Claudine Barreto, ipinakilala ang bagong anak na si Baby Noah

lead image

Alamin ang kuwento kung paano nga ba nagdesisyon ang celebrity mom na si Claudine Barretto na magkaroon muli ng bagong baby sa kaniyang buhay.

Biyernes, ika-6 ng Setyembre, ipinakilala na nga ni Claudine Barretto ang bagong addition at baby sa kaniyang buhay pati na rin sa kaniyang pamilya, si Noah Joaquin.

Noah Joaquin

Sa isang Instagram post nga ni Claudine Barretto nito nga lamang Biyernes ay may karga-karga siyang baby sa kaniyang mga braso.

Ipinakilala niya ang baby bilang bagong addition ng kaniyang pamilya at bagong inspirasyon niya ngayon bilang isang ina.

Aniya sa kaniyang caption, "Meet My Noah Joaquin my Palanggas."

Dagdag pa niya, "Truly Gods gift. I am now Complete as a Mother."

"I'm so BLESSED BEYOND WORDS! We Praise you Lord, Abba Father," pagpapatuloy pa ng aktres.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Rason ng bagong adoption

Isa sa rason kung bakit nag-adopt muli ang aktres na si Claudine Barretto ay dahil na rin sa kaniyang mga anak na sina Sabina at Santino.

Sa isang Instagram post ni Clau noong ika-25 ng Enero isinaad nga niya na bumisita siya at ang anak na si Santino sa Cribs Foundation Inc.—isang non-profit organization sa Antipolo, Rizal para sa mga inabandona na mga baby at mga naabuso na bata.

Aniya nga sa kaniyang caption, "How I luv these children. I thank God for Sab & Saint bcoz I was going through something the other day & was at my Doctor when they called to remind me that we haven’t helped this month."

Sambit pa ng aktres, "U do learn from your kids too u know? They didn’t have money when I asked them what to bring & if their allowance was enough to buy the kids of Cribs milk or diapers."

"Sab told me Mommy our time & spending time is help & giving too," kuwento pa ni Clau.

Tinapos niya ang caption ng, "Aww my heart melted. Now they really want to ADOPT again."

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Hindi sikreto

Hindi naman naging lingid sa kaalaman ng mga followers ni Claudine Barretto ang kaniyang bagong adoption na ginawa sapagkat nagkaroon ito ng mga posts sa kaniyang Instagram account kung saan ipinapakita ang bagong addition sa kaniyang pamilya.

Noon nga ika-4 ng Abril ay nag-post ang celebrity mom ng isang sulat kamay ng panganay niyang si Sabina.

Ang sulat na ito ay para sa kaniyang ate na si Gretchen Barretto na kung saan nagpapasalamat ang panganay ni Clau dahil tumayo na nga itong bilang second mom nila.

Sambit nga ni Clau, "I'm Not a single Mom. I've You & Dada & Chin & Doms."

"Thank u for helping me raise my Kids @gretchenbarretto," pasasalamat ng aktres sa kaniyang ate.

Sa sulat na ito iginuhit ni Sabina ang miyembro nga ng kaniyang pamilya—ang ina na si Claudine, ang pangalawang ina na si Gretchen, ang panganay ni Gretchen na si Dominique, ang sarili niya, si Santino, si Quia, at ang panghuli na si Noah.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Sa isa pang post ni Claudine noong ika-29 ng Mayo, kung saan may hawak-hawak itong kamay ng baby, isinambit niya, "I will luv u forever."

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

At nito nga lamang ika-16 ng Agosto, nag-post si Clau sa Instagram kung saan nagpapasalamat ito sa Recovery Mode Manila—isang home service ng mga highly trained massage professionals.

Aniya sa kaniya caption, "@recoverymodemnl taking care of an infant can be so Tiring. Thank u @recoverymodemnl at this hour naka rest na ko sa pag alaga."

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on


Source: Claudine Barretto

Basahin: Proseso ng pag-aampon sa Pilipinas: Mga hakbang at kwalipikasyon

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner