LOOK! Claudine Barretto at Raymart Santiago nag-reunion sa graduation ng anak

Claudine Barretto at dating asawa na si Raymart Santiago muling nagsama sa recognition at graduation ng mga anak.

Muling nakita ang dating mag-asawa na si Claudine at Raymart sa recognition ng kanilang anak.

Dating mag-asawa Claudine Barretto at Raymart Santiago nagreunion sa graduation ng anak

Makalipas ng ilang taon, muling nakita ng publiko ang pagsasama ng dating mag-asawa na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago. Ito ay nangyari sa graduation at recognition ng kanilang anak. 

Sa Instagram account ni Claudine Barretto, kanyang naishare ang video clips. Makikita dito ang kanyang dating asawa na si Raymart Santiago. 

Proud na proud ang dating aktres sa awards ng kanyang mga anak. Dahil daw ang kanyang mga anak ay honors student kaya ito ay isa sa mga importanteng okasyon sa kanya.

claudine barretto at raymart kasama ang anak na si santino

Laking pasasalamat niya dahil maayos lumaki ang kanilang anak ni Raymart. 

“I want to thank Sab & Saint for making me proud, I must have done something good to deserve Sab @ Saint!” Saad ng aktres sa kanyang post. 

Isa sa mga nakaka agaw pansin sa kanyang post ay ang kasama nila sa pag-akyat sa stage. Siya raw si Yaya Ging, ang naging second mom ni Sab for 19 years.

claudine barretto at raymart  kasama ang kanilang anak na si sabina

Kasama sa pag-akyat sa stage ang yaya ni Sab dahil ito umano ang naging second mom nito. Alamin Dito | Larawan mula sa Instagram ni Claudine Barretto

Si Yaya Ging ay kasama nila umakyat sa stage dahil nga raw malaki ang naitulong nito sa pagpapalaki kay Sab sa 19 years. 

Marami ang nag comment ng congratulations sa post ng aktres. Pero kapansin-pansin daw na hindi man lang raw gentleman ang actor kasi di man inalalayan si Claudine sa pag-akyat.

Hindi man pinangalanan ang aktor na si Raymart sa post ni Claudine ngunit tinawag ito na “Dad” ni Sab. 

Bukod sa heartwarming message ni Cluedine sa kanyang post. Nagbahagi rin si Sab Santiago ng appreciation sa kanyang parents kasama ang kanyang yaya. 

“Thank you to my parent’s for always being there to guide me and yaya ging for being a second mom to me!”, caption ni Sab sa kaniyang post. 

Marami ang natuwa sa message nito sa kanyang magulang at napaka sweet raw nito. 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!