Nakaranas ka ba ng pag invalidate ng iyong feeling galing sa iyong magulang? Ito ay isang negative old parenting style na maari iwasan.
Paano nga ba maiiwasan ang negative parenting cycle sa iyong anak?
Ilang tips para maiwasan ang negative parenting sa iyong anak. Alamin Dito| Larawan mula sa Pexel.
May isang experience ang isang middle age woman na pakiramdam niya siya ay unseen, invalidated at shamed ng kanyang ina noon childhood niya.
Maaari ito maipasa sa kanyang anak kung maipaparanas niya rin ang kanyang experience dito. Ang pag-iwas sa pessimistic parenting ay maaring gawin sa pagkakaroon ng clear communication sa iyong anak. Ito ang mga tips upang maiwasan ang cycle na ito.
1. Tanggapin ang mga negative emotional experiences mo sa iyong childhood.
Mas makakabuti sa iyo kung ang mga experience mo ay ma-let go upang makamove on.
Maari rin na ikaw ang mismong humarap sa mga invalidating parenting na naranasan mo.
2. Alahanin na ang pagiging parent ay pang matagalan kaya dapat prepared sa emotions.
Maging kalmado sa pag-discipline ng iyong anak upang magkaroon ng clear communication.
3. Maging open sa iyong emotions with your child.
Pagkakaroon ng emotional connection sa iyong anak ay mahalaga sa inyong relationship upang maiwasan ang negative parenting. |Larawan mula sa Pexel
Iparamdam na ang negative emotions ay normal lang kaya maari siyang mag express ng emotions.
4. Maging disciplined rin ang iyong sarili para gayahin ng iyong anak.
Ang pagiging self-disciplined ay malaking tulong sa iyong parenting style.
5. Make sure na matuto sa mistakes from the past
If natuto sa mga past mistakes, may malaki ang chance na mag grow at magkaroon ng more positive reinforcement sa iyong parenting.
6. Bago magsimula magpamilya, siguraduhin na ikaw ay heal sa mga wounds ng iyong childhood.
Pagheal sa childhood wounds ay mahalaga upang hindi maipasa ang negative emotional experiences sa iyong anak at maiwasan ang negative parenting. |Larawn mula sa Pexel.
Kung iiwasan ang negative parenting style, ito ay maari lamang maging cycle na maiparanas sa mga susunod na generation.
7. Mas isipin ang mga postive emotional experiences kesa sa negative upang mas makaroon ka ng positive thinking.
Ang pagkakaroon ng positive thinking, maari na maibalik ang mga postive emotional experiences ng iyong childhood.
Ito ay makakatulong sa iyo upang makamove on o let go sa mga bad experiences mo sa iyong childhood.
Dito na rin matatapos ang negative parenting cycle.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!