Chynna Ortaleza, pinagbubuntis ang pangalawang anak nila ni Kean Cipriano

Alamin kung ano ang gender ng pangalawang anak ng mag-asawang Chynna Ortaleza at Kean Cipriano at kung paano nila isinagawa ang kanilang gender reveal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Noong Easter Sunday, ika-21 ng Abril, masayang inanunsyo nila Chynna Ortaleza at Kean Cipriano ang pagbubuntis ni Chynna sa kanilang pangalawang anak. 

Proud parents, Chynna Ortaleza at Kean Cipriano

Inanunsyo ng mag-asawang Chynna at Kean ang magandang balita sa kani-kanilang Instagram accounts.
Ayon sa caption ng bandista at aktor na si Kean, “Happy Easter from me, @chynsortaleza, @stellarcipriano and our newest band member! Sending good vibes to all!”

Sa kabilang banda ang aktres na si Chynna ay sinimplehan lang, “Name suggestions! Happy Easter from #TheCips.”

Wala pang masyadong detalye na nire-reveal ang proud parents sa pangalawang pagbubuntis ni Chynna. 

It’s a boy!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Masayang ibinalita ng #TheCips na magkakaroon sila ng baby boy ngayon pangalawang pagkakataong nagbubuntis si Chynna. Naghanda ang mag-asawa ng simple at intimate family dinner para sa kanila ngang gender reveal na pinost nila sa kani-kanilang IGTV.

Ang hula ni Kean ay “brother” di-umano ang ibibigay nila sa kanilang tatlong taong anak na babae na si Stellar. Karamihan din sa kanilang pamilya ay ang boto “brother” daw. Pero ang gusto sana ng kanilang toddler na si Stellar ay “sister” daw sana ang dinadala ng kanyang ina.

Sa kabilang banda, si Chynna hindi niya raw alam kung ano talaga ang gender, kung kaya’t nung hiniwa niya ang cake at lumabas ang blue-colored na mga candy sa loob nito napasigaw ang aktres sa saya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nag-suggest nga rin ang kanyang anak na si Stellar na gusto niyang pangalan para sa kanyang baby brother ay George.

Ikinuwento ni Chynna sa hiwalay na post na nalaman nila nang maaga ang gender ng kanilang baby dahil sa isang non-invasive blood test upang malaman ang mga “common chromosomal abnormalities” ng bata. Ang tawag daw sa test na ito ay Prèvue mula sa Cordlife.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: Chynna Ortaleza, Kean Cipriano

Basahin: Chynna Ortaleza believes that it’s best to become a mom in your 20s

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement