Kean Cipriano: "Hindi ko alam kung paano ako makakabawi, but please know that I'm just here for you."

Kean Cipriano: "Hindi ko alam kung paano ako makakabawi, but please know that I'm just here for you."

Nagbigay pugay si Kean Cipriano sa kaniyang misis na bagong panganak lamang na si Chynna Ortaleza sa pagiging ina nito sa kanilang dalawang anak.

Nagbigay pugay si Kean Cipriano sa kaniyang misis na si Chynna Ortaleza sa pagiging ina nito sa kanilang dalawang anak.

Kasabay nito, sinaluduhan din ng singer-actor ang bawat inang katulad ni Chynna na nagsasakripisyo para sa pamilya.

"Pagpugay" post ni Kean para kay Chynna

Kamakailan nga lamang, ika-25 ng Setyembre, Miyerkules, nag-post ang mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza upang i-anunsyo ang pagdating ng kanilang baby number 2 na pinangalanan nilang Salem.

Sa post na ito ay kumpleto ngang nasa litrato sina Kean, Chynna, at ang bagong panganak na si Salem.

Ayon nga sa post ng Callalily vocalist, "My Peace and My Love. #TheCips"

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Kean Cipriano (@kean) on

Matapos ang dalawang araw nag-post muli ng litrato si Kean.

Ngayon naman ang post ng singer-actor ay sina Chynna lamang at ang baby boy nilang si Salem.

Sadyang bilib nga si Kean sa asawang si Chynna na ngayon nga'y ina na sa dalawang anak nilang si Stellar at Salem.

Nagpasalamat nga ang bokalista sa asawang si Chynna, "Thank you so much my love, @chynsortaleza. You don’t know how much I appreciate everything. Everything you do for our family."

Aniya pa, "Sa dami ng pinagdadaanan ng babae sa buong pagbubuntis, lalo na yung panganganak mismo, and yung after manganak (post-partum), the nurturing, and taking care of the family.... Wild! Ibang klase."

Batid pa niya, "Hindi ko alam kung paano ako makakabawi, but please know that I’m just here for you."

"I love you ❤️ sobrang bilib ako sayo," dagdag pa ni Kean.

"P.S : Respect to each and every woman in this world," pahabol na pagsaludo pa ng singer-actor.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Kean Cipriano (@kean) on


Source: GMA Network

Basahin: LOOK: Chynna Ortaleza, ipinanganak na ang second baby nila ni Kean Cipriano

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner