourself,” paalala niya sa mga inang dumadaan sa parehong struggle niya.
“You are enough and your child will give you all the cues you need. Take those cues! 🙂 Sending you all the love & hugs that you need. You got this Momma,” dagdag pa ng Kapuso mom.
Sa parehong araw, nag-post din si Chynna ng isang encouragement para sa sarili at para rin sa ibang ina na pinagdadaanan ang kaniyang struggle.
Paalala niya sa sarili at sa iba, “It gets better.”
Source: Chynna Ortaleza
Photos: Chynna’s Instagram, Bearthside